Chapter 005

1.5K 73 1
                                    


"Pre, bagay pala sayo eh," sabi ko binigay na lang sa kanya ang ginawa ko, bago yung casual clothings ko, ganun din ang binigay ko kay Czarina para uniform sila.

"Yeah, thanks," sabi ni Kevin.

"By the way, nilagyan ko yan ng [Perfect Defense] barrier," sabi ko.

"Ano yun?" tanong ni Czarina.

"[Physical Damage Null] barrier, [Magical Damage Null] barrier, [Dragon Slayer], since ayon sa experiment ko, kayang sirain ng [Dragon Fang] ang dalawang naunang barrier, kaya yung [Dragon Slayer] barrier, it nullifies, every dragon attacks," paliwanag ko at binigyan ng dalawang espada si Czarina, ang espada ay isang kodachi, isang ruler ang haba ng talim, at kapansin-pansin na ang kulay ng isa ay pula, at ang isa naman ay asul.

"Twin Blades [Swallow Wings]," sabi ko "ang blue ay [Ice Enchanted], ang pula ay [Fire Enchanted]."

"Cool," sabi ni Czarina.

"Hindi mo na kailangan since may [Astral Weapon] ka diba?" tanong ko, halata sa boses na nagbibiro.

"Pre, may mga report na may mga [Magic Breakers] ang kalaban, ang [Astral Weapon] ay isang uri ng [Magic]," sabi ni Kevin.

"Alam ko, binibiro lang kita," sabi ko at naglabas ng isang [Odachi] sa may [Almighty Storage].

Ang [Odachi], from tip to hilt, ay 150cm ang laki, ang talim ay may habang 120cm, at 30cm naman ang hawakan. Ang kulay ng hawakan ay puti, katulad ng kaluban, at ang talim naman ay kulay itim with a red edge color, giving it a sinister look.

"[Soul Reaper], isang barrier destroying weapon, almost every barrier, kaya niyang sirain, and if you will it, it can cut the soul itself, without destroying the body," sabi ko.

"Almost every barrier?" tanong ni Kevin.

"Yeah, except mine own barrier, I mean, bakit ako gagawa ng weapon na kayang sumira ng barrier ko," sabi ko.

"Right... of course, may counter-plan ka na din about sa [Soul Reap] na sinasabi mo," sabi niya.

"Yup, actually, hindi na ako, tayo tatablan niyan, ang nilagay ko diyan ay [Doom Blade], once activated, magiging [Ethereal] ang blade, but lahat ng walang [Doom Resistance] or below level 9 ang resistance, insta-kill," paliwanag ko.

"Tapos tayo, itong may [Abnormal Status Null], baliwala na ang skill," sabi ni Kevin.

"Yup," sabi ko.

"By the way, paano mo bubunutin yan?" tanong ni Czarina nang ilagay ni Kevin ang espada sa likod.

"Once na activated ang [Doom Blade], magiging [Ethereal] ang blade, basically, lahat ng physical, hindi niya mahihiwa, so, pwede niyang bahagyang higitin ang espada para maalis ang hilt sa sheath, then, yun, na, gets niyo?" sabi ko.

"Medyo," sagot ni Czarina.

"Okay, tara na sa barracks, sasabihan natin yung general," sabi ni Kevin kaya umalis na sila.

"... Okay, yun na yun, wala na akong magawa," sabi ko at ginamit ang [Universal Search] at nanonood na lang ng animè.

***

"Heeh... so, nung natapos niyo ang dungeon, may nakuha kayong bagong skill," sabi ko sa isang classmate a week after nilang bumalik sa palasyo, matapos ang isang excursion, may solemn look ang classmate kong iyon, for sure, nakapatay na ito ng tao.

"Oo, ewan ko ang nakuha ng iba, pero ang nakuha ko ay [Limitless Mana], para sa isang mage na tulad ko, perfect," sabi niya.

"Yeah, perfect nga," sabi ko.

"Sige, mauuna na ako," sabi niya sabay alis.

"... Maybe, I should challenge it later," sabi ko.

The next day...

"So, para makapasok, kailangan, member ako ng guild?" tanong ko.

"Yes, mahirap na kasi, at baka..." sabi ng bantay doon, signifying na baka may [Demon] na makapasok, finish it and finish the [Human] race.

"Okay," sabi ko at agad na nagtungo sa pinakamalapit na guild.

Ang guild ay isang bar like building, no, according sa [Universal Search], it is a tavern, originally, but naging tambayan ng mga adventurers na gumagawa ng mga request for the money, kaya yun, naging [Adventurer's Guild] AKA Guild.

"Excuse me, gusto kong magparehistro," sabi ko sa babaeng nandoon at lahat ng mga tao sa loob, tumingin sakin, alam ko dahil sa [Keen Sense].

'Haah... sana, walang clichè thing na mangyari like maghanap sila ng away,' sabi ko sa isipan.

"Okay, may bayad ang registration, 7,000z," sabi ng receptionist.

'7,000z? What the heck is that?! [Universal Search]!' sabi ko sa isipan at hinanap ang pera dito at napag-alaman na may limang barya dito sa [Seria]; Iron Coins that is equivalent to 1z; Copper Coins that is equivalent to 100z; Silver Coins that is equivalent to 10,000z; Gold Coin equivalent to 100,000z; then, Mythril Coin, equivalent to 10,000,000z.

'Nagback-fire ang madalas kong gawin for the past days,' sabi ko sa isipan kasabay ng pag-lapag ng seventy copper coin pieces.

"Okay, I recieved the payment," sabi ng receptionist at biglang naglapag ng isang card "pakipatakan ng dugo," sabi niya kaya pinatakan ko iyon at nakitang magically, nagkaroon ng mga laman ang baraha na kasing laki ng isang debit card, surprisingly, pati ang kulay ng card, nagbago, naging kulay itim iyon, with white letter color, at nang makita iyon ng babae ay biglang nanigas ang ngiti niya.

"Ahh~ what a clichè," sabi ko at tinignan ang card na naglalaman ng perfect replica ng status ko, skills lang ang wala.

Sa harapan ng card, pinapakita ang name, age, sex, race, level, atk, def, spd, acc, mgc at mgd; sa likod naman ay ang mga equipments ko, meron ding space na parang ginawa para sa log.

"Hindi mo, ipapaliwanag?" tanong ko.

"Ahem," sabi niya "okay, sa front panel ng card, makikita niyo po diyan, ang pangalan niyo, edad, lahi, kasarian, level, atk, def, acc, spd, mgc, at mgd; sa likod naman po, makikita niyo doon ang mga suot niyong equipment, lahat ng mga may zero defense value ay hindi kinokonsidera ng baraha na isang equipment, kusa-kusa na ding nirerecord ng baraha ang lahat ng mga napatay mong halimaw, mga kinuhang quest, kung naging success ba iyon or failure; kusa-kusa ding nag-iiba ang kulay ng card at nakadepende iyon sa level ang lowest color ay purple, then, magiging yellow, green, blue, red, silver, gold, ang highest ay black," paliwanag niya.

Pinaliwanag niya din ang rules, such as kukuha sila ng 10% sa reward para sa request fee, hindi nila papaki-alaman ang away ng dalawang adventurer, etc, etc.

"Aba, akalain mo nga naman, may bagong salta—" sabi ng isang lalaki sabay tayo, hindi ko na pinatapos pa ang lalaki, at agad na siyang pinatulog by using [Blink] to reproduce shukuchi, yung biglang pagpunta sa harapan ng kalaban, and a fist in the stomach, I properly hold back, kaya nakatulog na ang lalaki and using [Blink] once again, bumalik ako sa harapan ng receptionist, na naninigas ang ngiti.

"Okay na? Salamat," sabi ko at kinuha na ang card at dali-daling umalis, pinakita ko talaga ang kulay, para naman layuan nila ako, ayaw ko sa away.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon