Chapter 038

682 34 0
                                    


Kasalukuyang nasa may convinience store ako, still in US, doon ako nagpapalipas ng oras, tinitignan ang mga magazine na nandodoon nang...

"Hold-up ito!" sabi ng isang lalaking naka-suot ng ski-mask sabay tutok ng baril sa may cashier.

"Seriously..." sabi ko with a fed-up expression at ginamit ang [Shapeshift] to change my face.

"Hoy ikaw, akin na lahat ng gamit mo," sabi ng lalaki sabay tutok sakin ng baril.

"Haah..." buntong-hininga ko at inabot ang smartphone at nang hablutin niya iyon ay hinablot ko naman ang 9mm pistol niya.

"Wut?" dumbfounded niyang sabi.

"Okay, hold-up ito, ibalik mo sakin ang smartphone ko," sabi ko at buong takot niyang binalik ang phone "ibigay mo sa cashier ang lahat ng pera na meron ka," utos ko at binalik niya lahat ng pera.

"Medyo madumi yung tindahan, linisin mo," sabi ko at tinignan yung mga empleyado na agad namang naglabas ng mga cleaning materials.

Agad iyong kinuha ng holdaper at nagsimulang maglinis, and for some reason, pina-ayos na din sa kanya ang mga paninda, pina-refill ang mga dapat i-refill, etc, etc, at habang ginagawa niya yun, tinututukan ko siya ng baril, natigil lang nang may dumating na pulis, nag-stop over para bumili, well, salamat sa manager ng shop, naabsuwelto ako, nakakapanghinayang lang kasi confiscated ang 9mm.

After that incident, nang tignan ko ang smartphone ko at nakitang 9:00AM na sa pinas ay agad akong gumamit ng [Invisibility] spell at nag-transform sa dragon at lumipad na papunta sa isang lugar, nag-transform ako kasi napansin ko na mas mabilis ang flight speed ko in dragon form kumpara sa may human form.

Ang pinuntahan ko ay sa Las Piñas, nang malapit na ako agad akong nagbalik sa human form ko, with my true face, at lumapag sa lupa, luminga-linga at inalis ang [Invisibility] nang masigurong walang tao sa paligid.

"Tao po," sabi ko nang magpunta ako sa isang bahay, alam kong may tao sa loob, salamat sa [Map].

"Oh, Rafael," sabi ng isang babae nang buksan niya ang pinto.

Ang babae ay isang blood sister ko, eldest among us three, six years older than me, a mother of two, a boy and girl, ang bayaw ko ay nasa america, isang immigrant doon; ang pangalawa kong kapatid ay babae din, five years older than me, unfortunately, hindi siya nakatira sa Las Piñas, andun siya sa may Cavite, dun sa may Langkaan, doon siya nag-board, balak ko ngang bilihan ng bahay eh, silang dalawa ni Ate, although kapatid ko sila, hindi ko sila ilalagay sa management ng gagawin ko dahil may trabaho na ang pangalawa, tapos ang kaharap ko naman ay isang professional author.

"Ate Joanne, long time no see," sabi ko.

"Long time no see ka diyan, nung nakaraang linggo lang andito ka ah," sabi niya "pasok ka."

"Anong dahilan at napabisita ka ng walang abiso man lang?" tanong niya sakin nang makapasok na ako sa loob.

"Sila Ikki at Kai?" tanong ko kay Ate tinutukoy ang mga pamangkin, si Ikki, full name is Prince Brylle ang eldest son ni Ate, at si Kai, full name is Kreishna Heather, according to my sister, ang Kreishna ay princess, at least sa kwento niya, yun ang ibig sabihin nun.

"Nasa taas, nanonood ng movie," sabi ni Ate "kamusta naman dun?"

"Ayun, ganun pa din, wala pa ring pinagbago, gusto ko na ngang umalis eh," sabi ko.

"Sabihan mo ate mo... parang hindi mo ako ate ano?" sabi niya at natawa sa sariling biro.

"Anyway, ate, malaki na chance mo na magkapamangkin," sabi ko.

"May girlfriend ka na?!" sabi ni Ate Joanne, sobrang laki ng tuwa "yes! May girlfriend na si Rafael, hindi na siya NGSB!"

"Actually, skip na nga sa girlfriend-boyfriend period eh, asawa ko na eh," sabi ko.

"May anak ka na din?!" gulat na sabi niya "wala ka pa ngang trabaho!"

"Ah, no, actually, mayaman sila," sabi ko.

"Anong gayuma ang ginamit mo?" tanong niya at napangiti na lang ako.

"Anyway, mayaman sila tapos binigyan ako ng capital para magtayo ng sarili kong business," sabi ko.

"I see, kelan ko siya makikilala?" tanong niya sakin.

"In three years, ipapakilala ko sila sa'yo," sabi ko.

"Oka— wait, sila?" tanong niya sakin.

"Yeah, sila," sabi ko "si Ame, si Milliana, si Sera, si Fina, si Seriana, si Alicetia, si Veronica," sabi ko hindi isinama si Shizu dahil babaguhin ko ang hinaharap, hindi ko siya gagawing asawa ko, but if ever na hindi ko mabago, then, wala na akong magagawa, hindi naman kami blood related, so at least pagnasa-gulang na siya; at si Natalie dahil malaki ang tsansa na hindi niya ako magustuhan as a man kaya kukunin ko siya as a little sister.

"... Ang dami ah, kelan ka naging playboy?" tanong niya.

"Wala akong kasalanan dun... well, sa isa meron... no, tatlo pala, pero the rest, wala na, sila na itong may gusto," sabi ko "and because, ayos lang sa kanila, ang nangyari, ang isa legal wife, the rest is illegal wife," biro ko.

"Wow... real life harem... monogamy ang Roman Catholic, magpapa-convert ka ba sa muslim?" sabi niya.

"I know... at wala akong balak mag-convert," sabi ko hindi ko masabi ang tungkol sa ibang mundo dahil naiisip ko na ang magiging reaction niya, hindi naman sa hindi siya maniniwala, in fact, maniniwala siya at yayayain niya pa akong magpunta doon for the sake of adventure, thrill, and fun, andoon na din ang materials niya for her own book.

"Well, ate," sabi ko napagdesisyunan na sabihin na sa kanya "you see..." at pinaliwanag ko na kay ate na napunta ako sa ibang mundo kahapon, nanatili doon for three years, at binalik sa oras din na napunta ako doon, sinabi ko din ang mga abilities ko, at nagpakita pa ng proweba by making a flame out of nowhere, sinabi ko din na makakabalik ako doon, mag-antay lang ng three years.

"... Ate, bakit may notebook ka sa tabi mo?" tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.

"Ah, may naisip na akong character, side character lang siya pero sobrang OP, kaya niyang kontrolin ang time and space; tapos isang side character na isang crafter at kayang gumawa ng mga cheat like equipments, side character na mabilis mag-level, isang side—"

"Okay, I get it, I get it, enough with the side character," sabi ko dahil feeling ko side character lang ako, well, in a sense, side character lang ako, gagalaw lang pag-gusto ko.

=====================================================

[A/N:  A spoiler :D everything is nothing but a prologue, the true story starts at chapter 90 :D]

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon