Chapter 84

612 26 0
                                    

Nang tumugtog na ang stigmata ay nagsisuguran na ang tao ngunit sa isang wasiwas lang ni liit ng [Akatsuki] ay nagsitalsikan na sila at nawalan ng malay, at mangilan-ngilan na lang ang mga nagawang makatayo.

"Yung iba sa inyo, dalhin niyo yung mga walang malay sa lugar na yun, mas mabilis silang gagaling doon," sabi ni liit at ginawang reverse grip ang pagkakahawak sa espada.

"Game?" sabi ni liit with a fearless smile on her face like in the days she's fighting inside the simulation.

"Haah!" sabi ng isang hari sabay sugod.

Winasiwas ng hari ang espada niya ngunit sinangga iyon ni liit gamit ang espada niya at iniba ang trajectory ng hiwa.

Nang mag-iba na ang trajectory ay agad siyang lumapit sa hari at sinuntok sa may sikmura at kahit na nakasuot pa ang hari ng isang platemail, nakita kong nagkaroon iyon ng dent kasabay ng pagtalsik ng hari na ikinawala niya ng malay.

"Kayo?" tanong ni liit kina Ikemen ngunit imbes na sumagot ay sumugod na sila.

20 minutes later, bumagsak na silang lahat, walang malay, hindi man lang kami nakagalaw.

"Haah... Mimi, ikaw na bahala," sabi ko.

"Wag sabi akong tatawagin sa pangalan ko! Kinikilabutan ako!" sabi ni liit.

"Okay~ okay," sabi ko at dinala sila sa [Hospital Ward] na ginawa ko habang inaantay sila para wala ng mamatay, after all, everything in the 50th floor is just a mere entertainment.

***

"Oh, good morning? Ah, mali, good evening pala," sabi ko nang mapadaan ako sa hospital ward kung saan natutulog ang mga rescuers.

"Ikaw!" sabi ng tatay ni Princess Lilith sabay tayo pero agad iyong naudlot dahil sa sakit ng katawan.

"May sasabihin ako sa inyo," sabi ko "ang dahilan kung bakit ko ginawa ito: ay para mapigilan na iyang pesteng walang kwentang giyera niyo," sabi ko at inisa-isa ang mga balak nila sa mga kalapit na bansa bago ko simulan ang lahat at dahil sa mga narinig nila, lahat sila ay napatigil sa pag-galaw "but now look, all of you fighting as comrades in arms, dahil doon, nakilala niyo ang isa't-isa, nalaman niyo ang paran nila sa pag-iisip, bakit ganun ang mga naging desisyon nila, etc, etc, etc, anyway, sa mga gustong bumalik, ibabalik ko sila, sa mga ayaw, sila ang tanungin niyo," sabi ko at umalis na at nakasulobong si Lana na tulad ng inaasahan, alam kung kelan magigising ang mga rescuers.

***

Nakahiga ako sa may kwarto ko sa living quarters, papanoorin ang duel nina Kevin at Czarina nang...

"WALANGHIYA KANG LALAKI KA! MAGPAKITA KA!" sigaw ng ilang mga lalaki sa may arena "MAGPAKITA AT KALABANIN MO KAMI! PAPATAYIN KA NAMIN! [DEMON KING] RAFAEL!"

"Anong kailangan nila?" tanong ko sabay bangon mula sa pagkakahiga sa may kama at nag-teleport papunta sa may arena.

"Anong kailangan niyo?" tanong ko pero imbis na sumagot ay sumugod sila pero dahil sa barrier ko, lahat sila tumalsik lang "seriously, anong kailangan niyo?" tanong ko.

"Papatayin ka namin! Inakit mo ang mga anak namin!" sabi nila sabay sugod.

"Hindi ko sila inakit, gusto lang nilang sumama para hindi mawala sa kanila ang pinakamamahal nilang internet," sabi ko.

"WALA KAMING PAKI! BILANG AMA GUSTO KA PARIN NAMING PATAYIN! SINONG MAY SABING PWEDE MO SILANG TABIHAN NANG HINDI PA KAYO KASAL!" sigaw nila sabay sugod.

"Si Lana," sagot ko pero natabunan iyon ng war cries nila.

***

"Haah... Haah... Haah..." hingal nila.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon