Chapter 126

468 17 0
                                    

Nang deadline na ng time limit na binigay ko sa [Fauna Union], currently, nasa may office ako, reception room ako, nakikipag-usap sa isang mensahero.

"Sabihin mo, nais niyong umanib samin at traydurin ang [Fauna Union] kamo, pero bakit isang mensahero ang pinapunta nila at hindi ang siyang puno?" tanong ko "paano kung traydurin niyo rin kami? Dapat ulo ang pinapunta niyo dito."

"Iyo pong ipagpaumanhin kamahalan," sabi ng mensaherong pinadala nila, which is in fact, ang asawa(in public) ni Ame.

"Matanong nga kita, anong balak mong gawin?" tanong ko.

"Kamahal-"

"Hindi ikaw ang tinaanong ko," sabi ko at pinapasok na ang nag-aantay sa labas.

Laking gulat ng lalaki nang pumasok sa loob si Ame, kasama ang tatay niya.

"Anong gagawin mo? Nagbabalak silang magtaksil, kung ako ang masusunod, pupugutan ko ito ng ulo at ipapadala sa bahay nila, aferwards, ipapadala ko ang [Dragon Knights], para tapusin na ang buong pamilya nila," sabi ko "well, it's your call."

"Paki-aresto ang buong pamilya nila, mahal na hari," sabi sakin ng ruler kasabay ng pagyuko.

"Ikaw na ang gumawa," sabi ko "ang number one rule namin ay: rule but never reign," sabi ko na ikinabigla ng tatay ni Ame, pero bigla lang iyon at napa-ngiti siya.

"Masusunod po," sabi niya at bago pa man makatakas ang lalaki ay hinuli na siya ng isang [Unit].

"Seiryuu, Suzaku," sabi ko at biglang lumitaw ang dalawang tinawag "Ihanda ang buong hukbo, papalayasin natin ang mga mananakop sa lupang nasa ilalim ng pangangalaga natin."

"Masusunod po," sabi nila at bigla silang nawala.

"Pan Tong, ikaw na ang bahalang mamuno sa pagpapalayas, may pupuntahan ako," sabi ko.

"Masusunod po," sabi ni Pan Tong kasabay ng pag-teleport ko sa [Gardeina].

"Your here," sabi ni Milliana "tara na, na-anunsiyo na namin, pwede na tayong magpunta sa may templo ni Lyfa."

Agad kaming nagtungo sa may templo ni Lyfa at doon, nagbigay kami sa isa't-isa ng wedding vow, at kasabay ng pagsuot ko ng singsing kay Milliana ay ang pagbabago ng anyo ng singsing at naging katulad ng sa suot ng mga babaeng asawa ko.

Nang matapos ang seremonyas ay nakatanggap ako ng ulat na tapos na din ang pagpapalayas sa mga tao ng [Ka-As] at sinisimulan na nila ang reformation sa bansa lalo na at inanunsiyo na sa bansa ang pag-anib nila sa [Valhalla] bilang vassal state country.

"Sobrang hina naman ng bansa na iyon, to think that they actually managed to almost conquer the continent before," sabi ko habang naka-ngisi pero biglang nawala iyon nang may lumapit na isang may kataasang opisyal.

"Ikaw ba ang emperor ng [Valhalla]?" tanong sakin.

"Siyang tunay, maari ko bang kunin na ikaw ang hari ang [Dwarven Kingdom]?" tanong ko.

"Totoong ako nga ang hari ng [Dwarven Kingdom]," sagot niya "at naparito ako upang kumpirmahin ang katotohanan, totoo ba na kung aanib kami ay makukuha namin ang minahang hindi mauubusan kahit kelan?" tanong niya sakin.

"Siyang tunay," sabi ko at napa-ngiti "alam mo ba kung bakit nagkakaroon ng digmaan?" tanong ko.

"Paumanhin ngunit anong koneksiyon ng dalawa?" tanong sakin ng hari.

"Dahil sa kakulangan ng resources," sabi ko at nanlaki ang mata ng hari "nananakop sila ng mga lupa upang makakuha ng mga resources, ngayon, batid kong alam mong sinasakop ko ang buong kontinente," sabi ko "iyon ay dahil sa ayaw ko ng magkaroon pa ng giyera," sabi ko "kaya naman sinasakop ko sila para mapangalagaan ang mga bansa na nasa ilalim ko, ako na ang magbibigay ng mga kailangan nila, ngayon wala na silang dahilan para makidigma pa."

"Kaya pala ang kondisyon ay maging isang vassal state ng [Valhalla]," sabi niya sakin.

"Tinatanggap mo ba?" tanong ko.

"Tulad mo, ayaw din namin ng digmaan, sapat na ang mga halimaw bilang mga kalaban namin," sagot niya "at balita ko magagawa mo ring solusyonan iyon."

"Oo, magagawa ko nga, pero hindi dapat na mamuhay sila ng malayo sa peligro, sa oras na lumabas sila ng bayan, baryo, or siyudad, nasa peligro na sila agad," sabi ko.

"Siyang tunay, nais ko ding wag silang hayaang maging mahihina, kailangan pa rin nilang matutong lumaban," sabi niya sakin at ngumiti.

"By the way, gusto mong puntahan ang bansa namin? Ipapakita ko sa'yo ang mga minahan na tinutukoy ko," alok ko na siyang agad niyang tinanggap kaya gumawa ako ng gate papunta sa may [Valhalla] na kinagulat niya, after all, in his perspective, pwede kaming sumugod anytime na naisin namin, without care sa borders.

"Tara na sa kabila," sabi ko at kasama si Milliana, nagpunta na kami sa bansa na natatago ng langit.

"Welcome to the most safest place in the world," sabi ko.

"Ito ay... isang paraiso," sabi ng hari nang makita ang nilabasan namin na nasa gitna ng gubat sa may teritoryo ko.

"Ang ganda ano?" di ko mapigilang itanong sa kanya.

"Oo, ngayon lang akong nakapunta sa ganitong lugar," sabi niya sakin "saang panig ng mundo ang lugar na ito?"

"Alam mo ba ang [Valhalla] ay isang salita na ang ibig sabihin ay paraiso?" tanong ko changing the topic.

"Nauunawaan ko kung bakit [Valhalla] ang tawag dito, "sabi niya sakin.

Inilibot ko siya sa may lugar at unang pinuntahan ang minahan ng mythril, hindi iyon isang dungeon, talagang literal na minahan, isang ordinaryong kweba lang talaga iyon pero ginawa ko iyong minahan with my cheat skills, at nakita din ng hari kung paano bumalik sa dati ang dingding na namina na at kung paano uli iyon inulit ng minero na isang mythril miner A, seryosong iyon talaga ang pangalan niya wala na kasi akong naisip na pangalan nun meron pa ngang Village **** Farmer A ang pangalan.

"Bigyan mo ako ng isang buwan, kakausapin ko ang mga opisyales ng bansa namin," sabi ng hari matapos ko siyang mailibot sa minahan

"I'll take it na nais mong tanggapin ang alok ko," sabi ko.

"Oo," sabi niya.

"By the way, gusto mong magpunta sa pagawaan namin?" tanong ko, baiting him dahil ayon sa info na meron ako, ang mga dwarves ay isang engineering idiots, once na may makita silang bagong technique, mapupuno na ng technique na iyon ang 90% ng utak nila, pag-aaralan, ipagsasama sa currently metalurgy technique na ginagamit nila, etc.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon