Chapter 058

633 27 2
                                    

"Maari po bang wag muna sumagot?" tanong ko sa hari nang sabihin niyang balak niya akong kunin.

"Sige, pag-isipan mo muna, dahil sa totoo lang, kahit din ako, mabibigla kung sasabihan ako ng ganyan," sabi ng hari.

"Ah, hinde, actually, may nais lang akong hingan ng opinyon," sabi ko at tumingin sa may kisame "Oi, alam kong nandyan ka, gusto mo bang maging isang modern ninja tulad ni Kevin? Ah, mali, ang pamilya mo nga pala ay nagmula sa angkan ng mga ninja."

"Sinong tinatawag mong modern ninja," reklamo ni Kevin na nakasandal sa may bintana kasabay ng pagbagsak ni liit sa may kisame, of course napatingin ang duke at ang hari sa may kisame, tinitignan kung saan siya nagtago.

"Mahal na hari, mahal na duke," sabi ni Kevin magpapaliwanag ata "ang dalawang iyan ay katulad ko lang din po, no, in fact mas malakas pa sakin si Rafael, sadyang tamad lang lumaban dahil kung lalaban siya ng seryoso, maliban lang saming tatlo nina Czarina at Maria, walang mortal ang tatagal sa kanya ng higit isang segundo," paliwanag niya "and ganun din si Mimi na matatawag na desipulo niya."

"I see..." sabi ng duke habang nakatitig saming dalawa na pinag-uusapan ang gagawin.

"I see, mas malaya nga naman tayo kung nasa palasyo, I mean, pwede tayong maging subordinate just in name only, pero dahil doon, wala tayong tungkulin and at the same time, wala ring sahod, kung baga, in public, subordinate tayo," sabi ko "tapos, dahil nasa capital, mas mapapadali ang pagkuha ng mga material, ikaw, either place is fine for me, pero kung papipiliin ako, gugustuhin kong palaguin ang teritoryong ito, since pinamumugaran ng mga tiwaling noble at espiya ng tangang bansa na yun ang kapitolyo."

"And at the same time, kung may nais kayong malamang impormasyon, siya lang ang kausapin niyo, alam niya ang lahat, for example, everything about you my king, starting from your date of birth to the tiniest detail, even the things you don't even know, alam niya," sabi ni Kevin.

"Kevin, na magiging isang pedophille, dahil ipagkakasundo sa kanya ang prinsesa ng bansa after this war, manahimik ka muna saglit," sabi ko at tumahimik nga si Kevin samantalang ang hari...

"Totoo nga, alam niya," sabi ng hari.

***

"Say, sigurado ka talaga? Ayaw mong magpunta sa may kapitolyo?" tanong sakin ng duke nang umalis na ang hari at tanggihan ako but ganun pa rin, dahil sa mga achievements ko, gagawin akong isang Viscount.

"Duke Sairits, even though it's just in name, I'm your subordinate, at isa pa, napamahal na sakin ang pamilyang ito pati na rin ang lugar; kahit na 30% ng mga taong nakatira sa teritoryo ay nakaka-iritang mga pabigat gusto ko din ang lugar at totoong nais kong paunalarin ang lugar, besides, kung gugustuhin kong magpunta sa may bansa, kaya kong mapunta doon agad-agad; sa totoo lang kung magkaka-alyado ang buong bansa sa buong mundo or continent man lang, kung hindi sila naglalaban-laban at nakikipag-giyerahan, gagawin ko ang pinaka-obra maestra ko, isang [Waypoint] na kung saan mapapadali ang paglalakbay," sagot ko.

"Yeah, and your one whimsical emperor," sabi ng duke saking naka-ngiti "by the way, bakit ka nga pala umalis ng bansa?"

"Well, let's just say na naiirita na ako sa politics," sagot ko "kaya tumakas ako sa palasyo."

"Whimsical indeed," natatawa niyang sabi.

"By the way, patungkol dun sa may giyera... gagawin mo ba? Ang mga sandata ng mga sundalo?" tanong niya sakin.

"Yeah, to a certain degree," sabi ko dahil hindi ko sila pwedeng bigyan ng mga [Divine], [Heavenly] at [Artifact] class.

"Kakayanin mo ba?" tanong sakin ng duke.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon