Chapter 098

544 24 0
                                    

The next day, currently, nasa may plains kami, doing some major training.

"Hah!" sigaw ni Wilmark sabay sugod sa isang slime pero nailagan ng slime ang atake niya at bigla na lang siyang nilatigo ng slime na nagpatumba sa kanya.

"Wilmark, wag ka basta-bastang susugod," sabi ko.

"Orya!" sigaw naman ni Carlo sabay sugod at tulad ni WIlmark, nailagan ang atake niya at nabigyan ng body slam.

"Haah... kung isang wild monster ang kalaban niyo for sure, kanina pa kayo namatay," sabi ko sa dalawa habang gumagapang ang slime sa may katawan ko, upang magtago sa loob ng damit ko.

"Seriously," sabi ni Wilmark sabay buntong-hininga.

"Slime is the weakest monster, and yet, I can't even beat one," sabi niya.

"Sa games lang weakest ang slime," sabi ko "walang weakest monster."

"Now that you mention it," sabi ni Carlo "maraming namamatay sa isa pang weakest monster, ang [Goblin]."

"Yep, at ayon sa search skill ko, 80% ng mga frontier village ay winasak ng mga [Goblin] and just like in the sotries, dinudukot nila ang mga babae at ginagawang paramihan," sabi ko

"Be it children or not, as long as babae, ginagawa nilang paramihan," sabi ko at namutla sila.

"Seryoso ka?" tanong ni Carlo.

"Mukha ba akong nagbibiro, anyway, merong isang mundo sa pangangalaga nila Flamma, sa mundo na iyon, ang [Goblin] ay isa sa mga races," sabi ko.

"Wow..." sabi ni Carlo.

"Anyway, tara na, balik na uli tayo sa training," sabi ko at tumayo na sila uli.

"Okay, game," sabi ko at lumabas na uli ang slime kaya naman naghanda na uli sila Wilmark at Carlo.

***

"Kamusta ang training niyo?" tanong ni Mimi nang magbalik kami sa hotel.

"Tingin mo?" sabi ko at tinuro ang dalawang puno ng mga pasa gamit ang hintuturo.

"... Mukhang hindi maganda ang resulta," sabi ni Mimi.

"Si Marcel?" tanong ko at tinuro ni Mimi ang isang babaeng kinakausap ang isang ibon, actually, kung wala akong [Language Comprehension] aakalain kong nababaliw na siya.

"Nababaliw na ba si Marcel?" tanong ni Carlo "kinakausap niya ang ibon."

"Well, considering na ang job na pinili niya ay [Tamer], of course, magagawa niyang maka-usap ang mga tamed monster niya," sabi ko, nilihim muna pansamantala ang ginawa ko dahil makakahadlang iyon sa training nila, tatamarin sila.

***

Isang linggo na ang lumipas simula nung mapunta kami sa may bayan. In the past days, ang ginagawa namin is training Wilmark, Carlo and Marcel, thanks to the training nagagawa na ni Marcel na makapag-paamo ng mga [Magic Beast], ang tawag ng mga tao sa mga hayop dito sa mundong ito, ng walang katulong. Salamat din sa training, nagagawa na nina Wilmark at Carlo na lumaban sa isang E-rank monster at nagagawa na din nilang makagamit ng isang [Elementary] level magic.

"Pre, san na tayo?" tanong ni Carlo nang naglalakad kami sa may bayan.

"Well, medyo maganda naman ang bayan, mabait ang mayor, mababa ang crime rate, mataas ang security at walang pesteng noble ang nakatira dito," sabi ko "so, therefore, naisip ko na bumili na lang ng bahay dito," sabi ko.

"Pero dahil sa wala tayong source of income, kailangan nating sumali sa mga guild," sabi ko "Mimi, samahan mo sina Wilmark sa may [Hunter's Guild]."

"Ikaw?" tanong ni Mimi.

"Magtatayo ako ng isang restaurant," sabi ko "kaya pupunta ako sa may real estate agency," sagot ko.

"I see, okay," sabi ni Mimi at naghiwalay na kami.

Agad akong nagpunta sa may real estate at agad na kinausap doon ang namamahala at sinabi ang mga kailangan kong bahay na gagwing isang restaurant. Ayos lang daw na gawin ko ang lahat sa bahay after all, binili ko na ang bahay at lupa, pero kailangan kong magbayad ng 10 gold coin tax.

It's late pero ang monetary system ng mundong ito ay ang mga sumusunod: copper, silver and gold; ang 100 copper ay 1 silver, at ang 100 silver ay 1 gold; ang madalas na makita sa market ay silver coins dahil mga mayayaman lang ang merong gold coin, in terms of value naman, with 1 gold coin, magagawa mo ng bumuhay ng isang 4 member family for a year without doing a thing to earn some money.

Ang bahay na ginawa ko ay isang isang bahay na may dalawang palapag sa ibabaw ng lupa at isa sa ibaba as some sort of basement for storing the goods. Ang size ng bahay ay kasing laki ng 128sqm, maliit pero kung gagawing restaurant for the masses, it's okay.

"Hmm... okay, time for a major renovation," sabi ko at napa-ngiti.

Three hours later...

"Looks like I went extreme," sabi ko sa sarili.

Dahil ang isang simpleng bahay ay nagkaroon ng 5 floors underground the original basement included. Ang original basement or B1 ay gagawin kong storeroom. Ang B2 naman ay isang residential area kung saan may sarili kaming mga kwarto, normally, maliit lang dapat but with the usage of [Second Dimension] pinalawak ko ang B2 hanggang B10 kaya ng laki ng mga kwarto namin ay maihahalintulad sa isang LDK apartment sa japan, by the way, apat lang ang kwarto sa B2 dahil magkasama kami ni Mimi sa isang silid. Ang B3 naman ay isang library, balak kong ipunin doon ang lahat ng mga libro sa mundong ito, andoon din ang isang silid na naglalaman ng isang pinto na naka-connect sa original world ko. Ang B4 naman ay isang underground training area, ang lawak ay 300sqm at kahit na gumamit ako ng mga SS-class attacks ko, hindi pa rin masisira ang B4. Ang B5 naman ay isang underground bathing area na nahahati sa dalawa mens and womens bath, of course enchanted iyon, pinapataas nun ang natural recovery ng katawan ng lulusong sa bath.

"I did go to the extreme huh," sabi ko habang papa-akyat sa ground floor kung saan ang mga nakalagay na mga gamit ay mga common class items, tapos para masaya, ang mga kubyertos na ginamit ko ay stainless steal, well, considering na ang staple food dito ay tinapay, susubukan kong baguhin iyon with rice.

"Now then, for the employees~ fuck the cliche slave, I will create my own," sabi ko at inalis na ang seal sa isa sa 700 sealed techniques ko ang [Unit Creation], by combining the powers of [Sariel], [Raphael], [Limitless Mana], [Magic Manipulation], at [Summon] ay nabuo ko ang technique na iyon kung saan gumagawa ako ng mga tao, sealed dahil ayaw kong tumapak sa god's realm noon, but now, I think it ain't that bad, lalo na at ang balak ko pa sa [Seria] ay...

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon