CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTEEN (Prank Caller)

24 0 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER 117
"Prank Caller"

VILLAVICEÑO MANSION.

ILANG ARAW ANG LUMIPAS.
KA VIDEO CALL NI CHENELYN SI DON CHITO SA CELLPHONE NITO. NASA KWARTO SIYA.

HALATA KAY CHENELYN NA STRESSED AT HAGGARD ITO. NAPANSIN YUN NI DON CHITO.

Don Chito: Chenelyn, are you okay? May sakit ka ba? You looked so stressed. Anong problema?

Chenelyn: (Huminga ng malalim) Okay lang ako Chito. Kailan ba ang uwi mo dito? May gusto lang sana akong sabihin sa'yo.

Don Chito: Bakit hindi mo nalang sabihin sa akin ngayon? Bakit kailangan mo pa akong hintayin na umuwi diyan?

Chenelyn: Mas gusto ko kasi na sa personal natin pag usapan ito.

Don Chito: (Nagtataka) Ayos ka lang ba talaga Chenelyn? May problema ba diyan sa mansion na hindi mo sinasabi sa akin? Ang mga anak ko, ayos lang ba sila?

Chenelyn: (Napabuntong hininga) Ayos lang sila Chito. Nasa school sina Mauilyn at Kendralyn. Kasama nila si Jenny dun dahil naiinip daw siya dito sa mansion kaya sumama siya sa school.

Don Chito: Ganun ba? Sige, pag usapan nalang natin ang gusto mong sabihin pagkauwi ko diyan. Sa makalawa, babalik na kami.

Chenelyn: Sige Chito. Mag iingat ka diyan.

Don Chito: Kayo din. I love you.

Chenelyn: I love you too.

END CALL.
NAKASILIP NAMAN SI LUISA SA PINTO NG KWARTO NI CHENELYN.

•••••••••••••••••••
JANSOM UNIVERSITY.

MAGKAKASAMA SINA KENDRALYN, CHELSEA, HECTOR, PIA AT JENNY SA CAFETERIA.

Hector: Hay nako mabuti nalang at wala tayong klase lahat ngayon. Medyo nakakatamad din kasi.

Pia: Oo nga, kaso mamaya may exam pa kami sa last subject namin ni Chelsea. Nag review ka na ba Chelsea?

Chelsea: Oo naman. Ako pa ba?

Hector: Maiba ako, Kends, nag away na naman daw kayo ni Mauilyn? Hindi na ba talaga kayo magkakaayos nung kapatid mong 'yun?

Kendralyn: Hay nako, pwede ba ayoko na lang siyang pag usapan, okay?

Jenny: Sobrang sama kasi ng ugali ni Ate Mauilyn eh, masyadong abusada! Porket ikakasal na yung mommy niya sa daddy namin eh ang lakas na ng loob niyang ganunin si Ate Kendralyn.

Chelsea: So paano yun kapag naikasal na talaga yung daddy niyo sa mommy niya? Edi siya yung mas magiging legal na anak ganun?

Pia: Dati si Kendralyn ang legal na anak dahil kasal sina Don Chito at Doña Alyn ngayon si Mauilyn na ang magiging legal dahil ikakasal na si Don Chito at yung mommy niya!

Hector: Nakakaloka naman.

Kendralyn: Kaya nga dapat hindi matuloy ang kasal ni daddy kay Tita Chenelyn.

Chelsea: Eh mapipigilan mo ba ang daddy niyo? Eh diba nga nung party ni Jenny nag propose na siya dito in front of many people?

Pia: Oo nga, mukhang mahal na mahal talaga niya si Tita Chenelyn eh.

Kendralyn: Basta, kung noon okay lang sa akin na ikasal sila, ngayon ayoko na! Hindi ako dapat nagtiwala at naniwala sa mag inang plastic na 'yun!

Jenny: Ate Kendralyn, dapat gumawa tayo ng paraan para hindi sila maikasal ni daddy. Baka mamaya gamitin pa yun ni Ate Mauilyn laban sa atin eh.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon