Chapter 113

466 21 0
                                    

"Lintek na!" sigaw ng isang Weredog na lalaking brusko ang katawan sabay hampas sa lamesa na nasa harapan niya, siya rin ang feudal lord ng rehiyon "sinasabi mo ba na sa loob ng isang linggong ito, 70% na ng rehiyon ang nasasakop nila?!" sigaw niya.

"My lord, hindi man po kapanipaniwala, ngunit iyon ang totoo," sabi ng isang payat na beastman.

"Ama," sabi ng isang weredog na lalaki at nakasuot ng baluti tulad ng sa isang knight and on closer look, magkasing edad lang kami "bigyan niyo ako ng pahintulot na bawiin ang mga nasakop na lupain."

"Tingin mo, ilan ang mga sundalo nila?" tanong ng feudal lord "tingin mo ilan ang mga sundalong meron tayo, salamat sa ginagawa nilang pananakop sa norte kinailangan natin ipadala doon ang karamihan sa mga sundalo natin, anong gagawin mo? Kukuha ng mga sundalo sa mga baryo at nayon? Tinamaan pa tayo ng matinding tag-gutom, kapag-kinuha mo ang mga lalaki, mawawala ang mga may kakayahang magsaka!"

"Paumanhin po ama," sabi ng lalaki.

"Haah... sinabi ko naman kasi na wag na makipaglaban sa kanila at sumuko na lang ng matiwasay," sabi ng feudal lord at nailagay niya ang kamay sa ulo.

"Sino iyan?" tanong ng werebeast nang may kumatok sa pinto.

"Ako po ito, si Ame," sabi ng isang babae at nang pagbuksan ay si Ame nga ang nasa likod ng pinto.

"Princess," sabi ng beastman.

"Hindi na ako prinsesa, isa lang akong maduming babaeng ginahasa ng isang hindi pa nakikilalang salarin at upang hindi maiskandalo, pinakasal sa pamilyang ito," sabi ni Ame "alam mo naman iyon diba?"

"Opo, ngunit, para sakin, ikaw pa din po ang prinsesa, at paniguradong may dahilan po kung bakit hinayaan ng mga diyos na mangyari po iyon," sabi ng beastman.

"Siyang tunay aking mahal na asawa," sabi ng weredog na naka-armor.

"Salamat, asawa ko," sabi ni Ame at hinarap ang feudal lord "ama, nais kong tumulong."

"Sa paanong paraan aking anak?" tanong ng feudal lord at sinabi niya ang paraan na naisip.

"Hindi ako papayag, masyadong mapanganib," sabi ng asawa ni Ame.

"Ngunit yun lang ang paraan, hindi natin magawang magpadala ng espiya dahil sa natigil na ang peddling system sa iba-iba pang nayon," sabi ni Ame "wala ring makapasok dahil sa higpit ng mga pagbabantay nila."

"... Hindi ko magagawang payagan ka Ame, ngunit kilala na kita simula ng ikaw ay sanggol pa lang, kahit hindi ka namin payagan, gagawin mo pa rin hindi ba," sabi ng feudal lord "kaya naman, mag-iingat kayo ni Shizu, Ame."

"... Ihahatid namin kayo hanggang sa hangganan," sabi ng lalaki at hahawakan na sana si Ame ngunit nag-flat ang mga tenga niya at nanginig.

"... P-paumanhin, natatakot pa rin ako sa mga lalaki," sabi ni Ame.

"Pero at least nagagawa mo ng makausap kami," sabi ng asawa niya at bahagyang yumuko si Ame at umalis na.

"Tachibana Ruu, Nagi Haruko, Nagumo Rika, Nagumo Rita, Kirisaki Ema, Amagi Chika, Yuuki Ringo, Yuuki Chieri," tawag ko kasabay ng pag-alis sa screen na pinapanooran ko.

"Bakit po, Kuya Rafael," tanong ni Ruu.

"Yung dalawang babaeng ito," sabi ko at pinakita sa kanila ang itsura nina Ame at Shizu "protektahan niyo sila hanggang sa makarating sila dito," sabi ko.

"Masusunod po," sabi nila at bigla na lang naglaho.

Nang umalis na ang walong bata, kasama sina Sacchi, Mizuki at Nagisa ay nagpunta ako sa pinagkukulungan ng pamilya ng mga former feudal lord ng cat werebeast region.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon