Chapter 011

1.1K 49 0
                                    

"Ano, masaya ba?" tanong ko kay Shizu habang pauwi na kami after ng party.

"Opo," sabi ni Shizu "papa—"

"Papa?" tanong ko.

"Opo, sabi po ni mama sakin, kukunin daw po kami pareho ni papa balang-araw, tapos kinuha niyo po kami ni mama kaya ikaw po si papa," sabi niya innocently kaya napangiti ako.

"Rafael, papaliwanagan ko na siya," sabi ni Ame.

"Don't mind it," sabi ko "hayaan mo na siya, bata pa lang siya at imposible niyang maintindihan ang mga komplikadong usapan."

"Then... tatawagin na ba kitang asawa ko?" biro niya.

"... Kung yan ang gusto mo," sabi ko.

"By the way, nagkausap kami ni Princess Milliana," sabi ni Ame "sabi niya, ginahasa mo daw siya, mali, yung future na ikaw, na nag-timetravel from hundred years from now, totoo ba yun?"

"Oo, totoo, kaya ko ding magpunta sa nakaraan, should I change it for you? This timeline that is," sabi ko.

"No, don't," sabi ni Ame "gusto ko lang malaman ang hinaharap."

"Alam mo, masyadong madami ang hinaharap, kasing dami ng buhangin sa disyerto," sabi ko "at lahat yun ay nakadepende sa mga desisyon na ginawa ng mga tao."

"I see," sabi niya.

"Pero ayon kay Shizu, naging asawa daw kita," sabi ko at ang batang si Shizu, tinabingi niya lang ang ulo, hindi maintindihan ang sinabi ko.

"Ufufufu, I see," sabi niyang naka-ngiti.

"Kaso, sasabihin ko na ito sa'yo, manhid akong tao, so good luck conquering me," sabi ko.

"Conquering you?" tanong ni Ame.

"Yeah, conquer me, make me fall in love with you," sabi ko.

"I shall do my best, papa," sabi ni Ame.

'Haah... isipan ng babae, isang misteryosong bagay,' sabi ko sa isipan.

***

"Aalis na kayo?" tanong ko sa mga kaibigan a week bago maging dalawang buwan ang lumipas simula nung sabihan kami nina Kevin sa plano ng [Demon].

"Yeah, change of plans eh, ikaw na lang daw mag-isa ang bahala dito, well, magtrabaho ka naman kahit papaano," sabi ni Kevin.

"Haah... wala na din naman akong magagawa," sabi ko "oo nga pala, pagtapos nitong labanan na ito may sasabihin ako sa inyo, isama niyo na rin lahat ng mga classmates natin."

"Pre, wag ka magtaas ng death flag," sabi ni Kevin.

"Sira, meron akong [Amaranthine] AKA Immortality, tingin mo mamamatay ako?" sabi ko na tinawanan niya.

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ni Kyle.

"Something about sa future," sabi ko.

"I see, so totoo nga yung sinasabi nila, nagbabago ang mga naka-graduate na sa virginity nila," sabi ni Kyle "bumili ka ng slave diba? Fir sure ginagabi-gabi mo yun."

"Eeew~ kadiri ka Cortez," sabi ni Lea.

"Shut up you damn parasite!" sabi ni Kyle.

"Sige, magsilayas na kayo," sabi ko at pumasok na sa loob ng palasyo.

'Hmm... paano ko kaya mapoprotektahan ang siyudad,' tanong ko sa isipan 'barrier? No, let's make it flashy, pero wag magic, may feeling akong hahabulin ako ng mga [Court Mage] once na gumamit ako ng [Complex Spell], okay, I'll leave it to partner.'

At dumating na ang araw ng paglusob ng mga [Demon] race. Nang araw na iyon, makulimlim ang kalangitan, para bang may nagbabadya na delubyo, normally, kailangan namin sabihin sa mga mamamayan ang patungkol sa pag-atake, but with the excuse na kung sina Czarina at Kevin nga, nakapasok sa gitna ng teritoryo ng mga kalaban, sila pa kaya, hindi namin pina-alam sa mamayan, sa halip, naghanda ang mga sundalo for a emergency evacuation.

"Haah... bakit, anong tinitingin-tingin mo? Masama bang nandito ako?" sabi ko sa adjutant ng field marshall.

"Nope, after all, kahit tamad kang lalaki, isa ka pa ring [Hero]," sabi niya "pero nakakapagtaka lang kasi... dalawa ang hawak mong crossbow."

"Minamaliit mo ba ang partner kong si [Suzaku] at [Quillin]?" sabi ko "sinasabi ko sa iyo, ngayon pa lang, huwag mong subukang magpagawa kay Marlon ng crossbow once na makita niyo ang partners ko in action," banta ko na tinawanan ng adjutant.

'Well, kasi hindi siya ang may gawa kay [Quillin] kundi ako kaya wag kayo sa kanya magpagawa, kawawa naman, nagkasakit na nga eh dahil pilit niyong pinapagawa ng [Heavenly] class equipment,' sabi ko sa isipan.

"Ang aga nila, expected ko, mamaya pa silang gabi," sabi ko.

"Ha?" tanong ng adjutant.

"I see, paradrop," sabi ko "tumingala kayo!" sigaw ko at nagsitingalaan ang mga sundalo, kasabay ng paglabas ng ilang mga dragon na pinapangunahan ng isang twin headed dragon mula sa mga ulap.

"Patunugin ang kampana!" sigaw ng adjutant at ako naman itinutok ko ang dalawang crossbow at kinalabit ang gatilyo, diniinan iyon at matapos ang sampung segundo ay binitawan ko na.

Pagkabitaw ko sa gatilyo ng crossbow ay nagpakawala ang dalawa ng isang makapal na liwanag na biglang nahati sa ilang milyong maninipis na liwanag na siyang tumama sa mga dragon at sa kung ano mang mga nakasakay sa kanila. May mga bumagsak na dragon but instead na bumagsak sa siyudad, naharang ang pagbagsak ng isang malaking dome shaped barrier na ginawa ko to upang mapigilan ang pagkasira ng siyudad dahil sa pagbagsak ng mga dragon, at upang hindi maging harang ang mga bangkay, ginawa kong automatic na dudulas ang mga katawan papunta sa labas ng siyudad.

Paulit-ulit ko iyong ginawa, may mga nagsitalunan na sa likod ng dragon but salamat sa [Perfect Hit], naging homing projectile ang mga pinapakawalan ko.

"Aaahhh!" sigaw ng dalawang babaeng matinis ang boses.

"Haah... so even the dragons roar, gets translated!" sabi ko kasabay ng pagbuga ng apoy ng twin headed dragon.

"Magsi-atras na kayo! Palpak ang misyon!" sigaw ng isa sa mga ulo ng twin headed dragon.

"You really think I'll let you?" sabi ko at mas tinagalan ang oras bago ko bitawan ang gatilyo at nang bitawan ko na, mas makapal na liwanag ang kumawala na siyang nahati sa mas madami pang liwanag na pumatay sa mga umaatras na kalaban, may mga nagtago sa likod ng ulap but it still pierced them through.

"Remember this motherfucker!" sabi ng dalawang ulo at lumipad na palayo pero...

"[Multi: Lightning Arrow]," sabi ko at binitawan na ang gatilyo ng [Quillin].

Kung ang mga naunang liwanag ay bluish white, ang kumawa naman ngayon ay kulay dilaw. Tulad ng nauna, nahati din iyon at tinamaan ang twin headed dragon na siyang bumagsak at ang impact ay nakagawa ng malaking pagsabog.

"..."

"Haah... ipapaubaya ko na sa inyo ang post war treatment," sabi ko "may tatapusin lang ako, hindi namatay yung dragong dalawa ulo."

"M-masusunod po," sabi ng adjutant kaya nagteleport na ako sa pinagbagsakan ng dragon at ang nakita ko doon ay isang kambal na batang babae, parehong tadtad ng butas ang katawan at naghihingalo.

"..."

Tahimik kong lang itinaas ang kamay at nabalutan ang dalawa ng liwanag.

e

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon