The next day...
"Good morning~" sabi ko nang makababa ako.
"Anong morning? Twelve na kaya," sabi ni Ate Meanne.
'Alam ko, natutuwa lang ako, dahil kumpleto ang pamilya ko, nasa sitwasyon akong masaya pa ang pamilya, kaya naman magagawa kong baguhin ang hinaharap with just one single event, sisiguraduhin kong hindi agad-agad mamatay si mama kaya naman ang pinili kong edad ay five years old, seven more years before mom's death,' sabi ko sa isipan.
"Sina mama at papa?" tanong ko.
"Nasa palengke pa," sagot sakin ni Ate Joanne na nanonood ng TV, bata pa si ate, eleven pa lang siya kaya naman hindi niya pa nakikilala si Kuya Brylle.
"Okay," sabi ko at nagpunta na sa banyo para maghilamos, by the way, ang dahilan kung bakit twelve na ako nakatulog is... makikita sa balita mamaya, after all, isang big shot ang pinatay ko, but thanks to him, no, them, malaki ang nilevel ko at nagawa kong ma-unlock ang [Limitless Mana] at [Summon] na pinaka-kailangan ko sa lahat para makagawa ng [Instant Dungeon] na siyang magbibigay sakin ng experience points.
***
"Haah... nakaka-irita, right, matino pa si papa nung panahon na ito, after all, he's a spineless bastard at si mama ang dantayan niya," sabi ko habang naglalakad sa bakanteng lote na ginagawang tapunan ng basura.
"Okay, walang tao," sabi ko sabay taas ng kamay "[Instant Dungeon Creation]," sabi ko at biglang naging tahimik ang buong lugar at mula sa lupang nakapaligid sakin, isa-isang nagsilabasan ang mga experience points giver ko, mga [Ghoul].
Nakuha ko ang technique na ito nang gawin namin ang simulation, kaya naman iba ang takbo ng oras sa lugar na ito.
"[Flight]," sabi ko at lumutang na at nang nasa certain altitude na ako ay pinaulanan ko na sila ng mga [Magic Arrow] gamit ang prided crossbows ko [Suzaku] at [Quillin].
***
"Hmm... ano kaya ang kukunin ko?" tanong ko habang naglalakad pauwi para mag-meryenda, by the way, dapat, naka-siesta ako, pero tumakas ako so hindi ko tinataasan ang pag-asa kong makakuha ng meryenda.
Let me give out some info, nung bata ako, nakatira kami sa may las piñas city, sa may balite street, matatawag iyong semi-slums, semi-slums kasi hindi naman squatters area ang lugar, sadyang maraming gago lang sa tabi-tabi, mga gangster kuno, kaso nung namatay si mama, binenta ni papa ang bahay kaya napunta kami sa cavite at doon na nagkada-letche-letche ang lahat.
"Anyway~ [Time Stop]," sabi ko at pumuslit na sa loob ng bahay, umakyat sa taas at nagkunwaring tulog bago binalik ang takbo ng oras at bumaba ng bandang alas-tres para kulitin si mama ng meryenda, binigyan naman ako ng sampung piso so agad akong lumabas para bumili ng meryenda ko.
"From level 1 jumped to level 500 in less than one day, I thank you [Sariel]," sabi ko.
Nagtuloy-tuloy lang ang mga araw-araw na buhay ko, everyday, after ng house chores ko, naglalaro na ako sa labas kahit na ang mga kalaro ko ay mga dragon sa instant dungeon, pero wag na natin pansinin iyon, hindi naman sa wala akong kaibigan, ayaw ko lang silang kaibiganin dahil kilala ko na ang ugali nila.
Lumipas ang mga araw at nang mag-2002, naging grade 1 student na ako, or supposed to be, pero dahil sa knowledge ko, hinayaan ako ng CHED na mag-skip direct sa highschool, pero pang college level na ang utak ko kaya naman 2004, highschool graduate na ako, pinakita pa ako sa TV, nairita dahil ayaw ko ng popularity, but since itinanghal akong second einstein, no choice ako kundi ang makihalubilo sa kanila.
"Anong gusto mong maging pag-laki mo?" tanong sakin ng isang reporter.
"Wala, gusto kong mahiga, humilata, at walang gawin, kikilos lang ako once maayos na ang pamumuno ng bansa, hindi na corrupt ang mga nasa gobyerno," sabi ko "and if ever na pilitin nila ako, dukutin, or takutin gamit ang pamilya ko, damay-damay na, gagawa ko ng isang pinakamalakas na chemical, kaya pang talunin ang nuclear gamit lang mga bagay na makikita mo sa botika at supermarket," pananakot ko.
Sure enough, natakot sila sakin at pinabayaan ako sa gusto ko, kaso minamanmanan ako ng bawat bansa, tinitignan ang mga bawat bilihin ko, kahit na simpleng chocolate drink lang ang binili ko, pero kahit na sinabi kong gusto kong humilata na lang at walang gawin, kailangan ko parin ng pera para sa mga plano ko, balak ko uling mag-aral ng high school sa cavite para lang makatagpo ang dalawa kong tunay na kaibigan, tapos para makapatagpo ang tropa, kailangan kong mag-aral uli sa NCST, so anong pinagka-abalahan ko habang nag-aantay ng oras maliban lang sa magpa-level? Simple lang naman, nagpapayaman ako, paano? Gumagawa ako ng mga accesories, tapos pagmumukain kong matanda ang sarili ko, then with my NCST Student ID, nagsasangla ako ng mga half-gold accesories.
Nang mag-eleven years old ako, dumating na ang matagal ko ng pinaghahandaan, ang magkasakit si mama, at first, nagpapatingin si mama sa mga albularyo, mga doctor, nagpapahilot, then nung isang araw nung walang tao sa bahay kundi kami lang ni mama, pinagaling ko siya gamit ang [Healing], nanlaki ang mata ni mama pero ngumiti lang siya, ang dahilan simple lang naman, sa status ni mama meron siyang special skills na [Weather Control], [Healing], [True Sight], at [Foresight], tapos sobrang taas din ng [MP] niya, it makes me think, [Hero] ba si mama or something? Then napa-isip ako, bakit hindi niya ginamitan ang sarili ng [Healing] kung meron naman pala siya.
"Itago mo iyan sa lahat Rafael, delikado ang kakayahan na iyan," sabi ni mama "tapos, wag ka na din basta-basta makikipaglaro sa mga dragon, makipaglaro ka naman sa mga taong kasing edad mo."
'Geh, alam ni mama ang ginagawa ko,' sabi ko sa isipan.
"Mama," tawag ko at ngumiti siya.
"Sasabihin mo na ba ang munti mong sikreto anak ko?" tanong niya sakin kaya sinabi ko na sa kanya ang lahat, kung paano ako nag-time leap and everything.
"I see," sabi niya at ngumiti "huli na ito okay, mamuhay ka ng normal, wag ka uli babalik sa nakaraan," sang sabi ni mama.
"Okay po," sabi ko.
That night, tandang-tanda ko kung paano kasaya ang pamilya ko nang makitang magaling na si mama.
BINABASA MO ANG
Class Of Heroes
FantasyRafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to live a lazy life until its time for their deportation, but he got bored and made his move. The seco...