Chapter 77

549 22 0
                                    

Many months later...

"SAWAKAS!" sigaw ko habang nanonood ng mga nangyayari sa babae gamit ang laptop, pinilit kong magsilabas ang mga nagtago sa kwarto kaya ngayon, everyday, ang pinapanood namin ay ang adventures ng hero&co, basically sina ikemen and friends, may mga R-18 na nangyari sa kaniya at sa mga party members niya at lahat ng mga babaeng nakapanood, namula ang mukha, as for the reason kung bakit ako napasigaw ay sa wakas, natapos na nila ang isa sa five guardian beast dungeon after many months, to be frank, kung hindi ko pa sasabihin sa kanila ang tungkol sa dungeon while disguising as the villager A, hindi nila matutuklasan ang tungkol sa dungeon na yun.

"Natapos na nila yung kay [Genbu]," sabi ni Maria "at nakuha ang [Gravity Blade], [Anti-Gravity Boots], [Turtle Shield] at [Turtle Shell Armor]."

"Gravity Blade?" tanong ng princess knight.

"Ah, isang espadang ginawa ng kumag na iyan, ang ability ng espada is makontrol ang gravity ng mga malapit sa kanya, basically, kung hawak ka ng user, kaya niyang maihagis ka ng walang kahirap-hirap, kaya niya ring mapabigat or mapagaan ang bigat ng espada," paliwanag ni Kevin.

"Wow..." sabi nila at tahimik na uli kaming nanonood, naputol lang for snack time.

***

"Medyo boring," sabi ko a few months after na matalo ng hero&co. ang dungeon ni [Genbu] at ngayon, hinahanap na nila ang mga dungeon na magbubukas sa waypoint by conquering every dungeon.

"Kung bigyan ko na kaya sila ng mount?" tanong ko.

"Hmm... I think hindi na kailangan," sabi ni Maria at nakita ko sa screen na may lumapit na isang [Dragonoid] sa hero company.

"Ah, si kuya," sabi ng [Dragonoid Princess] na dinukot ni Kevin.

"Yep, hindi na nga kailangan," sabi ko at narinig mula sa T.V ang tungkol sa nakita nila sa may sentro ng mundo.

"Ohh... I'm so excited~" sabi ko hindi mapigilan ang excitement dahil natuklasan na nila ang tungkol sa waypoint.

"Bababa ako," sabi ko "ibibigay ko na ang mga impormasyon sa mga great dungeons."

"Master, ingat sila sayo," sabi ng isang maid na hindi ko pa nakikitang hindi wala sa tabi ko everytime na magigising ako sa umaga.

Nang bumaba na ako sa lupa ay agad akong nagpunta sa may waypoint, in fact, sa may ilalim ng lupa, transforming myself to a water dragon that look excatly like seiryuu, pumaibabaw na ako.

"Woah!" sabi ni ikemen sabay bunot ng mga sandata.

<<Hmph, tama nga ang panginoon, masyado kayong mahina, sa puntong nakaka-awa na kayo,>> sabi ko direkta sa isipan nila <<pero tandaan niyo ito, hindi porke't natalo niyo na si [Genbu] ay magagawa niyo kaming matalo.>>

"SINO KA!" sigaw ni ikemen.

<<Ako si Seiryuu, ang isa sa limang tagapangalaga ng entrada upang makapasok sa [Aincrad],>> sagot ko kay ikemen <<naramdaman ko na may kung sinong pangahas ang nagpunta sa may entrada kaya naman nagpunta ako dito, pero hindi ko inaasahan na makikita ko dito ang mga mahihina niyong sarili,>> proboka ko na kinuha ng dragonoid na agad na nagpalit anyo sa dragon at sinugod ako but with a swat of my tail, tumalsik siya at nagpadausdos sa tubig ng sampung beses.

<<Hmph, mga walang kwenta,>> sabi ko at nakitang kong ikinuyom ni ikemen ang mga kamay bago siya pasigaw na sumugod <<futile resistance,>> sabi ko at winasiwas uli ang buntot knocking them all out, kasabay nun ang pagbalik ng dragon na agad kong pinatulog, at nang makumpirma ko ng wala na talaga silang malay ay nagpalit nagbalik na ako sa orihinal kong itsura.

"Oi, liit! Nanonood ka diba? Ikaw na magpunta dito," sabi ko kasabay ng biglang pag-teleport ni liit sa may isla.

"Bakit ako?" tanong niya.

"Kasi, mas paniniwalaan nila ang salita ng isang kaibigan diba? Just tell them, your working behind the scenes," sabi ko at nag-teleport na ako pabalik sa living quarters.

"Good work," sabi ni Kevin.

"Master," sabi ng maid sabay abot sakin ng tsaa.

"Thanks," sabi ko.

"May tanong ako, bakit hindi niyo pa sinakop ang mundo at ginawa pang ganito ang lahat?" tanong sakin ng reyna.

"Well, ayaw kong maging emperor ng isa pang mundo, tama na sakin ang isa," sagot ko.

"Tama na ang isa?" tanong sakin.

"Oo, emperor ako ng [Emperio de Alumno] na makikita sa ibang mundo," sabi ko "pinadala dito para lang pigilan ang mga walang kwenta niyong giyera sa utos ng pitong tagapangalaga."

"Master, maari bang isama niyo ako sa mundo na iyon kapag babalik ka na, nais kong pagsilbihan ka pa," sabi ng maid.

"Kami din po, Master," sabi naman ng iba pang maids.

"Oo nga pala, pagtapos nitong lahat, babawiin namin ang mga binigay kong laptop sa inyo, kung hindi namin makukuha, sisirain ko ang lahat," sabi ko na ikinabigla ng mga dinukot namin, after all, captivated na sila sa anime, online games, manga, ebooks, basically, full fledged hikkineets na sila at hindi kayang mabuhay pa kapag wala ang net.

"Sasama na lang kami sa'yo," sabi ng isa sa goblin sextuplet princesses.

"Eh?" gulat kong sabi.

"Hindi na namin kayang mabuhay ng wala ito, kaya sasama na lang kami sa'yo," sabi nila at doon na nagsimula ang mga sunod-sunod na pagsabi ng pag-sama nila sakin.

"Pati ba naman ikaw?!" sabi ko nang sinabi din ng reyna na sasama siya sakin.

"Hindi ko na kayang mabuhay kapag wala ang bagay na ito," sabi niya sakin "kaya sasama ako sa'yo," sabi niya.

"May asawa ka na diba?! Paano ang tungkulin mo sa kanya?!" sabi ko.

"Wag ka mag-alala, ako ang ikalawang reyna," sabi niya "kaya kahit na mawala ako, walang mababago," sabi niya sakin kaya napa-facepalm na lang ako.

"FINE! PERO WAG NIYO ASAHAN NA HINDI KO KAYO PAGTATRABAHUHIN!" sabi ko sa kanila "GAGAWIN KO KAYONG UTUSAN NG KUMPANYA KO, KAYA MAGHANDA KAYO!"

"Master, dadalhin ko ang anak mo," Sabi ng maid.

"WHERE DID THAT CAME FROM?!" sabi ko.

Kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi nila sakin na nakaka-praning while my three other friends were watching in the sidelines, rolling on the floor laughing, kaya naman ang sarap sipain, at nang malaman iyon ni liit, sinabi niyang siya ang mamimili ng mga dadalhin ko sa ibang mundo, sasabihin niya once na matapos na ang lahat earning me a time to actually think about whom to take with me kaya naman ang laki ng pasasalamat ko sa kanya.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon