Chapter 127

455 21 0
                                    

Isang buwan na ang lumipas simula nang makasal ako kay Milliana at mapasa-ilalim ko na ang [Fauna Union] at [Gardeina]; currently, nasa may may capital ako ng [Fauna Union], nilalagyan ang siyudad ng [Fountain of Youth] bilang protection laban sa mga halimaw at the same time projector, dahil hindi pa rin nagagawa ng mga [Crafting Units] ko ang T.V nang hindi na nila kailangang lumabas pa ng bahay para manood.

Sa loob ng isang buwan na iyon, ipina-alam na sa buong bansa ang binabalak na pagtataksil ng mga kumag hindi ko alam ang nangyari sa kanila, ang alam ko lang bumaba sila as slaves bilang pagkilala sa mga nagawa nilang contribution sa bansa; ginawa na ding official ang pagkuha ko kay Ame as my wife, pina-alam din ni Ame na pati si Shizu gagawin kong asawa ko kahit na wala naman talaga akong balak at ang inaasahan kong pagtanggi ay hindi nangyari, apparently may history sila ng parehong mag-ina, inasawa ang iisang lalaki, in fact mas malala pa nga yun kasi talagang anak nila ang batang babae, kaya ang reaction nila samin ay meh... ano naman ngayon. Sa bansa naman ng [Gardeina], ipina-ubaya ni Milliana sa tatay niya ang bansa, and since may mga pinadala akong mga [Crafting Unit] doon, alam kong kahit wala ako doon, may mga nagtatayo na ng mga [Fountain of Youth] doon.

"Sa wakas, natapos na din," sabi ko matapos kong malagyan ang capital city, ang hinuli kong siyudad.

"Congrats," sabi ni Ame na nanonood sa pag-gawa ko kasama ang ilang nakiki-usyoso.

"Sakto lang for the news," sabi ko at kasabay ng pagkalembang ng kampana ay paglitaw ng projection for the news na ikinabigla ng mga nakiki-usyoso, pero para bang inaasahan na iyon ng iba kaya mangilan-ngilan ang nagulat.

"... Headlines talaga ang announcement na buntis na si Mimi," sabi ko nang marinig ang headlines habang nakalagay ang isang kamay sa mukha.

"Well, magkakaroon na ng princess or prince ang [Valhalla] of course, headlines yun," sabi ni Ame "by the way, sino ang second wife?"

"Walang rank, title lang ng legal wife, other than that, lahat na pantay-pantay," sabi ko.

"Pero, ang galing niya, kilalang-kilala niya ang mga ugali namin, para bang nakasalamuha niya na kami bago pa man kami magkita," sabi ni Ame kaya napa-ngiti ako "bakit?" tanong niya nang mapansing naka-ngiti ako.

"Tara, sa bahay ko na ipapaliwanag, tara na at magpa-alam na tayo sa mga magulang mo, uuwi na tayo," sabi ko.

***

"EH?! DALAWANG BESES NA SIYANG NAG-TIME LEAP?!" gulat na sabi ni Ame nang ipaliwanag ko sa kanya.

"Oo, apparently, bago ko makuha ang gusto ko, nagkaroon kami ng casualties, ayaw ko nun at dahil nangako na ako kay mama na hindi na ako babalik pa ng nakaraan para baguhin ang lahat, dahil doon, nagpresinta siya na siya na lang ang bumalik," sabi ko "third run na niya ngayon, kaya naman kilalang-kilala niya na kayo."

"Wow, then ibig sabihin alam niya ang mga bawat mangyayari," tanong ni Veronica na nakikinig samin.

"Oo," sagot ko.

"Master~ then, alam niya rin kung ilan ang mga babae mo?" tanong ni Sera.

"Oo, sinagot niya ang tanong na iyan nang mapunta kayo dito," sagot ko.

"Ilan? Sino-sino Master?" tanong naman ni Fina.

"41," sagot ko "si Mimi, si Ame, si Milliana, si Sera, si Fina, si Alicetia, si Seriana, si Veronica, si Shizu, si Natalie, si Lulu, si Marcel, si Lana, si Lilith, si Flan, si Sacchi, si Mizuki, si Nagisa, si May, si Shia, si Ruu, si Lala, si Haruko, si Yuko, si Rika, si Rita, si Ema, si Chika, si Ringo, si Chieri, si Makino, si Akira, si Shina, si Nanami, si Lina, si Jade, si Bea, si Jennifer, si Princess, tapos si Almira at Yvette."

"Paki-ulit... kasama si Princess?" tanong ni Veronica.

"Oo, kilala mo siya?" tanong ko pero imbis na sumagot ay napa-luha lang si Veronica.

"Makakaligtas siya ngayon," maluha-luha niyang sabi ni ikinalito ko.

"Wag niyo sasabihin kung sino si Princess," sabi ni Mimi sa kanila "surprise yun."

"Okay," sabi nina Sera at Fina.

"By the way, Rafael, ayos na yung balak mong sikretong bahay?" tanong ni Mimi.

"Alam mo din pati iyon?!" gulat kong sabi sabay kamot ng ulo "nagawa ko na, same lang ng pagbukas ng [Gateway], pero di tulad ng [Gateway], kahit saang pinto, as long as alam mo ang password-"

"[October 13 2006]," sabi ni Mimi habang hawak-hawak ang handle ng aparador.

Nagliwanag ang singsing niya at nang buksan na ni Mimi ang pinto ng aparador, ang lumantad sa loob ay isang salas na puno ng mga makabagong kagamitan ng [Eartheria].

"Hindi nagbago," sabi ni Mimi at naupo sa may sofa "pasok kayo," sabi ni Mimi.

"Ito ang secret room na kung saan pwede tayong magtago sa mata ng publiko to do some erotic things with Rafael," sabi ni Mimi nang makapasok na kaming lahat.

"Mimi! Hindi iyan ang dahilan kung bakit ko ginawa ito!" reklamo ko.

"Pero iyon ang magiging main role ng lugar na ito, para sa mga oras na mag-init ka at ayaw mo sa parke," sabi ni Mimi.

"Oi, hindi ko gawain iyon," sabi ko at nang may sabihin siyang time and date ay napa-tingin na lang ako sa malayo, after all, nung araw at oras na iyon, nagtalik kaming dalawa sa may madilim na parke sa Japan.

"Medyo arousing din naman kung sa labas niyo gagawin, yung tipong anytime, pwede kayong mahuli," sabi ni Mimi at napansin kong kumawag ang buntot ni Ame.

"Anyway, ako na ang bahalang magturo sa kanila sa pag-gamit, may kailangan kang puntahan diba?" tanong ni Mimi sakin.

"Uuwi muna ako sa may [Eartheria], dadalhin ko si mama dito," sabi ko.

"Rafael," tawag ni Mimi.

"Bakit?" tanong ko.

"Pakatatag ka," sabi niya at dahil doon, nagkaroon na ako ng hinuha sa makikita ko, lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"... Yeah, I'll try my best," sabi ko at nagpunta na sa [Eartheria].

***

Nang makarating ako sa original world ko, agad akong nagpunta sa may bahay sa may Makati at ang tumambad sakin doon ay isang bahay na para bang walang taong tumira ng isang buong linggo.

Gamit ang map, agad ko silang hinanap at nakita sila mama, ate joanne at ate meanne sa may hospital.

"Shit... wag naman sana," sabi ko at nag-teleport sa may hospital na iyon at ang tumambad sakin ay si mama, on her death bed.

"Welcome back," bati ni mama sakin sa mahinang boses.

"Bakit walang nagsabi sakin, walang nagbalita?" tanong ko nang makitang nauubos ang HP ni mama point by point.

"Kasi ayaw ni mama," sagot ni Ate Joanne "sobra ka daw busy para sa ikatatahimik ng parehong mundo."

"Rafael... sorry, hindi ko pina-alam sa'yo," sabi ni mama "sayang lang at hindi ko na makikita ang mga apo ko."

"Gusto mo ba sila makita mom?" tanong ko "wait ka lang okay, ipapakita ko sila sa'yo," sabi kong may mga namumuong luha sa mata.

"Oo, pero bawal mong patigilin ang oras," sabi ni mama kaya imbis na patigilin ang oras, pinabilis ko ang thinking speed ko at hinanap ang most possible future pero bago ko pa man mahanap ang possible future ay biglang may bumukas na gate at lumabas doon ang ilang mga chikiting ages from 15 to 3 years old, ang bilang ay almost 100.

"... Kayo ay..." sabi ko at inabutan ako ng isang sulat ng isang batang babaeng may kulay gintong mata, maputlang kutis at may pilak na buhok, at nang basahin ko ang sulat ay nagmula iyon sa future self ko, bilang pagtupad sa nais ni mama, ang makita ang mga apo niya.

"Ma, sila ang mga magiging anak ko," sabi ko at isa-isang nagpakilala ang mga bata kay mama, kung ano ang pangalan nila at kung sino ang nanay nila.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon