Chapter 036

726 36 0
                                    

"Mag-iingat kayo," sabi ko sa mga [Hero] na nasa kontinente ng australia look alike.

"Yeah, we will, ayaw naming matulad sa anim, anyway, alam na ba nila?" tanong ni Datoc, isa sa mga [Hero] na nakadestino sa may lugar.

"Hindi pa, magpapadala ako ng isang malawakang mensahe, isang shout-out, para malaman ng lahat," sabi ko.

"I see," sabi niya "sige, mag-iingat kami," sabi ni Datoc at dahil tapos na naman amg trabaho ko, nagbalik na ako sa [Emperio] para i-anunsiyo ang nangyari sa anim at para makapag-handa na din, lalo na at malapit na ang susunod na [Wave].

***

<<Huli ka na sa anunsiyo,>> sabi ni Lorence after kong i-announce na may namatay na sa grupo namin.

<<Bakit? Paanong huli na?>> tanong ni Ate Rosie, since connected kaming lahat, rinig ng lahat ang mga napag-uusapan.

<<Kami na lang ni Rito ang buhay dito,>> sagot ni Lorence <<trinaydor kami ng mga tinutulungan naming [Demi-Humans].>>

<<Ayaw ko na pre, gusto ko ng umuwi,>> sabi ni Lorence after a few minutes of silence.

"Sige, magbubukas ako ng [Gate] tapos, manatili na lang kayo dito sa may palasyo, pabayaan niyo sila diyan, ako na bahala sa recovery ng katawan nila," sabi ko.

<<Wala ka ng marerecover,>> sabi ni Rito.

"Bakit?" tanong ko.

<<Kinain na nila,>> sagot niya <<kinain na ng mga lintek na [Beastman] at [Werebeast] ang katawan nila, all we managed to take were the bones, some of it were broken and the marrows were sucked out,>> dugtong ni Rito.

"... ibalik niyo na dito, ako na bahala," sabi ko "ang mga equipments nila?" tanong ko.

<<Hindi na namin narecover,>> sagot ni Lorence.

<<Okay, ako na din bahala diyan,>> sabi ko at nagbukas na ng [Gate] para maka-uwi na sina Lorence at Rito.

***

"Ako, si Czarina, si Maria, si Kevin, si Stephen, si Kyle, si Leah, si Hannah, si Kleyre, si Marlon, si Ate Rosie, si Dianne, si Lorence, si Rito, si Datoc, si Dela Cruz, si Cabiles, si Japos, si Lee at si Mellomida; kami-kami na lang ang buhay," sabi ko habang naka-upo sa may swivel chair sa may office, kakatapos ko lang malagyan ng sumpa ang mga equipments na naiwan, the curse items are all the same, and while I'm at it, inalis ko ang [Healing] property ng mga potion nila making it become a poison.

"Out of 30 students, 10 died... paano namin ngayon ipapaliwanag ito once na maka-uwi na kami," sabi ko sabay buntong-hininga.

"Rafael," tawag ni Milliana sabay yakap sakin mula sa likuran "iniisip mo ba yung nangyari sa mga kasama mo?"

"Hinde, alam kong anytime, may mamatay samin, iniisip ko lang kung paano ko ngayon maipapaliwanag sa pamilya nila ang mga nangyari," sabi ko.

"Saka mo na problemahin yan," sabi niya sabay ngiti at biglang lapag ng ilang mga papel sa mesa "kailangan niyan ng mga pirma mo, tapos handa na din yung lupang ibibigay mo kay Villano, tapos excited na akong makita ang bago mong asawa."

"Makikilala mo siya in ten more years," sabi ko.

"By the way... Rafael..." sabi ni Milliana.

"Mamaya," sabi ko.

***

"Pre, anong balak mo sa may dalawang kontinente?" tanong ni Kevin isang araw bago ang [Wave].

"Pabayaan na lang muna until matapos tayo dito, tapos patayin ang boss like monster dun then yun na, bahala na sila sa iba," sabi ko.

"I see," sabi ni Kevin "pre, gawan mo nga ako ng [Katana]."

"May [Odachi] ka diba?" tanong ko.

"May nangyari nung wala ka, at doon ko nalaman na hindi bagay ang weapon ko sa maliliit na lugar," sabi niya.

"Ano itong nangyari na ito?" tanong ko.

"Ah, may sinira lang kami nina Burgos at Cortez na human trafficking group, may nakalaban akong [Magic Breaker] sa isang maliit na lugar, so yun, buti na lang dumating si Burgos at natulungan ako, I mean, hindi tumatalab sa kanya ang CQC."

"Buti nga pero hindi pa din okay ang [Katana] sa indoor fights," sabi ko "gagawan kita ng throwing knives."

"Talaga? Thanks," sabi niya at dahil tinawag siya ni Maria ay umalis na siya.

***

Nang dumating na uli ang [Wave] ay ganun uli ang ginawa ko, kinuha ko ang parameters and experience ng mga halimaw while we kill them. As for the things in those continent, yung boss lang ang pinapatay ko at pinabayaan ko na sila.

Paulit-ulit lang naming ginawa iyon, minsan sa may dagat ang laban, minsan sa isang kweba, minsan sa gubat, minsan pa nga sa may siyudad mismo.

Nang mag-ikatlong taon na kami dito...

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kina Ate Rosie at kina Datoc nang makita namin sila sa courtyard.

"Ako na magpapaliwanag," sabi ng isang lalaking may pulang mata.

"Flamma," tawag ko sa lalaki, ang tagapangalaga ng apoy.

"Well, andito na sila kasi, makaka-uwi na kayo," sabi niya.

"Huh?" taka kong tanong.

"Uuwi na kayo," sabi ni Flamma "tapos na ang war, I mean, hindi pala iyon talagang war, yung 'intruder' ay isang [Sorian] na hiningi samin noon, naging admin class siya at nagnanais na umuwi sa kanila upang makapiling ang pamilya niya but sad to say, matagal nang namatay ang pamilya niya kaya hiniling niyang patayin na din siya, so yun, mabilis natapos ang giyera kahit na expected naming limang taon pa, anyway, ilabas mo ang sampung katawan ng mga namatay," sabi niya kaya agad kong nilabas ang mga katawan nila, ayos na ayos, aakalain mong natutulog lang sila, although wala silang suot.

"Alam mo na gagawin mo diba? Yeah, ayaw mong mangi-alam, but consider this as a payment dahil kami ang nagdala sa kanila doon," sabi niya, at dahil may go signal na ng isang admin, ginamit ko ang [Time Reversal] technique ng [Time Management], binalik ang oras nila nung nabubuhay pa sila.

After kong magamit ang technique ay biglang napasinghap ng hangin ang sampu ng magising at umubo-ubo, at hinihingal na bumangon.

"Welcome back, how's the land of the dead?" tanong ko at bigla silang nag-apoy at nang mawala ay nakasuot na sila ng damit kaya napatingin ako kay Flamma.

"So, namatay nga kami..." sabi ni Tolentino habang binubukas-sara ang mga kamay.

"Chloe," sabi ni Flamma at biglang lumitaw ang goddess of time and space "ikaw na ang bahala, ibigay mo na din yung compensation ni Rafael," dugtong niya at biglang nawala matapos mapalibutan ng apoy.

"Okay, first, Rafael," sabi ni Chloe at biglang pumasok sa isipan ko kung paano magbukas ng [Gate] kung saan magagawa kong maglabas masok sa iba't-ibang mundo "magbalik ka after three years kung gusto mo, since lahat kayo, ibabalik ko sa may araw na yun, hindi namin iseselyo ang mga karanasan niyo, pero ang ibang skills niyo, oo, unless mapatunayan niyo samin na karapatdapat na unsealed ang skills niyo, by the way, although malalakas kayo dito, once na nandoon na kayo sa may mundo niyo, down to 5% ang status parameters niyo, okay," sabi ni Chloe "wag na kayo magpa-alam, tinignan ko ang hinaharap at alam kong babalik kayo dito, in this exact date, so ingat kayo," sabi niya at nabalutan kaming lahat ng liwanag.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon