Chapter 107

573 20 0
                                    

"I see... so sakin niyo ibibigay itong southern area?" sabi ni Wilmark sabay facepalm habang si Carlo naman ay tinatawanan siya sa may likuran.

"Pwedeng kunin ko yung south-eastern area?" sabi niya "what I mean is hatiin sa dalawa yung southern area, tapos ibigay sa kumag na tumatawa sa likod yung south-western area."

"Hoy! Wag mo akong idamay diyan!" sabi ni Carlo.

"No, ipaparanas ko sa'yo ang management," sabi ni Wilmark "nang hindi mo na ako magawang tawanan."

"Rafael!" tawag sakin ni Carlo.

"Sige, paghatian niyo," sabi ko at nagtaas ng dalawang kamay si Wilmark katulad ng banzai pose while si Carlo naman napaluhod in orz position.

"Good luck sa inyong dalawa," sabi ko "don't worry, bibigyan ko kayo ng [Unit] na magsisilbing steward niyo."

"Steward... yung manager ng mga home things," sabi ni Carlo habang nakaluhod.

"Yeah, hindi kita bibigyan ng assistant, meron na naman kayo," sabi ko at tinitigan ang former goddess at si Giovelyn.

"Pre, si Giovelyn... anong alam niya sa management?" tanong ni Carlo.

"Wala, pero at least may mauutusan ka," sabi ko at mas lalong na-depress si Carlo.

"Pre, itong babaeng ito, walang alam ito sa management, remember, pinaglaruan niya lang ang mundo niya," sabi ni Wilmark.

"I am very sorry for that!" balik sabi ng former goddess.

"Anyway, now with the feudal lords chosen, mamili kayo ng mga general class bilang maging subordinates niyo, okay lang kahit ubusin niyo ang buong BSIT-11A1, ayos lang kaya ko namang makagawa ng mga [Unit]," sabi ko at naglabas ng mga papel na naglalaman ng mga status and skills, specialties ng mga BSIT-11A1 students na ginawa ni Kevin just for this day.

"Okay, then ako na muna ang mamimili," sabi ni Maria.

***

"Now with the personnel problem solved... oras na for the main topic," sabi ko at pinalagitik ang kamay at biglang nagkaroon ng butas sa may sahig at lumubog doon ang mesang bilog, a few moments later, napalitan iyon ng isang parisukat na lamesa at pinapakita doon ang buong mapa ng kontinente, pati ang mga bansa at ang mga border nila in various colors.

"Houh... nakuha mo na nga ang mga isla, pati ang pilipinas at ang ruined country Japan," sabi ni Czarina.

"Yeah, iyan ang inuna ko since ruined country naman, kaya ginawa ko iyan ang base ng [Valhalla] sa lupa," sabi ko "simula diyan, sinakop ko na ang mga iba pang bansa, at ngayon ang current front lines ay nasa bansang ito," sabi ko at tinuro ang kinapupuwestuhan ng [Korea] on our original world.

"Houh... so diyan ka naka-focus?" tanong ni Maria.

"Yeah, after all, wala silang air force," sagot ko "hindi nila inaasahan ang paglusob ng [Air Force] ng bansa."

"Uhm... sorry, ano itong [Air Force]? Fighter jets?" tanong ni Carlo.

"Carlo, iyon yung gusto mong company," sabi ni Wilmark.

"Yung mga [Dragon Rider]?!" gulat niyang sabi tinutukoy ang mga units kong may ability na tumawag ng dragon mounts, may mataas na MP capacity at ang number one weapon ay mga [Magic Crossbows] mga degraded version ng [Quillin], actually parang [Quillin] lang iyon, except inalis ko ang charging ability, sila din ang nagsisilbing [Air Force] ng [Valhalla], meron din kaming [Mage Corps] kaso nga instead of staves, mga [Magic Rifle] ang hawak nila, mga baril na ginawa ko, improvised na instead of material bullets, magic bullets ang ilalabas nila, same ability lang din ng [Magic Crossbow] except, hindi sila makakagamit ng [Bow Arts] at kinakailangang i-recharge ang mga nagamit na magazine bago magamit uli.

Ang [Navy] naman ng [Valhalla] ay makikita sa may supposed to be Japan, mga [Dragon Rider] din, except, mga water dragon ang sinasakyan nila at may ability ang mga rider na makahinga sa ilalim ng tubig, spear ang primary weapon nila.

Then ang Army, nandito sila sa may [Valhalla], to be paradropped on the enemy country, sila din ang nagsisilbing military police, like every medieval army, halo-halo ang mga sandata nila, merong mga spear user, sword user, bow user, magic user, shield user, etc.

"Oh... so sila pala ang [Air Force]..." sabi ni Carlo.

"Oo, sila ang [Air Force], wala din silang [Navy] kaya nagiging mabilis ang pagsakop sa bansa," sabi ko.

"No way... anong iniisip nila, sa lupa lang mangmumula ang mga kalaban?" tanong ni Carlo.

"Actually, may air force din naman sila, pero... alam mo na, sobrang hina, hindi kasi nila inaasahan ang ganung uri ng pakikipaglaban," sabi ko.

"Now, ngayon, inaasahan na nila," sabi ni Czarina "dahil sa nakapagbigay na ng warning ang bansang iyan diba?" tanong niya sakin.

"Oo, kaya ngayon inihahanda na nila ang [Air Force] nila, in fact, may mga training na sa [Air] battle, dati ginagamit lang nila ang air force nila as some sort of bodyguard for some aerial travel ng royals, but ngayon gagamitin na nila for warfare," sabi ko.

"I see, by the way, ano na nangyari sa may bansang tumawag satin?" tanong ni Czarina kaya pinalagitik ko ang kamay at biglang naging isang malaking screen ang isang pader ng silid at doon, pinapakita ang mga nangyari sa bansang tumawag samin.

"Wow... it's devastated..." sabi ni Czarina nang makita ang capital ng bansa.

"... Wow... sirang-sira... by the way... asaan ang mga tao?" tanong ni Wilmark kaya pinalagitik ko ang kanang kamay at naging isang malaking screen ang isang pader at doon, pinapakita kung paano i-sort ang mga mamamayan ng capital ng bansang iyon sa may mga nagawang mga bayan malapit sa capital town.

"Citizen Registration, pangkabuhayan project, wow... kumpletos rekados, hindi kaya isipin nilang gumamit ka ng dahas para lang masagip sila?" tanong ni Carlo "look, may mga relieved expression ang iba sa kanila."

"Haah... look, ginawa ko ang bansa para talaga sa post-war treatment, hindi ko pwedeng sakupin ang bansa tapos pabayaan na lang ang mga mamamayan," sabi ko.

"Pero akala ko ba, [Rule but never Reign]?" tanong ni Wilmark.

"Rule but never reign nga, but you see, that country... is done for," sabi ko "with the death of the king, magkakaroon na ng civil war, yung mga pesteng noble na balak magluklok ng bagong hari for their own motive, ayaw kong maipit ang mga inosente doon kaya kinuha ko na sila since dahil sakin lalo silang maghihirap, it's for my own satisfaction," sabi ko.

"Pre, hindi ka isang [Hero], isa kang [Anti-Hero]," sabi ni Kevin "wag kang magpalusot."

"Okay, okay, okay," sabi ko "naawa ako sa kanila, naghihirap na nga sila dahil sa corruption tapos maiipit pa sila sa civil war kaya ginawa ko iyon, happy now?" tanong ko.

"Okay, we derailed, balik na tayo sa main topic, ngayong andito na kami, pwede na tayong lumaban in multiple fronts," sabi ni Czarina returning the topic back.

"Yeah, pwede na nga, pero bago yun, ihanda niyo muna ang mga teritoryo niyo, so while your doing that, we'll put the invasion of the mainland on hold."

"Okay, okay, pero ilang taon naman aabutin iyon?" tanong ni Czarina.

"Depende sa inyo," sabi ko.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon