Chapter 054

653 30 0
                                    


Nang maka-usap na namin ang hari, mukha naman siyang matino, yes mukha lang but because of his statement contradicting his appearrance hindi ako naniwala sa kanya and deemed na mas mainam na wala kaming koneksyon sa may bansang ito lalo na at ang sinabi niya pa ay:

· Sinasakop ng demon race ang bansa, wala silang balak na pamunuan ang bansa pero sinusugod pa rin sila ng paulit-ulit.

· Hindi nila alam kung kelan sila makakatagal.

· Naghihirap na ang mga tao.

· Dahil desperado na sila, ginawa nila ang [Hero Summoning Ritual].

· Other than one sidedly summoning you all, we selfishly hope na tutulungan niyo ang bansa.

· Hindi namin alam ang paraan para mai-uwi kayo pero ang [Demon Lord] na matagal ng nabubuhay at expert sa magic ay maaring may alam.

<<Seriously, idiocy should has it's limit,>> sabi ko sa apat habang nakatingin sa may haring naka-suot ng mga nag-gagaraang mga damit at alahas, ganun na din ang reyna sa tabi ng hari at ang prinsesa sa gilid.

"I'm sorry to say, pero hindi kami kasing lakas ng tulad ng inyong inaasahan, so, can you just summon another one and let us go?" tanong ko sa hari at agad namang may lumapit sa kanyang ministro at may binulong and ayon sa [Keen Sense] binulong ng ministro ang mga nakita nilang parameters namin, kung paano nila nagawa yun, for sure yung salamin na ginamit nila kanina ang dahilan.

"Well, nauunawaan ko sa inyong apat, pero siya," sabi ng hari at tinuro si liit.

<<Wag kang papayag, mamaya ko na ipapaliwanag pero wag kang pumayag,>> sabi ko sa isipan.

"Inyo pong ipagpaumanhin, ngunit ayaw ko, hindi ako santa para tulungan ang mga kidnapper ko," sabi niya.

"There you have it," sabi ni Kevin "so, can we leave now?"

"... Itapon sila sa may labas, kumpiskahin ang mga kagamitan nila," sabi ng hari at agad na ginamit nina Kevin ang [Time Stop] technique nila.

"Do it," sabi ni Maria kaya gumawa ako ng mga cursed weapon na kung lahat ng mga gagamit ay mabibigyan ng extreme bad luck curse at mawawala lang once na hindi na suot ang mga gamit but the catch is, BOE sila, other than us original owners, BOE na sa lahat.

"Ako na bahala kay liit," sabi ko at hinawakan si liit at biglang nagawa na niyang makagalaw uli.

"... Time stop," sabi niya.

"Yes," sabi ko "magpalit ka na nito tapos yung true equipments mo, ilagay mo sa [Item Box] mo or kung ano pa man tawag sa [Inventory] mo," sabi ko.

"By the way, Rafael, even the underpants?" tanong ni Kevin.

"Yes," sabi ko "pustahan tayo ano, pati iyan kukunin nila."

"Sige, ano pusta?" tanong niya.

"Magiging utusan ang matatalo ng mananalo for a whole month," sabi ko.

"Deal," sabi niya at nang makapagpalit na kami sa mga cursed items ay agad naming binalik ang daloy ng oras kung saan agad kaming hinawakan ng mga sundalo, kinuha ang mga damit, literal na lahat, halata sa mukha ng girl group na hinawakan sila sa private parts kaya for sure mamaya, hindi na makakakita ng bagong umaga ang mga tarantado.

Nang makuha na ang mga damit namin, everything even the accessories, ay itinapon na kami sa labas ng palasyo, kami lang dalawang lalaki, ang mga babae, gagawin nilang laruan, pero dahil biglang huminto ang oras alam na namin ang nangyari kaya agad na kaming nagbihis sa true equipments namin at agad na pinuntahan ang tatlo.

"Okay, magbihis ka na, tapos tara na," sabi ko nang pinadaloy ko na uli ang oras ni liit.

"I hate this country," sabi niya habang nagbibihis.

"Well, congrats, mamalasin na ang buong bansa dahil ginamit ng hari ang [Fake Cloudburst]," sabi kong natatawa habang nakatingin sa may [Universal Search].

"Tara na," sabi ni Kevin nang matapos na ang tatlo sa pagbihis at agad na kaming lumabas ng palasyo, needless to say na may iniwan akong regalo para sa kanila, kung ano yun? Yun ay...

Nang makalayo kami sa may palasyo ay agad na naming binalik ang daloy ng oras, at kasabay ng pagbalik ng daloy ay ang pagsabog ng buong palasyo, wala naman gaanong namatay sa pagsabog pero dahil nag-iwan ng regalo sina Czarina at Maria, for sure marami ang mamatay. Ang regalo ko ay crates ng gunpowder, nilagay ko sa mga important places ng palasyo like the stockroom, armory, archives(I stole everything first and put some various random thrash(mga returned quiz papers ng mga absent kong blockmate) na naiwan sa inventory, barracks, needless to say, I ignited them up kaya sumabog nang padaluyin ko na ang oras; ang regalo naman ni Czarina ay isang daang [Slime], at dahil ang summon ay may effect na makukuha ng summon ang 50% ng stats parameter ng summoner, needless to say halimaw ang mga slimes na meron sa palasyo; tapos ang regalo naman ni Maria ay isang barrier, a very simple barrier that nullifies every healing techniques inside the barrier.

"Ang gaganda ng regalo niyo," sabi ni Kevin.

"Sabi ng lalaking kinuha ang lahat ng kayaman nila sa treasury," sabi ko na tinawanan niya lang while si liit, nakatingin samin wide eyed, ang expression ay waring nagtatanong kung mga [Hero] ba talaga kami.

"Okay, liit, explanation time, tanda mo kung ano ang mga sinabi niya? Naghihirap na ang bansa dahil sa pagsugod ng demon race? Anong napansin mo sa may hari?" tanong ko.

"... magarbo ang suot niya at puno ng mga alahas ang katawan, gayun din ang reyna at prinsesa," Sagot niya.

"Exactly, tapos, sobrang gamit na ang setting na walang silang paraan para maiuwi tayo, pero alam ng [Demon Lord], then bakit ko kailangan patayin ang demon lord? Pupuntahan ko na lang siya at sasabihing, ako ang hero, i-uwi mo ako sa amin, or else, sisirain ko ang mundo," sabi ko.

"Besides, ang ticket lang para maka-uwi ay ang mga nasa itaas, or ang lalaking ito," sabi ni Kevin sabay turo sakin.

"Well, first of all, tara sa may hotel, paghatian natin ang loots, tapos pag-usapan natin ang mga gagawin," sabi ko.

"By the way, ano ang mission natin dito?" tanong ni liit kaya napatingin kami sa kanya.

"HIndi mo alam?" tanong ko.

"Hinde, walang sinabi sakin, ang sabi lang sumama sa inyo para makakuha ng experience kung gusto ko," sabi niya.

"Then bakit ka nandito? Pinapili ka pala eh," sabi ko.

"Oo nga ano, bakit ako nandito?" sabi niya "anyway, ano ang mission?"

"... Advance this world's technology," sabi ko sinasabi ang mission ko.

"Advance the magic studies of this world," sabi naman ni Maria, tinutukoy ang mission niya.

"... Advance the combat arts of this world," sabi ni Kevin.

"Purge the world from it's way too many vile," sabi ni Czarina, basically, ang mission niya ay patayin lahat ng corrupt sa mundong ito.

"At ang mission mo, tulungan kaming apat," sabi ko kay liit.

=============================

A/N: the last one.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon