Chapter 056

631 32 0
                                    

"Ayos ka lang?" tanong ko kay liit habang tumatakbo.

"Yeah, ayos lang ako," sabi niya may mga sinabi pa siyang kasunod pero nawala iyon sa lakas ng wind pressure.

"Ano yung dinugtong mo after nung ayos lang ako?" tanong ko.

"...Secret," sabi niya with a mischievous smile.

***

Nang makarating kami sa may bansa ay agad kaming nagtungo sa may pinakamalapit na bayan upang doon magpalipas ng gabi ngunit...

"Identification," hingi ng isang sundalo na nagbabantay sa may tarangkahan.

"... Right," bulong ko "paumanhin ngunit naiwala namin ang identification papers namin, hinarang kasi kami ng mga bandido, nagkataon namang may dumating na halimaw kaya nagawa naming makatakas pero naiwan namin ang mga bagahe namin, kabilang narin doon ang mga papeles at pera namin, ang tanging naiwan samin ay sampung gintong barya."

"Nauunawaan ko, kukunin namin ang lima bilang kabayaran sa pagpasok at pagkuha ng bagong papeles niyong dalawa," sabi ng bantay kaya agad akong nagbigay ng limang gintong barya.

Agad kaming dinala sa isang guard house like at doon, pinahawak kami sa isang tablet size na bato at nang hawakan ko ang bato, nagkaroon ng mga nagliliwanag na letra doon at salamat sa [Language Comprehension] nabasa kong ang mga nakasulat ay ang fake status ko.

"Sheltered noble huh," narinig kong bulong ng guard ng makitang level 1 ako habang kinokopya sa papel ang mga nakasulat sa bato at tinatakan iyon gamit ang insignia ng singsing niya.

After niyang maisulat sa papel ay binigay niya sakin iyon at si liit naman ang pinahawak niya.

'Crap, nakalimutan ko siyang pasuotin ng singsing,' sabi ko sa isipan at dali-daling itinigil ang oras at sinuotan ng [Status Inhibition Ring] si liit bago ko binalik sa normal ang daloy ng oras.

"Parehong sheltered noble," bulong ng guard at kinopya na ang mga nakasulat sa papel.

After naming makuha ang mga papel ay binigyan niya kami ng isang wooden plate, ayon sa kanya residential permit namin iyon, kailangan naming ipa-renew iyon bago mag-expire dahil kung may mag-inspect at mahulihan kami ng expired permit, either magmulta kami or maging isang general slave.

"Now what?" tanong ni liit.

"Hotel room," sabi ko at agad na naghanap ng libreng hotel.

"Tara, may festival na gagawin dito kaya puno lahat ang mga hotel, isang kwarto na lang ang naiiwan kaya kung ayaw mong magtabi tayo sa nag-iisang kama doon, sa lapag ka matulog," sabi ko.

"Nakakalimutan mo ba? Nagtatabi tayong matulog nung simulation?" sabi niya tinutukoy ang nag-iisang sleeping bag na lumilitaw sa mga safe zone.

"Right," sabi ko sa sarili at nagpunta na sa may hotel.

"A single room please," sabi ko.

"Magkasama kayo?" tanong niya nang makita si liit.

"Yes," sabi ko.

"... please clean it up upon checking out," sabi niya samin at pinasulat ang pangalan at binigay samin ang susi.

"... anong problema mo? Nahihilo ka?" tanong ko nang makitang namumula ang buong mukha ni liit.

"Ayos lang ako," sabi niya sabay iling.

***

"Asaan na ba sila?" tanong niya nang matapos kaming kumain ng hapunan.

"Capital," sagot ko.

"I see, pero ikaw? Kelan ka nagbabalak na gawin ang mission mo?" tanong ni liit.

"Anong pinagsasabi mo, ginagawa ko na," sabi ko.

"Huh?" tanong niya.

"Ano tingin mo sa lasa ng pagkain?" tanong ko.

"... Ang pangit," sagot ni liit.

"See," sabi ko "so I gave them a recipe, to improve the dishes."

"..."

"Kahit sinabing 'technology' doesn't mean, na literal na technology ang dapat kong paunlarin; sakin ang may pinaka-simple and yet pinakamahirap na misyon ang meron ako," sabi ko.

"Dahil hindi lang iyon ang kailangan mong paunlarin," sabi niya.

"Yeah, medicine, food, items, vehicles, lahat ng mga gamit," sabi ko.

"By the way, kaya kong gumawa ng mga ginto, but with zero visible source of income, hindi ko magagawang makagalaw ng malaya," sabi ko "pwede akong sumali sa merchanting guild, pero wala akong capital, so instead, maghahanap ako ng supporter, for example a noble," sabi ko.

"... Kailangan ba talaga?" tanong ni liit.

"Yeah," sabi ko "traumatized sa may hari?" tanong ko.

"... Medyo," sabi niya.

"Don't worry, maghahanap ako ng isang maayos na noble," sabi ko.

"Paano mo naman magagawa yun?" tanong niya.

"I just did," sabi ko "next week, makikilala mo na sila."

"Ha?" takang sabi ni liit.

"Dahil sa recipe na binigay ko, magiging sikat ang kainan na ito, and most nobles always look for great food, and since 15 days ang duration natin dito," sabi ko.

***

A week later...

"Hala ka puno," sabi ni liit nang mapansing puno ang kainan.

"Ah, paumanhin po," sabi ng proprietess "naging sikat po ang kainan namin simula nang ilabas namin ang recipe na binigay mo," sabi niya sakin "at laking pasasalamat ko po, sa totoo lang nahihiya pa nga po ako dahil libre mo iyong binigay," sabi niya.

"Don't mind, hindi naman ako ang inventor niyan," sabi ko "as long as rerespetuhin mo ang copyrights, then okay lang," sabi ko "besides, may mga makukuha naman dito, in fact, makukuha ko na... ngayon," sabi kong naka-ngiti sabay talikod, saktong lapit ng isang lalaking nakasuot ng isang magandang kasuotan.

"Excuse me, pero narinig ko ang iyong sinabi," sabi ng lalaking may magandang kasuotan "ngunit, totoo bang ikaw ang may gawa ng pagkain na iyon?"

"Hindi ako ang gumawa ng pagkain na iyon, ngunit ako ang nagbigay ng paraan upang maluto iyon," sabi ko at tumango-tango ang lalaki.

"Marami ka pa bang magagawa?" tanong niya sakin.

"Yes, I have a library full of it," sabi ko "here," at tinapik-tapik ko ang sentido with my finger.

"I see," sabi niya tatango-tango.

"Maari ba kitang maka-usap?" tanong niya

"Opo," sabi ko kaya dinala niya ako sa isang cafe na medyo maluwag.

***

"Natutuwa po ako dahil nais niyong kunin ang isang tulad ko bilang tauhan ngunit... hindi po kami nababagay sa harapan ng mga noble," sabi ko.

"Kami?" tanong niya.

'Pagsinabi kong kapatid ko, malaki ang magiging problema...' sabi ko sa isipan.

"Ako at ang kasintahan ko," sabi ko "yung babaeng maliit na kasama ko kanina lang."

"... Yung babaeng nakatingin dito at nagtatago sa may poste," sabi kong naka-ngiti kaya napa-tingin siya sa may labas at napangiti din.

"Nakikita ko nga siya," sabi niya "so, hindi kayo nababagay sa harap ng mga maharlika... hindi kayo nababagay bilang mga katulong kung gayun."

"Siyang tunay," sabi ko.

"Ngunit nais kong ikaw ay aking kuning tauhan," sabi niya.

"Kung gayun ako ay may imumungkahi," sabi ko at sinabi ang ini-isip ko.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon