"So hit and run tactics eh," sabi ni Czarina habang pinapanood ang laban ng mga nasa 47th floor.
"Mauubusan sila ng oras, I mean, supplies," sabi ko.
"Yeah, mauubusan sila," sabi ni Kevin dahil ang mga kalaban nila ay nasa 30,000 level 300 monsters tapos ang mga level ng mga umakyat ay nasa 250, tapos ang bilang pa nila ay nasa limang daan lang.
"Tulungan ko na kaya sila?" tanong ko.
"Paano?" tanong ni liit.
"Paradrop," sabi ko at pinalapak ang kamay at nakita namin sa screen kung paano nagsibagsakan ang ilang mga crates.
"Bakit parang pamilyar," narinig naming bulong ni Lulu.
"Ah," sabi naming lima at naalala na mga kasama sila sa simulation.
"Maalala kaya nila? Anyway, maalala man o hinde, ipapaliwanag pa rin natin sa kanila," sabi ko at pinanood na lang ang mga gagawin nila.
"Pamilyar," sabi ni Ikemen "pero kung ano man iyon, puntahan natin, kung halimaw yun, kailangan nating patayin agad," sabi ni Ikemen kaya pinuntahan nila iyon habang pinapatay ang mga halimaw sa paligid.
Nang makita nila ang crates ay nalito ang mga hari pero mukhang naalala ni Lulu, ngunit kahit lito pa man siya, binuksan niya iyon at nakita ang ilang supplies at bottled water, along with some quality arrows and some throwing knives.
"Supplies," sabi ng Hari pero agad silang napalingon nang makarinig sila ng sigaw ng isang halimaw.
"Tara, kunin muna natin ang lahat," sabi ni Lulu at kinuha nila ang lahat at nagtago sa isang abandonadong gusali.
"Haah... haah... nakaka-miss ito," sabi ni Lulu.
"Lulu?" tanong ni Ikemen.
"HIndi niyo ba natatandaan? Yung zombie apocalypse," sabi ni Lulu at iyon ang naging dahilan para maalala nila ang simulation.
"... Yung lalaking iyon, siya yung nagbigay satin ng mga supplies nun," sabi ni Lulu "you think siya din ang may gawa nito?"
"Ibig sabihin, natapos niya yung laro?" tanong ni Ikemen.
"No, naudlot yung laro," sagot ko kahit na hindi naman nila naririnig.
***
Salamat sa interventions ko, natapos nila ang floor after three months at imbis na umakyat, bumaba sila sa 45th floor at doon nagpahinga muna sila habang naghahanda sa laban sa mga four hero generals.
"So~ gaano pa tayo katagal mag-aantay dito?" tanong ni Kevin.
"Say, let's do this, once and for all," suggestion ko.
"Paano?" tanong ni Czarina.
"Remember my stage? Isa iyong arena diba?" tanong ko at doon nila nakuha ang nais kong sabihin.
"Maghahanda na kami," sabi ni Kevin.
***
"Wierd," sabi ni Ikemen "walang tao sa may 48 at bukas ang pinto, tapos ganun din dito sa 49?" tanong niya.
"Either way, swerte tayo," sabi ng isang hari at umakyat na sila at nang makarating na sila top floor ay nalula sila dahil ang nilabasan nila ay ang arena, at dahil napag-tripan ko, pinatugtog ko ang elite four BGM ng isang certain pocket monster game.
"What the heck is this..." sabi ng isang hari.
"Ama," sabi ng isang prinsesa "hindi ba't iyon si..." sabi niya nang mapansin ang kapatid at nang makita ng hari ang dinukot ko ay sinigaw na niya ang pangalan ng anak na kumaway lang.
At dahil doon, isa-isa na nilang napansin na ang mga audience ay ang mga dinukot ko. Merong mga nagpanic hinahanap ang daan para mapuntahan ang mga kamag-anak ngunit wala silang makita and then...
"Ladies! Oras na para sa main entertainment!" sigaw ni Lana making every [Rescuer] dumbfounded "ah, right, papa, sumama ako, hindi ako dinukot, but you see, everything done by them is for the sake of world peace, well, hindi naman kayo maniniwala, pero kung hindi sila umapela, magkakaroon ng isang digmaan na kung saan lahat ng mga bansa sa mundo ang kasali at mas marami pa ang mga mamatay sa digmaan na yun at masisira din ang mundo, kaya ginawa nila ito, pinilit na isipin niyong mga masasama sila, pero of course hindi kayo maniniwala dahil iniisip niyo na brainwashed ako," sabi ni Lana "anyway, simple lang ang kailangan gawin sa floor na ito," sabi ni Lana.
"In a one-on-one fight, lalabanan niyo ang silang lima," sabi ni Lana "starting from the four generals down to the leader, at least with that my chance kayong manalo... kahit papaaano, kumpara naman sa silang lima ang kalabanin niyong sabay."
"Ah, by the way, isa lang ang safe zone dito, at yun ay yung lugar na yun," sabi ni Lana at tinuro ang resting spot.
"So, paano start na tayo? Oo nga pala, after nitong lahat, lagot kayo sa mga naunang kinuha five years ago, to the point na pagsisihan niyo, matagal na nila kayong pinapanood you know, specially to a certain prince of a certain country, inaantay ka ng supposed to be bride mo you know, pero wala kang ginawa, sa halip, tinuring mong wala na siya, kaya maghanda ka mamaya pagtapos nito, kung mananalo kayo," sabi ni Lana "now, first round, ang kalaban niyo ay ang pinakamahina sa lima, si Mimi Nicole Amanogawa, what? Tingin niyo patay na siya? Nope~ niligtas lang siya ni Rafael kasi ayaw niyang pumatay si Mimi ng mga inosente unlike him."
Pagkasabi nun ni Lana ay tumalon na si Mimi mula sa terrace na kinauupuan namin at nang makita nila ako ay kumaway ako.
"Oo nga po pala Papa, at sa amang hari nina Princess Flan at Princess Lilith, asawa na namin si Rafael yung kumakaway, ginawa na namin ang [Marriage Pact] ng mga [Succubus]," sabi ni Lana kaya napahinto ako sa pagkaway.
"WALANGHIYA KA! PAPATAYIN KITA!" sigaw ng tatlo sa mga hari.
"Tapos, ang ilan pa sa mga naunang dinukot, sinukuan na kayo kaya naman sasama na sila kay Rafael after this," sabi niya.
"OI! LANA! STOP PROVOKING!" sigaw ko.
"Teehee~" sabi niya sabay labas ng dila.
"... Sorry for that, anyway, this is the second round, wag kayo mag-alala, hindi kayo mamatay dito, sa stage na ito, siniguro nung kumag na lalaking isang chick magnet like a certain friend, na walang mamatay dito, kung gusto niyo magsabay-sabay kayo since after all, hindi niyo susundin ang mga rules," sabi ni liit.
"Mi-chan," sabi ni Ikemen.
"Mamaya, once na nakabalik na tayo sa earth mag-usap," sabi ni liit "now then, COME AT ME!" sabi niya at nang sabihin niya iyon ay pinatugtog ko magically ang isang certain game final boss theme titled [Stigmata].
============================
A/N: YUNG THEME AY NAGMULA SA LARO NA MANA KHEMIA STUDENT ALLIANCE.
BINABASA MO ANG
Class Of Heroes
FantasyRafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to live a lazy life until its time for their deportation, but he got bored and made his move. The seco...