Chapter 128

469 22 0
                                    

Hindi na namin pinatagal pa ang burol ni Mama, matapos lang ang pitong araw ay inilibing namin siya sa tabi ni nanay dalin, ang lola namin sa side ni mama, dapat, papahabain ko pa ang buhay ni nanay, pero hindi pumayag si mama kaya nauna si nanay hindi katulad ng sa first run ko na nauna si mama at namatay nung october 13 2006, pero this run, namatay si mama nung october 13, 2016, sampung taon lang ang nadagdag, pero ayos na iyon. Habang pinaglalamayan si mama ay nagpunta ang lahat ng mga kamag-anak namin, ang mga kaibigan ni mama, pati ang mga babae ko(sinuot nila ang [Transformation Ring] para matagong hindi sila nagmula sa [Human] race).

Nang mailibing na si mama, bumalik uli ako sa may [Seria], with a determination na sakupin na agad ang kontinente para naman magawa ko ng makasama ang pamilya ko.

"Mahal na hari," sabi ni Lucas habang nasa opisina ako "nagpadala po ng liham ang [Dwarven Kingdom], tinatanggap na daw po nila kaya nais po nilang magbigay ng regalo sa kanilang bagong hari."

"Huhulaan ko, balak nilang ipadala ang kaisa-isang prinsesa ng bansa nila para maging asawa ko," sabi ko na ikinabigla ni Lucas.

"Siyang tunay mahal na hari, nais nilang ipadala ang kaisa-isang prinsesa ng bansa nila bilang iyong kabiyak, or at least iyon ang sinabi nila sa publiko kahit na sa totoo lang, binigay nila ang prinsesa upang magsilbing hostage, at maging katunayan ng kanilang katapatan," sagot sakin ni Lucas.

"Haah... oh well, kailangan ba natin silang sunduin?" tanong ko.

"Natural po, dahil imposibleng makapunta ang mga normal na nilalang sa [Valhalla] maliban na lang kung dadalhin sila dito mismo," sagot niya sakin.

"Magpadala ng tatlong [Dragon Knight] bilang escort, tapos lihim ding ipadala ang [Anbu] bilang back-up, at the same time, upang alamin ang bansang nasa likuran ng mga pangahas na aatake sa kanila," utos ko.

"Masusunod po," sabi ni Lucas.

"After this, dahil sa friendly rivalry ng [Elf] at [Dwarf], ipagyayabang ng [Dwarf] ang mga minahan nila tapos maiingit ang mga elf at kakausapin ka with Milliana as the middle man," sabi ni Mimi na bagong pasok sa opisina galing sa [Secret House].

"I see... kaya pala ang sabi mo noon, once na makuha ko na si Bea, makukuha ko na si Jade... wait a minute, bakit parang mga collectibles lang sila, bakit kuha ang word na ginamit mo?!" reklamo ko kaya napahagikhik si Mimi.

"By the way, Rafael, ang tatabihan mo mamayang gabi ay sina Marcel, Lulu, Nagisa, Sacchi, at Mizuki, with your stamina, kaya mo silang lima," sabi ni Mimi sakin "do your best to satisfy them, isang linggo silang nag-antay."

"Tama ba naman bigyan sila ng schedule," sabi ko.

"Well, madali pa nga ito kasi wala ang labing anim," sabi ni Mimi "but once, graduate na sila sa college, magiging once a month na kami, kung susuwertehin, twice."

"Oi... anong plano mo," sabi ko.

"Round robin," sagot ko "for example, ako sa first day, si Ame sa second, si Milliana sa third, and so on, pero of course, ang pagkakasunod-sunod ay nakadepende sa draw lots."

"Mimi, 41 kayo, at most 31 lang ang mga araw sa isang buwan," sabi ko.

"Alam ko, pero andoon yung mag-crave ka sa katawan namin," sabi niya "at dahil doon, no choice sila kundi tanggapin na ginalaw mo ang pinili mo sa araw, tanghali or hapon, kasi sa gabi na ang ang talagang naka-schedule."

"Basically... you all will seduce me non-stop," sabi ko na tinawanan lang niya.

"Iyon talaga ang plano," sabi ko "so at least be ready."

"Oo nga pala," sabi sakin ni Mimi nang papalabas na siya "hindi ko talaga balak sabihin ito dahil wala akong alam sa mangyayari, pero once na makuha mo na ang buong kontinente, magkakaroon na ng [World War]."

"Wait, what?" gulat kong tanong.

"As I said, [World War]," sabi ni Mimi "may mga espiya ang mga taga-ibang kontinente dito, alam nila ang tungkol sa [Air Force] at [Naval Force] mo, gayun na din ang tungkol sa mga minahan, at mangyayari iyon, bago ako manganak."

"Basically, within five a half months," sabi ko seryoso ang mukha.

"Yeah, after all... anyway, aalis na muna ako, may kailangan akong kausapin," sabi ni Mimi.

"Kakayanin mo?" tanong ko.

"Oo, kakayanin ko, hindi niya ako matatalo, in fact, ikaw lang ang makakatalo sakin, kung gugustuhin mong saktan ako, kaso ayaw mo," sabi niya at bigla na lang nawala, kung saan siya nagpunta, hindi ko na inalam, dahil sure akong makakatulong ang kung ano mang gagawin niya.

***

A week later, dumating na sa bansa si Bea, ang inaasahan kong appearance niya is mataba, pero hindi, slim siya, at sakto lang ang taba niya, may modest ang size ng balakang at dibdib, may kaitiman pero hindi negra, marahil dala ng paglalagi niya sa pandayan, mas maliit lang siya ng onti kay Mimi at ayon sa [Analysis], mas matanda siya kay Mimi ng dalawang taon, basically, 18 years old na siya, kulay brown ang kanyang buhok at berde naman ang mga mata, at ang una niyang sinabi sakin.

"Totoo bang makakapag-aral ako dito ng crafting techniques na katulad ng mga ginawa ng mga diyos milyong taon na ang nakakalipas?" sabi niya.

"... Anong sinabi nila sa'yo," sabi ko.

"Uhm... magpunta dito para mag-aral ng crafting techniques," sabi niya kaya napa-face palm ako.

"Magagawa mo iyan, in one condition," singgit ni Mimi.

"Ano?!" sabi ni Bea, totally excited.

"Maging asawa ka ni Rafael at dalhin mo ang mga anak niya," sabi ni Mimi.

"Oi!" sabi ko.

"Sorry, pero hindi ko tatanggapin ang isang lalaking may mahinang crafting skills kumpara sakin bilang asawa kahit na isa pa siyang hari," sabi ni Bea.

"Sure ka? Baka magbago ang isipan once na malaman mong siya ang magtuturo sa iyo," sabi ni Mimi.

"Seriously?!" gulat niyang sabi at tinitigan ako na para bang isa akong diyos, kulang na lang lumuhod siya at sambahin niya ako.

"Master!" sabi niya "gawin mo akong asawa mo at turuan mo ako," sabi niya sabay dogeza.

"Ginawa niya nga?!" gulat kong sabi "oi! Tumayo ka muna!"

"P-pero..." sabi ni Bea.

"Tumayo ka muna!" sabi ko at tumayo na si Bea.

"Seriously... kung papakasalan ka nga, magiging reyna ka na din ng [Valhalla], isipin mo ang iisipin ng mga tao kung malaman nilang lumuhod ka ng katulad ng sa isang alipin," sabi ni Mimi at may kung anong ginawa kay Bea nang hawakan niya ito "nilagyan kita ng marka, ibig sabihin isa ka sa mga babae ni Rafael; ako nga pala si Mimi Amanogawa Alumno, ang first queen," pakilala niya at napalunok ng laway si Bea, after all in her point of view, a big shot appeared all of a sudden.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon