Chapter 81

576 27 0
                                    

Isang taon na ang lumipas simula nung makapasok na sila sa loob ng [Aincrad], smooth na ang pagconquer nila, salamat sa world wide scale alliance, nagagawa ng bawat bansa na mag-focus sa may pagtalo sa dungeon namin. Slow and steady ang pinili nilang method, umarkila na rin sila ng mga [Explorer], [Magician] at [Warrior] para sa dungeon exploration, kinontrata din nila ang ilang [Trader] at [Alchemist] para mabigyan ng steady source ng supplies ang mga nasa loob ng [Aincrad], marami naman ang natutuwa dahil sa mga nakukuha nilang treasures na nasa [Artifact] class kaya walang umaayaw sa halip, mataas pa ang morale, after all, ginamit ng mga hari ang cliche method na pabuya ang pabuya ay ang kamay ng prinsesang mapili nila mula sa mga dinukot namin. And so, after a year simula nung mapasok na ang [Aincrad]... nasa tenth floor pa lang sila kalaban ang isang named monster, by the way, isang trivia, simula sa floor 41 hanggang 50, boss rush na, ang buong floor na yun ay isang boss room, ang kalaban sa 41 to 45 ay ang revived [Five Guardian Beast] of course like in games, power-upped din sila, then sa floors 46 to 50 naman ay kami nina Kevin.

"Mukhang yayayain na ni ikemen si liit sa harem niya," sabi ko habang pinapanood sila.

"Mukha nga," sabi ni Czarina.

"Hindi iyan tatanggapin," sabi ni Lana with a face full of confidence.

"Mi-chan," tawag ng hero kay liit.

"Bakit?" tanong ni liit habang nililinis ang [Akatsuki].

"Uhmm... you know..."

"Kung magko-confess ka, wag mo na ituloy, basted ka na," sabi niya.

"Wha-" gulat na sabi ni Ikemen pati ang mga nakarinig nagulat din dahil in the past days, malaki na ang harem ni ikemen, around 200 na ang babae niya, at ang ilan doon ay may mga anak na or magkaka-anak na.

"Hindi ako magpapatali sayo," sabi niya "kung noon, pwede pa, pero may taong bumihag na sa puso ko," sabi niya kaya napatawa ako pati sila Czarina.

"May maipang-aalaska na ako kay liit," sabi ko.

"Maari bang malaman kung sino?" tanong ni ikemen.

"Sorry, pero hindi ko masasabi," sabi niya "marami pa akong gagawin bago ko masabi," sabi niya.

"I see... then, maari ba tayong manatili na lang sa pagiging magkaibigan?" tanong niya kay Ikemen.

"Ayoko nga," sabi ni liit na ikinagulat ni Ikemen "kapatid ang turing ko sa'yo tapos ipabababa mo sa kaibigan? Ayaw ko nga," natatawang sabi ni liit kaya napatawa na din si Ikemen.

"Yeah, right," sabi ni Ikemen.

"by the way, sino ang legal wife sa kanila?" tanong ni liit at inisa-isa ang mga babaeng hero.

"Ah, walang gusto si Lulu sakin, sabi niya meron na daw siyang napupusuan, isang lalaking nagligtas sa kanya nung napahiwalay siya satin," sabi ni ikemen at lahat sila ay napatingin sakin dahil ako ang nagligtas sa babaeng yun, I mean, rescue target siya, kaya matapos kong maihatid siya sa mga kasama kasi napahiwalay siya salamat sa metastasis trap ay umalis na ako.

"Yung lalaking hinahanap niya?" tanong ni liit with a cramp on the face dahil kilala niya yun after all, dinescribe sa kanila ni Lulu ang sumagip sa kanya, mainly ako.

"Yeah, pero walang nakaka-kilala sa lalaking yun sa bawat basecamp na mapuntahan natin," sabi ni ikemen "and speaking of which, ayan na siya mula sa pagtatanong."

"Any luck?" tanong ni liit at umiling si Lulu "wag ka mag-alala, magkikita din kayo, kung conqueror siya ng dungeon, magkikita din kayo."

"Lana..." sabi ko.

"Yes, member si Lulu, siya ang isa sa 20 generals, nasa ilalim siya ng pamumuno ni [Legal Wife]," sagot ni Lana alam na ang tanong ko.

"Pre, good luck," sabi ni Kevin na natatawa.

'Akala mo... sige, akala mo ha, once na mapanood na nila ang laban mo, ibebenta kita sa mga babaeng nandito,' sabi ko sa isipan.

***

<<Liit, may cake kami dito~>> sabi ko telepathically kay liit, nakikisabay sa pagdiriwang nila sa pag-akyat sa 30th floor a good few years later.

<<What we have here is [Black Forest Cake], [Strawberry Shortcake], [Mocha Cake], [Double Layer Chocolate Cake], and many more~>> pang-iinggit ko kasi ang kinakain lang niya doon madalas is hard bread or dried meat.

<<Tirahan niyo ako!>? sabi ni liit <<kunwaring mamatay ako, malapit nanaman sila so tirahan niyo ako!>>

<<Bilisan mo~>> sabi ko.

<<Mimi, bilisan mo, buntis na si Lilith,>> singgit ni Lana sa telepathy line namin.

<<Lana?! Paano ka nakapasok sa linya, at anong pinagsasbi mo?! I made sure not to cum inside!>> sabi ko.

<<Rafael... mag-antay ka lang pagbalik ko, pagsisihan mo ang mga ginawa mo,>> sabi niya.

<<Si Lana ang may gawa, sabi niya okay lang, besides asawa ko na din si Lilith, ginawa na namin ang marriage pact!>> sabi ko at nakita ko sa screen na sumenyas siya ng [You Are Dead] at dahil alam ng halos lahat kung sino ang sinasabihan ni liit napatawa ang iba.

***

"Ilang taon na tayo dito?" tanong sakin ni Czarina.

"Ewan, I lost count," sagot ko habang pinapanood ang mga conqueror na labanan ang floor 40 boss.

"Tingin niyo, sino ang namumuno sa bansa kung lahat ng hari andito at lumalaban?" tanong ko.

"Wag mo akong tanungin, siguro ang prime minister?" sabi ni Kevin.

"Siguro nga," sabi ni Maria.

"YEAH!" sigaw ng mga conqueror, ang tawag namin sa mga lumalaban sa dungeon na salamat sa kani-kanilang experience dito, nasa level 250 na ang average level, matapos nilang mapatumba ang floor boss.

"Tara na! Sa floor 41!" sabi ni Ikemen.

"Ou!" sigaw nila mataas ang morale kaya hindi namin mapigilan ang ngiti in anticipation sa makikita nila.

***

"Ano ito, ang dilim," sabi ng isang hari nang makarating na sila sa floor 41 at nang makapasok na ang lahat ay biglang nagkaroon ng apoy ang mga sulo na nakapaligid at nang makita na nila ang buong 300x300 floor ay...

"Oh hinde," sabi ni Lulu nang makita si Genbu, nag-aabang.

"BOSS AGAD!" reklamo ni Ikemen.

"Atras! Baba!" sigaw ng isang hari kasabay ng pagsigaw ni Genbu.

"Wow... buti hindi nagkaroon ng stampede," sabi ni Maria nang makababa na ang lahat pabalik sa floor 40.

"Gawing basecamp ang kwartong ito!" sabi ng isang hari "hindi na naman nabubuhay ang mga namumuno sa bawat palapag, kaya gagawing base ito, ngunit sa ngayon, babalik tayo sa may pinakamalapit na base, kailangan nating magpulong!"

"Malapit na," sabi ni Kevin hype na hype na.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon