CHAPTER FIFTY THREE (JAILED)

46 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER FIFTY THREE
"Jailed"

SA PRESINTO. NANDOON NA SINA WINSTON AT MAUILYN.
PINUNTAHAN NILA SINA KENDRALYN AT DOÑA ALYN SA SELDA NG MGA ITO.

Mauilyn: How are you guys doing here? Masarap ba sa loob?

Doña Alyn: Walang hiya ka talagang babae ka! Talagang nagpunta pa kayo dito?

Kendralyn: Kung nandito kayo para pagtawanan kami, umalis na lang kayo!

Mauilyn: Grabe naman kayo. Kayo na nga itong dinadalaw eh. Hindi man lang kayo magpasalamat!

Doña Alyn: At bakit kami magpapasalamat? Kayo ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon!

Winston: Kasalanan niyo kung bakit kayo nakakulong ngayon kaya huwag kami ang sisihin mo! Gumawa kayo ng masama kaya dapat lang na makulong kayo.

Kendralyn: (Napaluha) Winston... How could you do this to me? Minahal kita! Nagtiwala ako sa'yo! Why did you break my heart? Why???

Mauilyn: Ang drama mo ah? As if namang minahal mo talaga si Winston! Eh hindi ba kaya mo lang naman siya nilandi eh dahil alam ng mommy mo na mayaman siya?

Kendralyn: That's not true! Totoong minahal ko si Winston! Pero niloko mo lang ako! Sinamantala mo yun para magawa niyo ang plano niyo laban sa amin ni Mommy!

Mauilyn: You deserve it Kendralyn! Wala kayong puso ng mommy mo kaya dapat lang yan sa inyo!

Doña Alyn: Umalis na kayo!

NGUMITI NG PANG ASAR SI MAUILYN.

Mauilyn: Okay, aalis na kami. Bye! Sana makatulog kayo ng mahimbing diyan ngayong gabi! Hahahaha!!! Let's go Winston!

HINAWAKAN NI MAUILYN ANG KAMAY NI WINSTON AT SABAY SILANG UMALIS.

IYAK NG IYAK SI KENDRALYN HABANG PINAGMAMASDAN SILANG DALAWA PALAYO.
••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA WINSTON.
NAKAUWI NA SINA MARIELYN, BECKY AT CHENELYN. KASAMA NA NILA SINA DON CHITO AT EVA.
MASAYANG MASAYA NAMAN SI YAYA ONESSA NA MULING MAKITA SI DON CHITO.

Yaya Onessa: Dun Chetu, masaya pu aku na maketa ku olet kayu!

Marielyn: Mula ngayon, dito na po muna kayo titira sa amin daddy. Yaya Onessa, samahan mo na sila sa magiging kwarto ni daddy para makapag pahinga na siya. Si Eva naman doon muna sa kwarto mo matutulog. Okay lang ba yun Yaya Onessa?

Yaya Oness: Uki na uki lang sa aken yun! Iva, haleka na! Ehated na mona naten se dun chetu sa kwartu neya.

Eva: Sige.

UMALIS NA SILA.

Chenelyn: Marielyn, mauna na kami ni Becky. Pakisabi na lang sa Ate Mauilyn mo na umuwi na kami.

Marielyn: Hindi niyo po ba siya hihintayin? Dito na lang po kayo magpalipas ng gabi.

Becky: Oo nga naman ate, hintayin na natin si Mauilyn.

Chenelyn: Nakakahiya kasi kay Bertalyn este kay Lady Vera.

Marielyn: Okay lang po yun Tita Chenelyn. Pamilya na rin po ang turing namin sa inyo dahil mommy kayo ng kapatid ko.

Chenelyn: (Ngumiti) Alam mo, natutuwa ako sa'yo kasi sa kabila ng mga nagawa sa'yo ng anak ko, itinuturing mo pa rin siyang kapatid. Alam ko ang mga nagawang kamalditahan sa'yo ni Mauilyn noon at ako na ang humihingi ng pasensiya.

Marielyn: (Hinawakan sa kamay si Chenelyn) Tita, tapos na po yun. Nagkapatawaran na po kami ni Ate Mauilyn at okay na po kami.

Chenelyn: Salamat.
••••••••••••••••••
SA SELDA NINA DOÑA ALYN AT KENDRALYN.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon