"Ano ang sabi?" tanong ko nang bumalik na ang pangkat na pinadala.
"Ayaw din daw po nila na may mamatay sa kanila, kaya naman daw, kung maipapangako daw po ang mga kondisyon na binigay ng mahal na hari, susuko na sila," sagot sakin.
"I see," sabi ko "ikalat sa buong hukbo, ang mga susuway sa mga kondisyon ay kahit kailangan hindi ko na papangalanan," utos ko at namutla ang mga sundalong nakarinig ng direkta.
[Nameless Unit], iyon ang tawag sa mga [Unit] na walang pangalan, hindi ko sila binigyan dahil mga cannon fodder sila at ang mga binigyan ko lang ng pangalan ay ang mga [General] class, kaya naman, ang goal ng mga [Nameless Unit] ay makakuha ng pangalan by the form of promotion, iyon ang number 1 goal nila kung hindi isasama ang sundin ang lahat ng utos ko, at para sa kanila, once na sinabihan ko silang hindi na sila makakakuha pa ng pangalan, parang sinabi ko na din na hindi ko na sila kailangan.
"Shia, ikaw na ang magsabi sa village chief, na susundin namin ang mga kondisyon na ibinigay namin upang sumuko lang sila ng mapayapa," sabi ko "Ruu, Lulu, samahan niyo si Shia."
"Masusunod po," sabi ng tatlo sabay yuko ng bahagya bago nagpunta sa may baryo.
***
"Although, nasasakupan na natin ang baryo na ito, hindi natin sila kailangang takutin sa pagpasok sa baryo, kaya sa labas tayo magtatayo ng kampo," sabi ko sa mga [General] class "lahat ng nasa [Air Force], maglaan kayo ng sampung tao na magpapatrolya sa paligid ng baryo, hindi lang tao ang kalaban natin, andyan din ang mga halimaw; sa Navy naman, sa tuwing may mga aalis na mangingisda, maglaan kayo ng dalawang tao upang protektahan sila sa malayo; sa Army naman, magpadala kayo ng sampung tao sa loob na magsisilbing military police, palitan niyo ang mga nagpapatrolya, at nagbabantay sa bawat apat na oras upang maranasan ng iba; tapos kailangan ko ng isang heneral mula sa bawat puwersa," sabi ko "bukas na bukas din, magdala kayo ng isang company, kayo ang magsisilbing envoy ko, sakupin niyo ang mga baryo or bayan ng tahimik, lumayo kayo sa bayan ng namamahala," utos ko at dinetalye pa iyon by sending the navy general to capture the villages near the shore, then the army force general by sending them to the nearby villages, and the air force by sending them to the farther villages or town.
"Dismissed," sabi ko nang matapos ang meeting at isa-isa ng nagsialisan ang mga general class.
"Shia," tawag ko.
"Bakit po, Kuya," sabi ni Shia na biglang lumitaw sa likuran ko.
"Dalhin mo ako sa may village chief," utos ko.
"Okay~" sabi niya.
***
"Mawalang galang na ho at paumanhin sa aking biglang pagpunta," sabi ko nang pagbuksan ako ng village chief na isang matandang lalaki around sixty years old at ang race ay [Tiger Beastman].
"M-maari po bang malaman ang inyong nais?" nauutal na tanong ng village chief nang makita si Shia.
"Ah, wag ka mag-alala, may sasabihin lang ako," sabi ko sa village chief at inisa-isa ang balak ko para ipaliwanag sa mga nakatira sa village at sa bawat ideya na sabihin ko ay nakikita ko ang excitement sa mga mata ng village chief.
"Bukas, sisimulan na namin ang registration niyo bilang mga mamamayan ng bansa namin," sabi ko bilang panapos at bahagyang yumuko bago umalis.
The next day, nagkaroon ng kaguluhan sa may village, ikaw ba naman, magising ka maganda ang village. Nagkaroon na ng fountain sa village plaza, meron ng mataas na bakod na poprotekta sa kanila at mga magical street lamp, pero dahil pinaliwanag ko na sa village chief, siya na ang hinayaan kong magpaliwanag.
Ang fountain na nasa sentro ng village ay siyang baterya ng anti-monster barrier na nilagay ko sa village, may ability din na makagamot ng kahit anong sakit ang tubig ng village ngunit kailangan kunin ang tubig sa kabilugan ng buwan at kailangang mainom sa loob ng tatlumpung araw kundi mawawala na ang healing properties ng tubig, at magiging soda water, ang fountain din ang magsisilbing projector para sa mga daily shows na pinapalabas sa lahat ng nasasakupan ng [Valhalla], by the way, ano ang mga pinapalabas? Simple lang naman, mga news from every territory na sakop ng [Valhalla], singing shows, cooking shows, tapos meron ding animè, at ilang movies na nasa fantasy genre.
Ang pader naman ay laban sa mga bandido, I mean, sinong bandido ang lulusob sa isang walled village, andoon na din bilang proteksyon laban sa mga kalabang hukbo.
Sa totoo lang, walang maniniwala sa kanila pero dahil napanood nila ang 5:00AM show, which is excercise routine good for 1 hour, naniwala na sila; a fun fact about sa [Valhalla], paborito ng lahat ang excercise routine at walang nagsisumulang magtrabaho hanggat hindi nila nagagawa iyon kaya nilagay ko iyon as 5:00AM show para magsimula na sila sa trabaho nila tapos ang susunod na show ay sa 10:00 which is cooking show, using the ingredients the countries, don't usually use, tapos ang susunod na palabas ay news sa hanggang 1:00PM, then ang susunod na palabas ay sa 4:00PM which is mga animè hanggang 8:00PM tapos from 8:00PM-9:00PM ang isang singing contest program, at yun na ang huling program.
Matapos mapaliwanagan ang mga villager ay agad na inasikaso ng mga [Nameless Unit] ang procedures sa citizen registration.
***
Isang buwan lumipas at hindi na makikilala pa ang nayon na una naming sinakop dahil sa laki ng pinagbago nito at matatawag na iyong isang port town na kayang bumuhay sa limang libong tao.
"Oras na siguro," sabi ko.
"Oras na po?" tanong ng dating village chief na ngayon ay isa ng town mayor.
"Oras na para lumipat kami ng base," sabi ko kasabay ng biglang paglitaw ng projection for a news flash stating na nakuha na namin ang rehiyon.
"Mag-iingat kayo dito, pero wag kayo mag-alala, iiwanan ko ang ilang military police," sabi ko.
"Nauunawaan ko po," sabi ng town mayor sabay yuko.
***
"Sino sila?" tanong ko nang magpunta na ako sa bayan na tinitirahan ng feudal lord at makita ang ilang mga nakataling mga werecat, ang tinatawag ko sa mga [Cat Werebeast].
"Mga kamag-anak ng [Cat Werebeast] chief, ang namumuno sa rehiyon na ito," sagot sakin ng nagpuntang strategist.
"[Pledgling Phoenix] Pang Tong," sabi ko "sa tingin mo, anong gagawin ko sa kanila?" tanong ko.
"Ang gagawin po ng mahal na hari? Isang mahirap na tanong, ngunit napaka-simple ng sagot; ibigay ang mga anak na babae sa mga [General] class na nagnanais na gawin silang may bahay, at ang mga lalaki naman ay gawing mga heneral ng ating hukbo, at kung magiging mabuti silang heneral, ibibigay sa kanila ang rehiyon para pamunuan; at sa kanilang ina, gagawin siyang [War Slave] at sa kanya ipapahawak ang rehiyon," sabi ni Pang Tong.
"Nakuha mo," sabi ko at tinitigan ang mga kamag-anak ng naunang namamahala "ganun ang mangyayari sa inyo, mabuti na yun kumpara sa mamatay kayo."
"Patayin mo na kami, hindi kami susunod sa mga pinag-uutos mo," sabi niya.
"Ikaw lang ang may gusto diyan uy," sabi ko "oh well, fine, bibigyan ko kayo ng isang buwan para pag-isipan kung tatanggapin niyo ang alok ko," sabi ko "ikulong sila doon," sabi ko.
"Masusunod po," sagot ni Pang Tong.
BINABASA MO ANG
Class Of Heroes
FantasyRafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to live a lazy life until its time for their deportation, but he got bored and made his move. The seco...