"Ang duga, sila merong mga binigay na gamit," sabi ni Lea nang matapos kaming mag-usap, kaming buong klase ng BSIT-22A1 at ang hari.
"Well, mga [Hero] sila," sabi ni Kevin.
Currently, nasa may sitting room kami ng silid na pinahiram kay Ate Rosie, dun kaming magkakaibigan nag-uusap.
"Buti pa si Rafael, may bagong damit," sabi ni Maria.
"Cosplay yan, cosplay," sabi ni Lea.
"Shut up, Lea," sabi ko pero hindi ko naman siya masisi dahil mula sa school uniform ko na suot ko bago kami mapunta dito, ang suot ko na nung mapunta ako dito ay: Itim na t-shirt na gawa sa manipis na balat sa may pakpak ng isang dragon, hindi ko alam kung bakit [Dragon Silk Shirt] ang tawag, siguro dahil silky ang texture? Tapos ang pants kong itim na gawa sa dragon leather, comportable siya sa pakiramdam, parang may cotton lining sa loob, yung black boots ko din, gawa sa [Dragon Leather], but for some reason, rubbery yung suwelas, may half-finger gauntlet din ako sa dalawang kamay na gawa sa [Dragon Scales] and for some reason kulay itim din yun, tapos isang sleeveless long coat with a hood, long coat kasi hanggang tuhod ko ang laylayan ng jacket.
"So, yan ang kinuha mo dun, akala ko skills," sabi ni Kevin.
"Skills nga kinuha ko, may sobra lang kaya kinuha ko ito," sabi ko.
"Heeh... ilan points mo? 50 million sakin," sabi ni Kevin.
"52 million," sabi ni Czarina.
"Kayo na nasa million," sabi ni Lea "900 thousand."
"90 million," sabi ni Maria.
"Kayo na, mababa sa 90 thousand yung akin," sabi ni Hannah.
"999,999,999 points," sabi ko.
"Ikaw na, ikaw na," sabi ni Kyle kaya natawa sila.
"Anyway, ano-ano skills niyo?" tanong ni Diane "hindi ko alam yung sakin eh, kaya yung babae ang pinapili ko."
"Babae? Lalaki sakin," sabi ni Stephen.
"Eh, babae sakin eh," sabi ni Diane.
"Okay, okay, tignan na lang natin ang mga status ng bawat isa and compare," sabi ko.
"Paano mo naman gagawin yun?" tanong ni Czarina.
"[Linking Thought]," sabi ko at nakaramdam ako na para bang sapot na nakadikit sa mga ulo namin, sharing all our thoughts, at the same time, sharing our senses all together.
"Ayan, kinonekta ko ang mga pag-iisip natin," sabi ko.
"Ang weird, nakikita ko ang sarili ko, parang nasa 3rd person," sabi ni Kyle.
"Okay, [Status Open]," chant ko na agad nilang sinundan at biglang lumitaw sa paningin namin ang isang certain virtual screen na naglalaman ng status namin.
NAME: RAFAEL ALUMNO
AGE: 21
RACE: HUMAN
LEVEL: 1
HP: --
MP: --
SP: --
ATK: 999999
DEF: --
ACC: --
SPD: --
MGC: --
MGD: --
BINABASA MO ANG
Class Of Heroes
FantasyRafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to live a lazy life until its time for their deportation, but he got bored and made his move. The seco...