"Your majesty," tawag sakin ng isang newly promoted nameless unit, basically, may pangalan na siya, kaso hindi ko maalala ang binigay kong pangalan sa kanya, ang dami ko na kasing napangalanan, pero siya ang itinalaga kong commander ng military police trainee sa lugar.
"Ano yun?" tanong ko.
"Ito na po ang resulta ng pagsusulit ng mga trainee," sabi niya sakin at ini-abot ang isang folder.
"Salamat," sabi ko at tinignan isa-isa ang mga papel.
Dalawang buwan na ang lumilipas simula nang ibigay ko ang flyer, hanggang ngayon, stalemate pa rin ang labanan sa may [Fauna Union], samantalang sunod-sunod na ang panalo ng [Ka-As] sa ginagawang pananakop nila.
Sa loob ng dalawang buwan na iyon, ilang messenger bird na ang pinadadala ni Ame, alam namin since pinababa namin ang messenger bird, salamat sa ability kong maka-usap sila, at binabasa ang sulat, pero ang nakalagay lang doon ay kung paano siya naging sundalo as MP, ang buhay niya at ang mga news na napapanood niya sa projections.
Sa loob din ng two weeks na iyon, lumitaw na ang sinasabi kong natural talent niya sa pakikipaglaban, gayun na din sa strategies... or so, what the public knows, hindi nila alam, nilagyan ko siya noon ng isang delayed-skill copy, kung saan magagawa niyang makuha ang mga skills na binigay ko, delayed nga lang, kaya naman nang maging miyembro na siya ng military police, lumabas na ang angking galing niya at naging top sa batch nila, andoon na din ang gawin siyang platoon leader.
"One more month at graduate na sila," sabi ko.
"Siyang tunay mahal na hari," sabi sakin ng commander ng military police "at bilang isang graduation, ipapasabak natin sila sa dungeon hindi po ba?" tanong niya sakin.
"Oo," sabi ko "sabihan mo sila na sa oras na iyon, pwede nila iyong ikamatay, pwede naman silang umatras pero malabong maging kapitan sila kung aatras sila."
"Masusunod po," sabi ng commander.
"Three months of soldier training... spartan lang?" tanong ni Mimi sabay kandong sakin, nang makakandong na siya sakin ay agad kong hinimas ang tiyan niya dahil ayon sa [Analysis], andoon na ang kambal namin, sabi niya may naisip na siyang ipapangalan sa dalawang bata pero next time na niya sasabihin.
"Well, considering na gagawa ako ng isang suicidal attack, kailangang may maiwang military police dito," sabi ko.
"I see," sabi niya "by the way, may napapansin akong kakaiba sa may gitna ng gubat."
Dahil sa sinabi ni Mimi ay napatingin ako sa may gubat at nakita ko doon ang ilang kumpol ng mga halimaw.
"Mukhang magkakaroon ng stampede," sabi ko tinutukoy ang sitwasyon kung saan dahil sa paninirahan ng isang malakas na halimaw, magsisilayuan ang mga iba pang halimaw, and in turn, mapupunta sila sa mga human settlements, at ang stampede ay ang isa pang tawag sa monster attacks.
"Mukhang magkakaroon ng isang live training excercise in seige warfare," sabi ko nang makita ang ilang mga goblins.
"Mukha nga," sabi ni Mimi.
"Well then, shall we start preparing?" tanong ko.
"Yeah, let's do it," sabi ni Mimi.
***
<<Kuya! A very big emergency!>> sabi ni Ruu sakin.
"Ano yun?" tanong ko.
<<Nawawala nanaman si Shizu!>> sabi niya.
"What?!" gulat kong sabi at agad na hinanap nanaman si Shizu at nakita siya sa may gubat, papunta sa may grupo ng mga halimaw sa gitna ng gubat.
"Tang ina naman!" mura ko at agad na umalis para sundan si Shizu.
"Hoy... bata... bakit... nandito ka, delikado dito..." sabi ko nang maabutan na si Shizu na may mga hawak na mga bulaklak.
"Ah, ang kuyang may mabangong amoy," sabi niya nang makita ako "kuya, ikaw yung nakipag-usap kay lolo noon diba?" tanong niya "ikaw din yung kuya na nagligtas kay Shizu nung kinuha siya nung mga bad na kuya."
"Haah... oo, ako nga yun, ngayon, bata, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Naghahanap po ng [Luflora], ibibigay ko po kay mama," sagot niya "sa kwento po kasi ni ate dun sa day care, binigyan po ni alice ang mama niya ng bulaklak bilang pagpapakita po ng love niya," dugtong niya at napatingin ako sa mga bulaklak sa kamay niya na mga pawang [Elmela], isang uri ng gumamela sa mundong ito.
"Walang Luflora dito," sabi ko tinutukoy ang isang rose like flowers ng mundong ito.
"Wala?" tanong ni Shizu with her child-like innocense.
"Oo, wala, tara na, hinahanap ka na ng mama mo," sabi ko at binuhat siya and for some reason, niyakap niya ako agad at inilagay ang ulo niya malapit sa leeg ko at inamoy-amoy ako.
"Bakit mo ba gustong-gustong inaamoy ako?" tanong ko.
"Kasi po, ang bango mo kuya," sagot niya.
"Alam ko, kanina mo pa sinasabi," sabi ko "pero gusto kong malaman is kung bakit mo ginagawa," sabi ko.
"kasi po ang bango," sagot niya kaya napabuntong-hininga na lang ako.
Nang makarating ako sa may day-care ay nakita ko doon si Ame, nagulat siya nang makita ako, pero para hindi na siya kabahan, nagpanggap akong hindi ko siya kilala.
"Ito na yung batang nawawala," sabi ko sa may nagbabantay doon.
"Your majesty, salamat po at nakita niyo si Shizu," sabi ng bantay.
"Ako ang kanyang ina," sabi ni Ame.
"Ikaw si Ame hindi ba?" tanong ko "ipag-patuloy mo pa ang matataas na grado, at magiging heneral ka din balang araw," sabi ko na nagpawala ng kaba niya.
"Ikinatutuwa ko po na kilala niyo po ako," sabi niya na may pekeng ngiti sa mukha.
"Ineng, andi... tulog na siya," sabi ko at ibibigay na sana si Shizu kay Ame ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
"Paumanhin po," sabi ni Ame "halika na Shizu," sabi niya at pilit na kinukuha si Ame pero ayaw bumitaw.
"Haah..." buntonghininga ko at tinakpan ang ilong ni Shizu ng panyo ko, hindi naman sa puntong hindi na makakahinga ang bata, nilagay ko lang yun para maamoy niya ang gusto niyang amoy ko at dahil doon, nagawa na ni Ame na makuha si Shizu.
"Sorry, ang sabi niya sakin, ang bango ko daw, yun siguro ang dahilan kung bakit ayaw niyang bumitaw," sai ko kay Ame sabay balik ng panyo ko sa bulsa.
"Oo nga pala, sasabihin ko na ito sa iyo, para maipasabi mo sa mga kasama. Bawal talaga pero maghanda kayo magkakaroon kayo ng isang live training excercise," sabi ko at umalis na.
BINABASA MO ANG
Class Of Heroes
FantasyRafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to live a lazy life until its time for their deportation, but he got bored and made his move. The seco...