"Pre, maglaban nga tayo," sabi ni Kevin sakin isang araw.
"Bakit?" tanong ko.
"Sige na, gusto ko lang ng experience na makakalaban ng isang nilalang na malapit ng maging isang [Divine Celestial]," sabi niya sakin kaya napakamot ako ng ulo "at wag mo ding subukang magpigil, lumaban ka with your true strenght, with your final ace skill."
"Haah..." buntong-hininga ko "hindi ko na dapat sinabi sa iyo ang hidden skill ng [Raphael]," dugtong ko kasabay ng pagtayo.
"Makikita niyo na ang tinatawag na [God of Destruction]," bulong ni Mimi na hindi nakalampas sa pandinig ko kaya tinignan ko siya.
"Isang nickname na nakuha mo nung second run ko, after mamatay ni... anyway, iyon ang nickname na nakuha mo," sabi niya.
"I see, fitting name," sabi ko "well, tara sa ibang dimensyon, doon tayo maglaban," sabi ko at gumawa ng isang dimensyon to be used for combat, at ang pinili kong itsura ng dimensyon ay isang malawak na koloseyo.
700 meters ang layo namin sa isa't-isa bilang paghahanda, nilabas niya ang odachi na binigay ko sa kanya noon.
"Haah... [Raphael], <<Auto-Battle Mode>>," sabi ko at para bang lumayo ang konsensiya ko.
"Simulan na natin," sabi ko with dead eyes.
"Yeah, simulan na natin," sabi ni Kevin sabay sugod and by reflex, gumawa ako ng isang [Astral Weapon] in the form of a sword at hinarang ko sa right side at eksaktong nasangga nun ang atakeng ginawa ni Kevin at sinundan ko iyon ng counter-attack na suntok gamit ang kaliwa ko na nasangga niya gamit ang flat ng talim at ginamit ang impact upang makalayo, or so its supposed to be dahil nagteleport ako sa likuran niya at itinutok ang isang maliit na patalim sa leeg niya.
"Tch," patunog niya ng dila bago tumingin sakin "okay, I give, hindi kita matatalo, kung isang laban hanggang kamatayan ito for sure kanina pa ako namatay, damn it, hindi pa ginamit ang true equipments" sabi ni Kevin.
"<<Cancel>>," sabi ko at naging normal na uli ang pakiramdam ko.
"Pero grabe talaga ang final ace mo, kung hindi ko nasangga ang atake for sure, critical ang condition ko, kaso nagtele ka naman sa likuran ko," ani ni Kevin.
[Auto-Battle Mode]; iyon ang true final ace ko, isang skill kung saan ipapaubaya ko sa [Raphael] skill ang buong katawan ko dahil kahit hindi ko alam ang mga limit ng katawan ko, mga techniques na hindi ko alam na nagagawa ko, alam ng [Raphael] skill ang lahat ng tungkol sa katawan ko. Nabuo ang <<Auto-Battle Mode>> salamat sa [Parallel Thinking] kung saan ipapaubaya ko ang lahat sa sub-consciousness ko at lahat ng movements ko ay automated, literal wala na akong control sa katawan ko kaya ginawa kong final resort ang mode na yun.
"Tara na, well at least hindi mo naisipang lumaban pa hanggang sa himatayin ka," sabi ko.
"Well, yun ang plano ko, kaso natakot ako," sabi niya at doon ko lang napansin ang panginginig ng kanyang tuhod.
"Tara na," sabi ko at sinira ang second dimention kaya nabalik na kami sa may opisina.
"Dapat pinakita mo sa kanila ang mode na yun," sabi ni Mimi sakin nang makabalik na kami.
"Anyway, kamusta na ang preparations niyo?" tanong ko.
"Anytime ready," sabi ni Ame na currently ay mukhang isang tao salamat sa [Ring of Transformation].
"Great, ngayon, aantayin na lang natin na manganak si Mimi," sabi ko.
"Mauna na kayo," sabi ni Mimi "susunod na lang ako."
"Nope, gusto kong nasa tabi mo kapag manganganak ka na," sabi ko na ikinapula ng pisngi ni Mimi for unknown reason.
"Kelan ba pre," tanong ni Kevin.
"Bukas," sabi ko.
"I see, by the way, ilang araw kayong mawawala?" tanong ni Kevin.
"Isang buwan lang kami sa [Eartheria]," sagot ko.
"I see... okay," sabi niya.
'May feeling akong may gagawin siyang kalokohan,' sabi ko sa isipan.
"Wag kang gagawa ng kalokohan," sabi ko "like impregnating every damn princess you see."
"ANONG TINGIN MO SAKIN?! SI SERGIO?!" sigaw niya sakin.
"Naninigurado lang," sabi ko.
***
The next day, exactly 8:00 AM, nanganak si Mimi ng isang malusog na kambal, nahirapan siya sa panganganak dahil sa liit ng katawan niya pero dahil sa immortality niya wala sa peligro ang buhay niya at kahit bagong panganak, nagagawa na niyang kumilos agad salamat sa immortality niya, pero para makasiguro ginamitan ko siya ng [Healing].
Around 4:30 PM, umalis na kami at nagpunta sa may [Eartheria] Japan kung nasaan ang mga magulang ni Mimi para ipakilala ang kambal namin, ang prinsesa ng [Valhalla], sina Haruka at Sakura, by the way, ginamitan ko sila ng [Analysis] at napamura ako dahil nakuha nila ang ilan sa mga special skills namin ni Mimi, gayun na din ang ilang parte ng mga ultimate skills namin.
"W-wow... parang nung kelan lang kayo nagsamang dalawa... ngayon may kambal na kayo," sabi ng mother ni Mimi hababg buhat-buhat si Haruka.
"Actually, pinabilis ni Mimi ang pregnancy niya with magic... kaya pareho silang may Time Manipulation skill," sabi ko.
"No way," gulat na sabi ni Mimi at tinignan ang mga anak "oo nga, meron na sila."
"Rafael, ako naman next," bulong sakin ni Lulu "for sure matutuwa sila mom at dad sa kapag nakita na nila ang mga apo nila."
"Mga?" tanong ko na nginitian lang ni Lulu.
After naming maipakita sa parents ni Mimi ang mga apo niya ay nilibot ko na ang almost lahat ng harem members ko sa buong mundo, almost lang dahil wala sina Yvette but pagdating ng summer, sa kanila ang buong atensyon ko, luckily, walang insidenteng nangyari dahil bago pa man mangyari, sinisira ko na at after a month of R&R in [Eartheria] ay nagbalik na kami sa may [Seria] to prepare for the [World War] or so it's supposed to be pero nang maka-uwi kami, tapos na ang giyera at nasa gitna ng post-war treatment.
***
"Seriously, anong ginawa niyo," sabi ko kina Kevin nang magpatawag ako ng meeting.
"Simple lang, kinausap ko ang mga leader ng [Australia] at tinakot sila kaya sumuko na sila," sagot ni Kevin.
"We killed every [European] in this world," sagot ni Czarina.
"Tapos magpapadala na lang kami ng mga tao sa lugar para manirahan doon," sagot naman ni Maria.
"Sa mga [African], well... paano ko ba sasabihin ito... un, it's hell," sabi ni Wilmark "I mean, unang kita pa lang samin sinusugod na kami, tapos dahil may mga demi-humans kami sa army, pati mga [Human] na supposed to be suppressed, ay inaatake kami kaya no choice kami kundi linisin na lang ang buong kontinente with Kevin's help."
"... Sumasakit ang ulo ko, wait lang," sabi ko sabay facepalm.
BINABASA MO ANG
Class Of Heroes
FantasyRafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to live a lazy life until its time for their deportation, but he got bored and made his move. The seco...