Chapter 035

699 34 0
                                    


"Haah..." buntong-hininga ko "seriously... ginawa siyang political piece, and all I can do is accept, tang inang mundo ito, bakit nila hinahayaan na maikasal ang isang limang taong gulang?" sabi ko at naalala ang napag-usapan namin ng hari kanina after party.

In summary: ang napag-usapan namin ay ang continuation ng napag-usapan namin nung nasa party pa kami. Ang plano ay bibigyan nila ako ng isang teritoryo na pangangalagaan ni Marlon, tapos bibigyan ko din sila ng isang territoryo na pangangalagaan din ni Marlon, since si Marlon ang magsisilbing middle man namin; ang ibibigay na terriyoryo ay malapit sa tubig, at doon, gagawa ako ng [Gateway] like what I did to the [Philippines], connecting our lands to each other, tapos, sa bandang dulo, to solidify the alliance, he gave Natalie to me as a wife, after all, isa akong [Hero] at the same time [Emperor], nalaman niya din na ako ang pinakamalakas sa lahat kaya ayos lang sa kanya, kahit na sinabi kong may pito na akong asawa, ang sinagot niya sakin ay: pito na pala, anong masama kung madagdagan ng isa pa.

"Seriously, it's too damn unnatural," bulong ko at tumingala "may kinalaman ba kayo?" tanong ko sa mga administrators na nasa taas "haah... no used crying over spilled milk," sabi ko at nagpunta na sa kama ng guest room na pinahiram at tinabihan si Shizu sa pagtulog.

The next day...

"Aalis ka na?" tanong sakin ng hari.

"Oo," sabi ko "may kailangan pa akong puntahang mga [Hero]," sabi ko.

"Isama mo na si Natalie," sabi niya.

"Huh?" tanong ko hindi makapaniwala sa narinig.

"Isama mo na si Natalie," ulit ng hari "mas ligtas siya sa tabi mo."

"Haah... fine, asaan siya?" tanong ko.

"Nag-iimpake ng mga gamit niya, after all, asawa mo na siya," sabi ng hari kaya naningkit ang mga mata ko, with a meh(-_-) expression.

***

A few minutes later, dumating na si Natalie, namumula ang mukha at halatang kinakabahan.

"Natalie," sabi ko at lumuhod sa harapan niya para maging magka-eye level kami "kinakabahan ka ba?" tanong ko at tumango si Natalie "kung gusto mo, wag ka na lang muna sumama, dumito ka na lang muna, gusto mo?" tanong ko "wag mo isipin ang iyong ama, sabihin mo ang gusto mo."

"... Gusto... manatili," nahihiya niyang sagot.

"There you have it king, dito na lang muna siya until she turned fifteen, kung may mahalin siyang lalaki, then, malaya siyang magpakasal sa lalaki, after all, hindi ako fan ng political marriage, at isa pa, tulad ng sabi ko kahapon, I only mean it as a gift, hindi ako sure doon," sabi ko.

"I guess wala akong magagawa dun," sabi ng hari with a wry smile.

"Tapos, kahit fifteen na siya, hindi ibig sabihin nun gagawin ko na siyang asawa ko, at least dapat maipasa niya ang pagsusuri na ibibigay ng mga asawa ko, kung hindi niya maipasa yun, I'll take her as my own little sister," dugtong ko.

"Maari bang malaman kung para saan ang pagsusuri na ito?" tanong ng hari.

"Ayaw kong nag-aaway sila," sagot ko "kung magkakasundo sila, then walang problema."

"Kung sabagay," sabi ng hari.

"And so, since paniguradong iniisip mo ang kaligtasan ni Natalie, then, [Fenrir]," sabi ko at mula sa may anino ko, lumabas doon ang isang bluish white wolf, the size is three meters, five kung naka-upo.

"Ito si [Fenrir], isang familliar beast ko, isa siyang [Storm Wolf], yung SSS-class monster, level 9000," pakilala ko "well, originally, he's my mount, but, oh well, [Fenrir], bantayan mo si Natalie, alagaan mo, hanggang sa mamatay ka."

<<As you wish, milord,>> sagot ni Fenrir using [Telepathy] shocking everyone inside.

"Tapos, sobrang laki mo," sabi ko at nagliwanag si [Fenrir] nang mawala ay naging puppy size siya at lumapit kay Natalie.

"Natalie, pwede mo siyang utusan, pansamantalang ikaw na ang master niya, kaya susundin niya lahat ng ipag-utos mo," sabi ko "pwede mo din siyang sakyan."

***

"Papa, lalaki po ba si ibon?" tanong ni Shizu sakin habang lumilipad kami papunta sa [Africa] continent, or at least based dun sa eartheria map.

"Lalaki(male)? ...Ah... lalaki(grow)," sabi ko "hindi, kasi nung binigyan ko ng pangalan Yvonne, siniguro kong hanggang ganyan na lang ang laki niya, bakit, naiingit ka kay Natalie?"

"Opo," sagot niya kaya napangiti ako.

"Tara, baba muna tayo," sabi ko at lumapag na kami, nasa may dagat kami but gumawa ako ng tapakan gamit ang yelo kaya naman ayos lang.

"Pasan ka sakin," sabi ko at pumasan nga si Shizu sakin.

Nang makapasan na si Shizu ay agad akong nagtransform sa dragon at lumipad na palayo.

"Wee!" sabi ni Shizu habang nakayakap sa leeg ko at ako naman, lumilipad sa ere na para bang isang roller coaster na mas lalong ikinatuwa ni Shizu.

***

"What the heck..." sabi ko nang makitang grey color ang dot icon ng mga [Hero] sa lugar.

"... Shizu... sorry, pero uwi ka muna saglit, masyadong delikado dito," sabi ko at nagbukas ng [Gate] at pinapasok doon si Shizu.

Nang makapasok na si Shizu sa [Gate] ay agad akong nagbalik sa may [Human] form ko at para iwas pansin, bumaba ako at pinuntahan ang mga icons.

***

"Tch," patunog ko ng dila nang makita ang katawan ng isang babaeng classmate na napunta dito, wala na ang mga gamit niya na binigay ko bago pa man sila mapunta dito, with the exception of the contact lens; ang katawan ay may mga ngatngat na ng halimaw, inuuod na din.

"Excuse me," sabi ko at hinawakan ang katawan niya at ginamitan ng [Retroconition], isang [Time Management] technique that let's me see what happened in the past with the object or person as the center.

"Putang ina," mura ko dahil ang nakita ko ay pinatulog siya using a very powerful drug, since resistance lang ang meron siya hindi nullification, tinablan siya, doon, ginahasa siya ng mga lalaki ng paulit-ulit bago binenta as a slave after nakawin ang mga equipments niya, naging sex slave siya at namatay dahil ginawang meat shield.

"... ilang araw na ang lumipas, hindi na siya tatablan ng simpleng [Resurrection]," sabi ko at ginamit ang [Time Management] para ibalik sa dati ang katawan niya, at dahil ayaw kong paki-alaman ang [Life Cycle], hindi ko na siya binuhay pa kahit na kaya ko gamit ang [Time Management], binalik ko na lang sa dati ang katawan niya nang mailibing namin siya sa may eartheria. Ganun din ang ginawa ko sa natitirang lima, at bilang pagpapakita ng respeto, itinigil ko ang oras, at hinanap ang mga nawawalang equipments, and with the power of [Object Customization], I turned them into a cursed item, with curse so powerful, you'll want to throw it away, pero dahil ginawa ko iyong soul-bound kaya hindi na nila iyon maitatapon kahit kailan. Perfect example ay ang mga sandata ng anim, I made it na hindi na makakahawak pa ng kahit anong pwedeng magamit as weapon ang registered user, tapos everytime they use it, kukunin ng espada ang pinakamahalaga sa may-ari, for example, kung mahalaga sa may-ari ay ang anak niya, once na gamitin ng user ang espada para protektahan ang anak niya, magugulat na lang siya dahil makikitang niyang bigla na lang babagsak ang katawan ng anak niya, wala ng buhay, then yung armor, ipapasa lang ng armor ang damage sa pinakamamahal niya, tapos yung accessories, nakadepende sa effect, for sample yung [Storage Ring], mamalasin ng sobra ang user ng [Storage Ring], to the point na nanaisin na niyang mamatay, then yung user ng headset, lahat ng mga negative inner thoughts ng mga tao around the continent maririnig na niya, 24/7.

"Oi! Ayos lang sa inyo na pabayaan namin ang lugar na ito diba?!" sigaw ko para sa mga nasa itaas.

"Haah..." buntong-hininga ko at nagpunta na sa may [Australia].

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon