"Haah... uwian na sa wakas," sabi ko "ahhh... sobrang boring... sana may isang prinsesang tumawag sakin sa ibang mundo."
"Asa ka na lang," sabi ng kaibigan kong babae.
"Grabe, maka-asa," sabi ko "malay mo, mangyari."
Pagkasabi ko nun ay biglang nagkaroon ng isang nagliliwanag na bilog sa sahig na para bang isang magic circle.
"Tang ina mo Rafael, pag ako nadawit diyan, papatayin kita," sabi niya.
"Grabe Czarina," sabi ko hindi pinapansin ang mga nagkakagulo naming classmate.
"My gund, nagkakagulo na at lahat sobrang kalma niyo," sabi ng isang classmate.
"Nagsalita ang hinde," sabay naming sabi kasabay ng paglakas ng liwanag.
Nang mawala na ang liwanag, nakita ko ang sarili ko sa isang puting silid.
"Hello hero," sabi ng isang lalaki na may dilaw mata.
"Give me my cheats," sabi ko at napangiti na lang ang lalaki.
"Well, unfortunately, hindi kita bibigyan, ikaw ang mamimili, bibigyan kita ng ilang points tapos ikaw na bahala, pataasin mo stats mo, or kumuha ka ng skills leaving your status in initialized form, your call," sabi ng lalaki "yung points na yun ay tinatawag na [Soul Points], kung gaano kadami ang meron ka, ewan ko, kaya ito, tignan mo at mamili ka na," sabi niya sakin.
Pagkasabi niya nun ay may isang malaking rectangular virtual screen ang lumitaw sa harapan ko. Ang screen ay katulad ng sa mga games, may six sided polygon na naglalaman ng mga usual status parameters such as ATK, DEF, SPD, ACC, MGC, MGD; meron ding tatlong bar na may mga kulay na pula, asul at berde; ang pula ay HP, ang buhay ko, ang blue ay MP, or magic power, in every games, kailangan ng MP para makagamit ng skills, then green for SP, ewan ko kung para saan yun; tapos may mga listahan din ng mga skills at items.
"Hmm... ano criteria para mapataas ang [Soul Points]?" tanong ko.
"Nakadepende yun sa [Soul affinity] mo," sabi ng lalaki.
"Soul affinity?" tanong ko.
"Sabihin na lang natin na affinity mo sa fantasy, parang ganun," sabi ng lalaki.
'What a half-assed explanation,' sabi ko sa isipan.
"Naririnig ko ang sinasabi mo, although I'm not the Creator, the Supreme One, I'm more or less, a god-class, kaya naririnig ko ang nasa isipan mo," sabi ng lalaki "hindi ko lang maipaliwanag, kasi medyo mahina ako sa explanation."
"I see..." sabi ko.
"Bakit mo nga pala tinanong ang requirements, sobra bang onti?" tanong niya at sinilip ang screen "ah, kabaliktaran pala, sobrang laki, well, ang record holder ay 999,999,999,999,999 points," dugtong niya "nasa tenth place ka lang, 999,999,999 points."
"Haah... paano ako makakapili? Just click?" tanong ko.
"Oo, kung nasa [Common] class, may mga level yun, 1-10," paliwanag ng lalaki, ang level 1 ay beginner, level 3 intermediate, level 5 ay expert, level 7 ay master, level 9 ay hero, level 10 ay deity.
"Tapos ang mga [Special] naman, yung mga nandyan na walang level parameter, tapos may mga [Ultimate] skill pa, mga [Special] skill na nagsama-sama at naging [Ultimate], once mastered mo na ang [Ultimate], magkakaroon ka ng kapangyarihang pangalawa lang ng sa mga may hawak ng authority," sabi ng lalaki "may mga [Unique] din, but wala yun diyan, kailangan makuha mo ang required quality para makuha ang skill; tapos makakatipid ka kung kukuha ka ng [Common Skill] at gagawing [Special Skill] through [Skill Evolution] na posible lang mangyari once may level 10 skill na ang user."
BINABASA MO ANG
Class Of Heroes
FantasyRafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to live a lazy life until its time for their deportation, but he got bored and made his move. The seco...