Chapter 108

556 20 0
                                    

Naglalakad ako sa may [Fauna Union] kung saan nakapuwesto ang [China] in the original world, currently, naglalakad ako as a [Silver Wolf] kasama si Byakko na nagsisilbing body guard ko.

"So, ganito pala ang sitwasyon ng bansa, it's peaceful country... kung aalisin lang tensed atmosphere hatid ng paghahanda ng [Fauna Union] sa giyera," bulong ko.

"Kung ganito kapayapa ang bansa, ang kailangan lang nating gawin ay kunin sila as vassal state," sabi ko.

"Your— ahem, Master," sabi ni Byakko "maari na po bang malaman ang tunay na dahilan kung bakit kayo mismo ang namamanman sa bansang ito?" tanong ni Byakko.

"Curiosity kills the cat you know," sabi ko.

"I'm sorry, Master," paghingi niya ng tawad.

"Well, don't mind it, may gusto lang akong makita, dalawang taong importante sakin," sabi ko habang naglalakad-lakad, kunwaring walang destinasyon kahit na papunta talaga ako sa may parke kung nasaan ang dalawa sa mahahalagang tao sa buhay ko.

***

Nang makarating kami sa may parke ay agad kong nakita ang hinahanap ko, si Ame(14 years old) at si Shizu(2 years old), masayang naglalaro sa may parke kasama ang mga kapatid ni Ame, andoon din ang current ruler ng bansa at ang reyna ng ruler, ang hindi ko lang makita ay ang ama ni Shizu.

"... Master," sabi ni Byakko nang italukbong ko ang hood at nagbalik sa tunay kong itsura.

"Tara na Byakko," sabi ko at tinigasan ang puso, dahil mukhang masaya na si Ame at ayaw ko na iyong sirain pa kaya hindi ko na siya kukunin pa tulad ng original plan ko.

Naglakad kami papalapit sa may royal family, hindi pinapansin ang mga ninja like guards niya sa may paligid.

"Excuse me, ikaw ba ang ruler ng [Fauna Union]?" tanong ko sa ruler na ikinalaki ng mga mata ng ruler.

"Sino ka?" tanong niya sakin with serious expression.

"A very good question," sabi ko at hinubad ang hood, ako lang naman ang ruler ng sumasakop sa mundo," sabi ko kasunod ng pagtaas ng gravity para sa mga bantay.

"... Anong ginagawa mo dito?" tanong ng ruler sakin kasunod ng paghawak sa espada niya sa bewang.

"Nothing really, just doing some initial check up," sabi ko "after all, pili lang ang sinasakop namin."

"... Anong nais mong ipahiwatig?" tanong niya sakin at napatingin ako sa mga nasa likuran niya at nakita ang mga natatakot niya pamilya.

"Haah... alam mong may mga bansang punong-puno ng ganid ang nagpapatakbo hindi ba?" sabi ko "ang initial check up ay kung saan, tinitignan namin ang mga bansa kung dapat ba namin silang sakupin or kausapin, tingin mo, ilang bansa na ang nasa ilalim namin?" tanong ko.

"... Ang lahat ng mga bansa sa labas ng pangunahing lupain," sagot niya sa tanong ko.

"Pero ngayon niyo lang napansin ang tungkol samin," sabi ko "iyon ay dahil sa ang iba ay kina-usap namin, at ang kauna-unahang linusob namin ay ang bansang iyon."

"Andito ako para kausapin ka, sumailalim kayo samin as a vassal state, poprotektahan namin kayo at susuportahan sa lahat," sabi ko at binigay ang isang folder, hindi ko iyon inabot, nilapag ko lang sa lupa "ang folder na iyon ay ang inner workings ng [Air Force], [Navy] at [Army] namin, ibibigay ko dahil kumpiyansa akong matatalo namin kayo kung piliin niyong labanan kami at hindi magpasailalim samin."

"Babalik ako in a week para alamin ang sagot niyo, Byakko," tawag ko at naglakad na kami palayo "ah, oo nga pala, wag mo pagalitan ang mga nagbabantay sa inyo, pinigilan ko silang maka-kilos," sabi ko at pinalagitik ang kamay at kasabay ng pagteleport namin ni Byakko ay ang pagkawala ng gravity na pumipigil sa mga bantay.

***

"Master, nasakop na po ang buong bansa, kasalukuyan pong ginagawa na ang post-war treatment," balita sakin ni Lucas, ang [Unit] kong ginawa kong [Prime Minister] class at the same time [Strategist] class.

"I see, great work," papuri ko "by the way, alam kong kakatapos lang ng giyera, pero kinausap ko na ang [Fauna Union], ipapaubaya ko sa inyo ni [Hidden Dragon] at [Pledgling Phoenix] ang mga stratehiya," dugtong ko, tinutukoy ang dalawa pang [Strategist] class [Unit] ko.

"Masusunod po," sagot ni Lucas "siya nga po pala, bumisita sina Lady Alicetia at Lady Seriana."

"... Anong ginagawa ng dalawang yun dito? Ginawa ko silang governor ng pilipinas, hindi sila basta-basta makakapunta dito," sabi ko.

"Ang sabi nila nais ka nilang makasama," sabi ni Lucas.

"Okay, ako na ang bahala sa dalawang iyon," sabi ko "asaan sila?" tanong ko.

"Sa [Game Room] po," sagot sakin tinutukoy ang game center like room na ginawa ko out of boredom.

***

Nagpupulong-pulong ang mga ulo ng tribo ng [Fauna Union] sa isang silid lahat sila naka-tungo, binabasa ang kopya na binigay ko sa kanila, hindi sila makapaniwala sa kalidad ng papel, at doon palang, alam na nilang isang makapangyarihang bansa kami, but seriously? Dahil lang doon? Anyway, dahil alam na naman nilang makapangyarihan kami, normally dapat lahat na sila ay bobotong magpasa-ilalim samin, ngunit may mga taong puno ng ganid at hambog sa loob ng silid, akala nila magagawa nilang matalo kami at makuha ang buong teknolohiya namin dahil hawak nila ang inner workings na binigay ko not knowing that it'a actually a trap, a bait to lure the idiots out.

"Haah... seriously..." sabi ni Czarina habang nanonood sa nangyayari sa pagpupulong ng mga leader ng [Fauna Union] kasama ko.

"Rafael, ang lupit mo din ano, tama daw bang pagsinungalingan ang tungkol sa inner workings ng bansa," natatawang sabi ni Kevin.

"Thanks to that, some idiots were lured out," sabi ni Carlo na umiiling-iling.

"Haah... anyway, with how things are going, mukhang kailangan natin silang kalabanin, by the way, sure na ba talaga sila? Hindi na sila uuwi?" tanong ko.

"Yeah, ewan ko pero ayaw na nilang umuwi sa [Eartheria], dito na lang daw sila, nagpa-alam na sila and everything, at hindi na daw sila babalik sa [Eartheria]," sagot ni Maria.

"... I see, sayang naman," sabi ko "well, kung magbago isipan nila sabihin lang nila sakin, bibigyan ko sila ng [Keycard]," sabi ko at pinalagitik na ang kamay upang mawala na ang screen effect ng pader at nagpunta na sa may B3 kung saan nakalagay ang archives at the same time kung saan din nakalagay ang [Gateway] na nagkokonekta sa mundong ito at sa mundo ng [Eartheria] ang original world namin, kaya nagagawa naming magpabalik-balik, sadyang nag full-time na dito ang iba naming classmates at ang mga umuwi lang ay ang mga may quality para maging isang [Fuedal Lord], basically: ako, si Wilmark, si Carlo, si Czarina, si Kevin, si Maria, si Stephen, si Kyle, si Diane, at si Ate Rosie, kaming sampu lang, at ang after care ng ginawa nila ay nakaka-irita, may nakakita kasi sa liwanag, tapos hindi pa kami agad nakabalik kaya naman kinausap kami ng kinausap, meron pang mga tangang nagbubungkal sa dilim kaya naman pinatahimik namin sila gamit ang secret unit ng pilipinas.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon