LYN SISTERS
CHAPTER THIRTY EIGHT
"Suspect"ILANG ARAW ANG LUMIPAS.
SA OPISINA NI DON CHITO.
ISANG TAWAG ANG NATANGGAP NIYA.Don Chito: Talaga? May lumitaw ng witness sa kasong pagpatay kay Camelya? Sige, balitaan niyo nalang ako agad.
•••••••••••••••••••••
NAGPUNTA SI WINSTON SA MANSION NG MGA VILLAVICEÑO.
SI YAYA ONESSA ANG NAABUTAN NIYA.Yaya Onessa: Si Sinyoreta Kindralen po ba ang hinahanap nimu? Sandale lang tawagin ko lang.
BIGLANG BUMABA SI KENDRALYN AT NAKITA SI WINSTON.
Yaya Onessa: Ay ayan na pala seya ih. Sigi, maewan ko na kayu (EXIT).
Kendralyn: (Natuwa) Winston? Mabuti naman at nagpunta ka dito. Winston, gusto kong magpaliwanag sa'yo tungkol sa nangyari nung nakaraang gabi. Hindi mo kasi ako sinasagot sa mga tawag at text ko sa'yo simula nun eh.
Winston: Hindi mo na kailangang magpaliwanag Kendralyn. I saw what I saw. Malinaw na malinaw na sa akin na niloko mo lang ako.
Kendralyn: No Winston. Hindi kita niloko. Sinet up lang ako ni Mauilyn!
Winston: (Umiling) Hindi mo na ako mapapaniwala. Ginawa ko ang lahat para maging memorable ang gabing yun but you ruined it! Manloloko ka!
Kendralyn: (Napaluha) No Winston. Please listen to me!
Winston: Wala na tayong dapat pag usapan. Hindi rin naman ikaw ang ipinunta ko dito eh.
NAGTAKA SI KENDRALYN.
Kendralyn: What do you mean?
BIGLANG BUMABA SI MAUILYN.
Mauilyn: Nandito ka na pala Winston. Let's go?
Winston: Okay.
NAGTATAKA SI KENDRALYN.
Kendralyn: Teka, anong ibig sabihin nito?
Mauilyn: Ooppsss, hindi mo pa ba alam? Akala ko naman nasabi na sa'yo ni Winston.
Kendralyn: Nasabing ano?
Mauilyn: Kami na!
NABIGLA SI KENDRALYN.
Kendralyn: What?!!?
Winston: Tama siya Kendralyn. Kami na ni Mauilyn. I just realized na you're not my ideal girl kasi manloloko ka.
Kendralyn: No... NO!!!! Hindi pwede!!!
NAG SARCASTIC SMILE SI MAUILYN.
Mauilyn: Sorry sis ah? We have to go na.
Kendralyn: Plinano mo itong lahat diba? Siniraan mo ako kay Winston para maghiwalay kami tapos nilandi mo siya!!!
Mauilyn: Whatever. Isipin mo na ang lahat ng gusto mong isipin pero wala ka ng magagawa. Akin na si Winston, akin na siya!
Kendralyn: Bitch! Mang aagaw ka! Malandi!!!
SASAMPALIN NI KENDRALYN SI MAUILYN PERO SINALAG ITO NI WINSTON.
Winston: Huwag na huwag mo siyang sasaktan kung hindi ako ang makakalaban mo!
BINITAWAN NI WINSTON ANG KAMAY NI KENDRALYN.
Mauilyn: Narinig mo Kendralyn? Kaya huwag ka ng bitter okay? Let's go Winston.
UMALIS NA SINA MAUILYN AT WINSTON. MAGKA HOLDING HANDS.
Kendralyn: No!!! Hayup ka!!! Hayop kayong dalawa!!!
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?