Chapter 122

507 17 0
                                    

"Ipapadala ko dito ang apat, may kailangan kasi kaming puntahan," sabi ko sa mga heneral na kasama "habang wala ako, sila ang in-charge sa depensa, at kahit anong mangyari, walang magbibigay ng opensa."

"Masusunod po," sabi nila kaya naman, kasama ang mga babae ko, Ame and Shizu included, nag-teleport na kami sa may [Valhalla].

"Wow~" sabi ni Shizu nang mateleport kami sa may plaza.

"Sorry, pero kailangan naming magpunta sa kabila, kaya Sacchi, kayo na ang bahala kina Ame at Shizu," sabi ko.

"Okay," sabi ni Sacchi kaya umalis na kami ni Mimi at nagsimulang maglakad papunta sa palasyo.

"Seriously, kailangan ba talagang magpunta doon?" tanong ko.

"Yeah, kailangan, I mean, it's a party hosted by an influential person," sabi ni Mimi " kaya kailangan mong magpunta at dumalo."

"Haah... hindi ako ma-party na tao eh," sabi ko sabay buntong-hininga "by the way, sasama ka?" tanong ko.

"No, pupunta lang ako sa kabila for my check-up," sabi niya at hinimas ang sikmura.

"Haah... for sure may mga media doon," sabi ko.

"Walang media doon, trust me, dumalo ako nung last run ko," sabi ni Mimi kasabay ng pagbukas ng tarangkahan ng palasyo.

"Then, bakit ayaw mong magpunta?" tanong ko.

"Dahil maiirita ako kapag nakita ko yung magiging dahilan sa pagtatagpo niyo nina Yvette," sagot niya at natutop ang bibig.

"Oi! Eartherian si Yvette?! Yung tinutukoy mong isa sa mga asawa ko?!" gulat kong tanong.

"Oo, eartherian si Yvette," sabi ni Mimi habang papunta na kami sa gate, ang tawag nila sa silid na kinalalagyan ng lagusan para makabalik sa [Eartheria].

"Other than that, wala na akong sasabihin pa," dugtong niya at pumasok na loob ng silid at lumabas sa bahay ko doon sa cavite.

"Haah... mag-iingat ka okay," sabi ko "Lime," tawag ko at mula sa paanan ko, may isang malapot na likido ang kumalat "bantayan mo si Mimi, kahit ba sabihin nating malakas siyang nilalang, kailangan niya pa rin ng bantay," sabi ko at gumapang ang likido papunta kay Mimi.

"May tentacle fetish ka ba? Ipapabalot mo ang asawa mo sa isang slime?" tanong niya.

"Babae si Lime," sabi ko.

"Kelan pa nagkaroon ng kasarian ang [Slime]?!" gulat niyang tanong.

"Kasi isa siyang [Unit], ginawa ko siyang babae kaya babae siya," sabi ko.

"Ohh... okay, Lime, sa kamay ko ikaw magtago," sabi ni Mimi at napansin kong wala na ang puddle sa sahig.

"Okay, alis na ako," sabi ko at hinalikan siya sa labi na tumagal ng twenty seconds dahil inakap niya ako.

"Gusto ko pa sanang mas matagal pa kaso mapupunta tayo sa kama at bawal pa, unstable pa sina baby," sabi niya nang mahina akong tinulak.

"Kung tama ang memorya ko, five months then stable na ang baby at pwede na ang pregnancy sex," sabi ko "pero para mas sure, no, mag-antay ka ng nine months," dugtong ko sabay ngiti kaya napa-lobo ni Mimi ang mga pisngi.

"Tandaan mo ito Rafael, siaiguraduhin kong isang taon lang ang mga agwat ng mga magiging anak natin," sabi niya.

"... By the way, nung second run mo," tanong ko.

"Wala, dahil sa pagsisi mo, nag-timeleap na ako bago pa ako manganak," sabi niya.

"So masasakop ko ang kontinente bago ka manganak," sabi ko.

"Yeah, tapos makukumpleto mo na din ang 41 bago pa ako manganak," sabi ni Mimi "umalis ka na nga," sabi niya kaya lumabas na ako at kinamusta naman ang caretaker ng bahay na isa ding [Unit], nakalimutan ko ang binigay ko sa kanyang pangalan pero isa siyang [Unit] na kasing lakas ni [Sebastian].

Matapos kong makamusta ang caretaker ng bahay ay agad na akong sumakay sa motor(powered by mana) ko at umalis na papunta sa bahay namin sa bahay namin sa makati, nung namatay si papa, umalis na kami sa Las Piñas, ngunit hindi tulad ng sa first run ko, hindi namin binenta ang bahay, sa halip ay kumuha(gumawa) ako ng caretaker ng bahay.

"Andito na ako," sabi ko nang makapasok na ako sa bahay.

"Napadalaw ka," sabi ni Ate Meanne.

"Well, kailangan kong bumisita sa party nung anak ng lalaking yun, kahit ayaw ko," sagot ko "seriously, kaya ayaw ko sa politics eh."

"Sabi ng presidente," sabi ni Ate Meanne.

"Hindi na ako ang presidente," sabi ko.

"Alam ng lahat na ikaw ang presidente, although iniwanan mo na ang palasyo dahil naayos mo na ang bansa, para makapamuhay kayo dito ng mga asawa mo ng maayos, pero para sa publiko, ikaw ang pinakamagaling na presidente, binoto nila ang kinuha mong bise noon dahil alam nilang ipagpapatuloy niya ang sinimulan mo," singgit ni mama na kakagaling lang sa kusina.

"By the way, ate, mastered mo na?" tanong ko.

"Ang [Healing], no," sagot niya "nakaka-irita nga si ate Joanne eh, mastered na ang [Foresight] ni mama."

"Well, hindi mo naman kasi basta-basta magagamit ang [Healing], pero try mong sugatan ang sarili mo, tapos doon mo gamitin ang [Healing]," suhestiyon ko habang papunta sa kusina para uminom.

"Ayaw ko nga, nakakatakot," narinig kong sabi ni ate Meanne.

"Ate, alam mo ba, ang [Healing] ay isang sub-category ng [Time Manipulation], kaya kung mahahasa mo ang [Healing], malaki ang chance na mag-evolve ang skill sa [Time Manipulation]," sabi ko at naalala ang requirement ng isang ultimate skill, [Perfect Barrier], [Infinite Storage], [Healing] at [Teleportation].

"Talaga?!" gulat na sabi ni ate Meanne.

"Oo, now if you excuse me, maghahanda pa ako sa taas para sa twelfth years birthday ng anak ng presidente at ang 49th birthday ng presidente," sabi ko sabay akyat sa taas.

'Dinadaos na ang party for the kids,' sabi ko nang tignan ang nangyayari sa venue 'mamaya naman idadaos ang party for adults, kung saan puno ng mga politics ang party.'

Nang matapos akong makapag-ayos ay agad na akong umalis, gamit-gamit ko naman ang kotse(bullet-proof, magic powered, have four forms: car, airplaine, submarine, boat, has a lot of gimmicks, AI'd) ko.

"[Wake Up] [Cheetah]," sabi ko at biglang umandar ang isang black toyota eclipse(appearance wise) na nasa garahe.

[Hello master,] narinig kong sabi ng isang babae mula sa car speaker kasabay ng pagbukas ng pinto.

"Cheetah, may pupuntahan tayo, I'll leave you with the navigation, use the longest route, and arrive in the venue exactly at 11:00AM," sabi ko at pumasok na sa loob at ang tumambad sakin ay isang interior na katulad ng sa isang Recreation Vehicle.

[Current time is 10:00 AM, searching for usable routes, found none, using the shortest route, do you have any other place you wish to go to?]

"Currently none, let's just go for a ride," sabi ko.

[As you wish,] sabi ng babae at biglang nagkaroon ng isang babae sa may driver seat ng kotse.

Ang babae ay ang holographic personification ni Cheetah, lumilitaw lang kapag ako lang mag-isa ang aalis at tinatamad na umupo sa driver seat.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon