"Houh... isang long straight sword at isang katana," sabi ni Kyle.
"Well, napapansin ko kasi na more on thrusting attack si Stephen," sabi ko at pinakita sa kanila ng footage ng pakikipaglaban nilang dalawa sa mga halimaw.
"Stalker," sabi ni Stephen.
"Fuck off, ginagawan kita ng espada, kaya dapat alam ko at least ang fighting style mo!" sabi ko "bakit hindi [Rapier Arts] ang nakuha mo," sabi ko.
"Actually, nung nakatapos kami ng dungeon, nagkaroon ako ng [Sword Saint] tapos nawala yung [Sword Mastery] at [Sword Technique], in turn, nakuha ko ng lahat ng techniques sa bawat uri ng sword fighting, be it thrusting attacks, slash, hack, etc," paliwanag niya "mas mabilis ang thrusting attack kaya yun ang madalas kong gamitin."
"I see, well, good for you, ginawa kong piercing type itong long sword, ang pangalan ay [Piercer], tapos yung katana ay [Slasher]," sabi ko.
"What a name," sabi ni Kyle.
"Tapos andun sa kama ko yung mga armor niyo "leather armors made of dragon materials, ang defensive property ay katulad ng sa mythril armor, and yet, it does not sacrifice mobility," sabi ko "bahala na kayo mag-usap sa kulay, may [Auto-Size Correction] iyan at [Self-Repair] so don't mind bringing it to me to repair, pagamitan niyo na lang ng [Clean-Up] para malabhan."
"Gee, thanks," sabi ni Kyle.
"Don't mind," sabi ko.
"By the way, nabalitaan niyo yung inulat nina Kevin at Czarina?" tanong ko.
"Oo, pinag-uusapan na nga ng mga nasa taas kung paniniwalaan ba nila ang info or hindi since kulang pa tayo sa evidence that they really exist," sabi ni Stephen.
"They exist," sabi ko at pinakita sa kanila ang real-time footage ng isang grupo, grupo ng mga rebeldeng [Demon] at kinakalaban ang sarili nilang gobyerno.
"I want that power, anong skill yan, originally?" sabi ni Kyle.
"[Global Search], nung naging [Ultimate], naging [Universal Search]," sagot ko.
"Okay, next time, iyan na ang hihingiin ko once na makatapos na kami ng dungeon," sabi ni Kyle "sige, una na kami," sabi nila sabay labas sa silid.
"Now... ano naman kaya ang gagawin ko, bored na ako, pero ayaw ko pang umuwi," sabi ko at nahiga na sa kama.
***
Kumakain ako ng tanghalian sa may kusina, kasama ng mga maids, kumakain ako doon kasi trip ko lang nang...
"Magluto naman kayo ng kanin!" sigaw ng isang lalaking classmate, kung tama ang memorya ko, ang pangalan niya... fuck with this, I'll use, [Analysis], ah... so ang pangalan niya ay Tolentino, Melvin.
"Kanin? Ano yun?" tanong ng chef.
"Ah... kanin, kanin," sabi niya.
"Tolentino," tawag ko "hindi nila alam ang tungkol sa bigas, pero may nakita akong binebentang bigas sa pamilihan, kaso ginagamit nila bilang pagkain ng kabayo," sabi ko sabay sawsaw ng tinapay sa stew bago iyon kinain.
"Hindi nga?!" sabi niya.
"Yeah, 700z ang isang sako, basically, 20kl," sabi ko.
"700z, uhm... ano yun?" tanong ni Tolentino.
"7 copper coins," sabi ko.
"Okay, maghahanap na ako!" sabi niya sabay alis hindi man lang tinanong kung kaya bang magsaing ng chef.
"Kaya mo lutuin yun?" tanong ko at umiling siya kaya napabuntong-hininga ako "tanungin mo ang lahat ng mga hero kung sino ang may alam magluto ng kanin, baka may makapag-turo sayo," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Class Of Heroes
FantasyRafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to live a lazy life until its time for their deportation, but he got bored and made his move. The seco...