Chapter 82

566 24 0
                                    

"Hmm... I see, so paano ka nakaka-siguro na malapit ng matapos ang pakikipaglaban natin sa dungeon na ito?" tanong ng isang hari kay liit.

"Intuition," sagot niya.

"Intuition," sabi ng isang hari.

"Wag natin maliitin ang intuition ng mga babae, salamat sa intuition na iyan, lagi akong nabubuko ng aking mga asawa," sabi ng isang hari.

"Say, ayun yung asawa mo diba?" tanong ko sa reynang nadukot ko sabay turo sa lalaki dun sa screen "ilan kayong asawa niya?"

"Isang daan at limampu't lima," sagot niya sakin kaya napakamot na lang ako ng ulo.

"I see, pero ano ang halimaw na iyon?" tanong naman ng isang bampira.

"Tatay mo?" tanong ko kay Flan.

"Oo," sagot niya.

"[Genbu], isa siya sa mga boss na nakalaban namin nung binubuksan namin ang [Waypoint]," sagot ni Ikemen.

"I see," sabi ng hari "kung gayun, alam niyo na ang mga atakeng nagagawa nitong [Genbu] na ito," sabi ng isang hari.

"Yeah, at ito ang mga nagagawa niya," sabi ni Ikemen at sinabi ang mga detalye na meron si [Genbu].

"Wag niyo isipin na kasing lakas pa rin sila noon, maaring naging mas malakas na sila ngayon like in games in our former world," sabi ni liit.

"Right, pwedeng ganun ang setting," sabi ni Ikemen.

***

"Ohh... lalaban na sila," sabi ni Kevin nang umakyat na uli sila after a month of preparations.

"Second round," sabi ni Ikemen at sumugod na sila.

Nang sumigaw si [Genbu] ay agad na natumba ang mga tao, at mangilan-ngilan lang ang hindi natinag, basically, mga nasa level na at least 300.

"Anong attack yun?" tanong ni Czarina.

"[Gravity Field], immobile na ang lahat ng mga nasa below level 300 for three hours," sabi ko.

"Nice, ah, incoming [Gravity Ball]," sabi ni Kevin nang bumuka ang bibig ni [Genbu] at nagpakawala ng mga black hole like orbs pero dahil lumang attack na iyon, agad iyong naiwasan except ng mga nakadapa.

Mabagal si [Genbu] pero solido naman ang defense at damage kaya inabot ng three hours ang attack and retreat(kiting) na ginagawa nila. At nang mawala na ang duration ng [Gravity Field] ay nag-summon naman siya ng mga maliliit na pagong na may level na 400 para sa mga small fries.

"Ah, natalo na nila," sabi ni Czarina after sixteen hours.

"Yeah, but with almost 4,000 casualties," sabi ko "considering na after this, hindi na sila agad makakapagdeklara ng giyera, then it's good."

"But still, buti na lang at wala pang namamatay na hari," komento ni Czarina

"Yeah, after all, it's our job," sabi naman ni Kevin bilang sagot sa sinabi ko "but still..."

"Elizabeth, Alissa, kayo na bahala sa mga namatay," sabay-sabay naming sabing apat tinutukoy ang kambal na goddess of death and reincarnation.

"Haah... haah..." hinggal na hinggal na sabi ni Ikemen "tara na, sa floor 42," sabi niya at ang mga umakyat na lang ay ang mga pinuno pero nang makita nila doon sina [Suza] at [Zaku] ay agad din silang bumaba at inantay na magawa doon ang base.

Inulit nila ang ginawa bago ang laban kay [Genbu], first is meeting then preparation for one month then laban na, tapos once defeated, titignan nila kung ano ang susunod na floor at kung boss battle uli, same method uli, meeting, preparations, then, combat, at nung nasa 46th floor na, kung saan ang mga pumanhik na lang ay isang grupo ng tatlong libo, ang mga hindi sugatan at may lakas pa para lumaban dahil nakumpleto na nila ang guardian beast bosses at naghahanda sa kung ano ang makakaharap pero nang makarating sila sa 46th floor ay...

"Ito ay..." sabi ni Ikemen nang makita ang motif ng 46th floor.

"Ang gym ng school," sabi ni Lulu.

"Gym? School?" tanong ng isang hari.

"Yeah, isang lugar sa mundo namin, pero asaan ang kalaban?" tanong ng isang babae, yung laging tumatawag kay liit ng Mi-chan.

"Either way, wala yung kalaban, this might be a bonus, anyway, ayun yung pinto, tara, baka andun yung daan paakyat," sabi ni Ikemen kaya lahat sila ay nagsipuntahan doon ngunit bago pa man nia mahawakan ang pinto ay...

"Hindi niyo mabubuksan ang pinto," sabi ni liit.

"Hah? Mimi?" tanong ni Ikemen.

"Hindi niyo iyan mabubuksan hanggat hindi niyo ako natatalo," sabi niya.

"Mimi, anong pinagsasabi mo?" tanong ni Lulu.

"Ahahaha, simple lang naman," sabi ni liit "na kalaban ako," sabi niya at winasiwas ang [Akatsuki] and in a single swing bumagsak na ang lahat ng mga low level small fries.

"Miss Amanogawa?" sabi ng dragonoid prince.

"Haah... Ako si Mimi Nicole Amanogawa, isa sa four Heavenly Generals at isa din sa limang gumawa ng [Aincrad]," sabi niya sabay talon at napunta sa may platform sa may itaas ng gym "at ako din ang guardian ng palapag na ito, kung gusto niyong maka-akyat, talunin niyo ako," sabi niya at gumamit ng mahika at pinatamaan ang mga kaibigan.

"Akala ko, magpapakita pa si Flan," sabi ni Lana.

"Mimi! Anong pinagsasbi mo! Kakampi ka namin diba?!" sabi niya.

"Hahahahaha!" tawa ni liit "kakampi? Nope, matagal ko na kayong dinadala dito, simula nung sabihin ko sa inyo ang mga lokasyon ng [Five Guardian Beast Dungeon], nakakatamad mag-antay sa inyo kaya tumulong na ako.

"Anyway, kung gusto niyo-" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil sa [Shadow Bolt] na pinakawalan ng vampire king.

"Teka!" sabi ni Ikemen.

"Wag kayong umanggal [Heroes], sinabi na niya, kalaban siya, para mailigtas ang anak ko, kailangan ko siyang patayin," sabi ng isang werebeast.

"Papa, kusa akong sumama," sabi ni Lana.

"SO, tatay mo pala iyon," sabi ko.

"Humanda ka!" sabi ng isang hari at sinugod nila si liit.

"Hmph," sabi ni liit at pinaulanan sila ng mga yelo.

"Haah... so soft," sabi ko "aalis muna ko saglit," sabi ko at nagteleport sa may tabi ni liit at pinatulog siya.

"Wha- sino ka?!" sabi ng isang hari.

"Ah, ang lalaking tumulong sakin," sabi ni Lulu.

"Who knows kung sino ako," sabi ko and as an act, sinaksak ko ang isang espada kay liit at gamit ang magic, binuksan na ang pinto "ako na ang maglilibing sa kanya, umakyat na kayo," sabi ko sabay teleport sa may living quarters at nakitang wala na doon si Czarina, ang boss ng 47th floor.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong sakin ni liit na nagising salamat sakin.

"Well, hindi ko makitang sasaktan mo ang mga kaibigan mo, kaya tinapos ko na ang screen time mo, leave everything to us okay, tama na yung ginawa mo," sabi ko at tinignan na ang screen kung saan nagtagpo na sina Czarina at ang mga umakyat sa taas.

Ang 47th floor ay isang abandoned urban city ang motif

"Hello~ ako si Czarina Villarias, isa sa four heavely generals, kaya niyo ba akong matalo? Oops~ sorry pero bawal ng umatras," sabi niya kasabay ng pagsara ng pintong pinasukan nila "ang daan paakyat ay nandoon sa may watchtower na yun, yung pinto nun, anyway, kung gusto niyong umakyat, labanan niyo ako, but first, makipaglaro muna kayo sa mga alaga ko," sabi ni Czarina at nags-summon ng mga halimaw around 1000, small fries lang naman ang mga iyon, mga lesser dragons lahat.

"Ufufu, I changed my mind, tapusin niyo sila then makaka-akyat na kayo, see you in the final floor~" sabi niya at dinagdagan ang mga dragon ng ilang boss class monsters bago nag-teleport na sa may living quarters.

"Mamatay silang lahat kapag lumaban ako," sabi ni Czarina at pinanood na ang labanan sa 47th floor.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon