LYN SISTERS
CHAPTER SEVENTY FIVE
"Welcome Home Don Chito"KINABUKASAN, ARAW NG BIYERNES.
MAAGANG INIHATID NI MARIELYN SI DON CHITO AT EVA SA MANSION NG MGA VILLAVICEÑO. KASAMA NILA SI ALDRIN AT YAYA ONESSA. MASAYA SILANG SINALUBONG NI KENDRALYN.Kendralyn: Daddy!!!!
NIYAKAP NI KENDRALYN SI DON CHITO NA NAKAUPO SA KANYANG WHEEL CHAIR. NAKANGITI NAMAN SI DON CHITO AT KITA SA MGA MATA NITO ANG SIGLA AT SAYA DAHIL SA WAKAS AY NAKAUWI NA SIYA SA KANYANG TAHANAN.
Don Chito: Sa-Sa-la-mat Ma-Marie-Marielyn, An-Anak!
Marielyn: Wala po yun daddy. Alam ko naman po kasi na dito niyo talaga gustong tumira dahil ito ang bahay ninyo. Pasensiya na kayo kung natagalan pero eto na, nakauwi na po kayo.
Aldrin: I'm sure mas mapapabilis ang recovery ng daddy niyo dito dahil iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa sarili mong bahay ka eh.
Kendralyn: (Ngumiti) Salamat talaga Marielyn ah? Hay, ang saya saya ko. Huwag kang mag alala, malayang malaya ka na dalawin si Daddy dito anytime! Kung gusto mo nga dito ka rin matulog minsan kapag gusto mo. Na-miss ko kasi kayo eh. Actually, na-miss ko lahat ng mga memories natin kahit na masungit ako sa inyo noon hehehe.
Marielyn: (Ngumiti) Ako din Ate, na-miss ko yung bonding natin noon.
Kendralyn: Don't worry, papalitan natin lahat ng mga memories na yun ng mga bagong masasayang memoriesHahaha!
NATAWA SI MARIELYN.
Eva: Ayan Don Chito ah, nakabalik na po kayo sa bahay ninyo. Sana mas magpalakas pa kayo.
Yaya Onessa: Oo nga pu Don Chetu!
Kendralyn: Kumain na muna tayo, nagpahanda ako ng makakain kina Kikay.
Marielyn: Sige.
Aldrin: Nga pala, tonight na yung Welcome Party sa Jansom, huwag kayong mawawala ah?
Kendralyn: Of course!
Aldrin: Kumbinsihin mo rin yang si Marielyn kasi mukhang hindi siya sigurado eh. Hehehe.
Kendralyn: Ano ka ba, ako na ang bahala dito sa kapatid kong ito. A-attend yan mamaya! Hindi pwedeng wala siya! Hehehe!
Marielyn: (Ngumiti) Hay nako mukhang hindi na talaga ako makaka tanggi! Hahaha!
NAGTAWANAN SILANG LAHAT.
••••••••••••••••••••••••••
CEBU.
PAALIS SI ROLANDO.Doña Alyn: Saan ang punta mo?
Rolando: May aasikasuhin lang akong importante. Babalik din ako agad.
Doña Alyn: Okay, mag iingat ka.
Rolando: Salamat. Siya nga pala, tungkol sa nangyari kagabi. Patawrin mo ako, hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko dahil....
Doña Alyn: Huwag mo ng alalahanin yun. Nag enjoy din naman ako sa ginawa natin. Pasensiya ka na kung medyo nagpakipot ako. Nabigla lang kasi ako.
Rolando: (Ngumiti) Natutuwa akong marinig yan. Sige, mauna na ako. I'll see you later.
UMALIS NA SI ROLANDO.
BIGLANG NANLISIG ANG MGA MATA NI DOÑA ALYN.Doña Alyn: Sige lang Rolando, sasakyan ko lang lahat ng gusto mo pero darating ang panahon na mawawala ka rin sa landas ko at kukunin ko lahat ng kayamanan mo! Hmmmmm.... Gagamitin lang kita para sa mga plano ko laban kay Alyn pero pagkatapos nun, ikaw naman ang isusunod kong dispatsahin!
••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA WINSTON.
NAGPUNTA DOON SI CHENELYN.
BUMABA SA HAGDAN SI LADY VERA.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?