LYN SISTERS
CHAPTER 147
"Yaya Onessa VS. Luisa"SA ISANG COFFEE SHOP.
MAGKASAMA SINA DANIELLA, SHANA AT MAUILYN.Shana: So ang mangyayari imbes na sa correctional ikulong ang mommy mo eh sa mental hospital na lang siya dadalhin ganun?
Mauilyn: Oo.
Daniella: Eh diba magaling naman na ang mommy mo?
Mauilyn: Oo nga pero kailangan naming gawin yun para makalabas na si mommy sa kulungan. Mas okay na sa akin na dalawin ulit siya sa mental hospital kesa sa kulungan noh.
Shana: Pero wait, mommy mo ba talaga ang bumaril sa mommy nina Marielyn?
Mauilyn: Of course not! Kilala ko si Mommy, magsasabi 'yun ng totoo sa akin. Naniniwala ako sa kanya na hindi siya ang bumaril kay Tita Vera.
Daniella: Kung hindi ang mommy mo, sino? Eh diba ang itinuturo ng mommy mo eh yung si Doña Alyn? Eh diba patay na siya so ibig sabihin naniniwala ka na buhay pa nga si Doña Alyn ganun?
Shana: OMG! Buhay yung mommy ni Kendralyn?
Mauilyn: Hindi ko alam pero bakit naman sasabihin ni Mommy 'yun?
Daniella: Diba ilang beses na rin niyang sinabi noon na nakikita niya si Doña Alyn?
Shana: Oo nga, naalala ko nun sa Ladies Room ng Jansom.
Daniella: Tapos yung kinwento mo nun sa amin na minumulto daw yung mommy mo ni Doña Alyn sa mansion niyo.
Shana: Hindi kaya multo ni Doña Alyn ang bumaril sa mommy nina Marielyn?
Daniella: Gaga! Imposible yun!
NAPAPAISIP SI MAUILYN.
NAALALA DIN NIYA ANG GABI NUNG MAKITA NIYA ANG KAMUKHA NI DOÑA ALYN SA LABAS NG OSPITAL.Mauilyn: Daniella, naalala mo ba nung nagpunta tayo sa ospital noon? Nung pinuntahan natin si Kendralyn?
Daniella: Oo bakit?
Mauilyn: Hindi ba sinabi ko sa'yo na parang nakita ko si Alyn sa labas ng ospital?
Daniella: Yung nakapang doctor na uniform? Oo naaalala ko.
Mauilyn: Hindi kaya si Alyn talaga yung nakita ko nun? Baka pinuntahan niya din si Kendralyn noon sa ospital?
Shana: You mean, baka buhay talaga si Doña Alyn at alam ni Kendralyn na buhay pa ang mommy niya?
NAPAISIP SI MAUILYN.
Mauilyn: 'Yun ang kailangan kong alamin.
•••••••••••••••••••••••••
VILLAVICEÑO MANSION.PAALIS SI DON CHITO. NAKITA SIYA NI JENNY.
Jenny: Daddy, san po kayo pupunta?
Don Chito: Dadalawin ko lang ang Tita Chenelyn mo sa presinto.
Jenny: Ganun po ba? Daddy, paano kung hindi talaga si Tita Chenelyn ang bumaril kay Tita Vera?
Don Chito: Anong ibig mong sabihin?
Jenny: Paano po kung nagsasabi po siya ng totoo? Paano po kung inosente talaga siya?
Don Chito: Hindi kita maintindihan anak. Napatunayan na ng mga pulis na ang Tita Chenelyn mo ang bumaril kay Bertalyn.
Alam kong mahirap paniwalaan pero yun ang totoo. Siguro hindi rin naman niya gusto ang nangyari pero nagawa niya pa rin.Jenny: Daddy... Pakisabi nalang po kay Tita Chenelyn na kinakamusta ko siya.
Don Chito: (Ngumiti) Sige, gagawin ko 'yun. Mauna na ako ah?
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
AcakTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?