Chapter 096

509 21 0
                                    

Kakatapos lang ng recess namin nang biglang magkaroon ng magic circle sa may sahig ng classroom, at dahil doon, marami ang nag-panic.

<<Rafael! May isang tangang dudukot sa ilang mga tao para gawing kung ano man niya sa kabilang mundo, at nasa malapit sa inyo ang lokasyon, kaya mo bang tignan or at least sumama para maging scout namin tapos kami na ang bahala,>> sabi ni Flamma sakin.

<<No need, nasa lugar na ako, in fact, masasama kami eh,>> sabi ko at doon na naputol ang linya dahil nabalutan na kami ng liwanag at nang mawala na ay nakita namin ang sarili sa isang shrine like room, surrounded by females wearing a see through clothings.

"Haah..." buntong-hininga ko at tinignan sa map ang mga tao sa loob at nakitang lahat sila ay mga pula.

<<Mimi, maliban lang sa mga miyembro ng simplicity, iiwanan natin sila, lahat tayo aalis na,>> sabi ko sa isipan.

<<Paano ang iba?>> tanong ni Mimi.

<<I don't actually care about them, in fact, ang mga talagang gusto ko lang iligtas ay sina Wilmark at Carlo, pero dahil nasama ang buong section emerson, isasama ko na ang [Simplicity],>> sabi ko.

<<Okay, pero kung ayaw nilang sumama, hindi ko na problema okay,>> sabi ni Mimi.

"Pre," tawag ko kina Wilmark at Carlo sabay hila sa suot nilang polo habang nagsasalita ang isang archbishop like person.

"Bakit?" tanong ni Wilmark.

"Wag ka maniniwala sa kanila, aalis na tayo agad dito, wala akong tiwala sa kanila," sabi ko.

"Parehas tayo ng felling," bulong ni Wilmark.

"Paano mo nasabi?" tanong ni Carlo.

"Mamaya na lang, basta feeling ko talaga masama ang grupong ito, mas maganda kung aalis na tayo agad," sabi ko.

<<Sasama si Marcel,>> sabi ni Mimi.

<<Si Marcel lang?>> tanong ko.

<<Yeah, I mean, tignan mo lahat ng classmates natin, hynotized na silang lahat, si Marcel lang na kinakausap ko kaya hindi nagawang makinig sa arsobispo,>> sabi ni Mimi.

"I see, no wonder," sabi ko at napangiti na lang at dahil sa kalitohan, napatingin lang sakin sina Wilmark at Carlo.

"Tara, tumabi tayo kina Marcel," sabi ko.

***

"Houh... ang daming heroes ang natawag," sabi ng isang lalaking naka-upo sa trono, may katabaan at nakasuot ng isang magarbong damit.

Pinaliwanag niya samin na tungkol sa pagsakop ng demon lord sa bansa nila, at kung paano sila naghihirap, kung paano nahihirapan ang mga mamamayan, etc, etc, etc.

"Sorry, wala akong paki-alam diyan, hindi namin mundo ito sa can I go now?" sabi ko nang matapos ang lahat ng explanation.

"Lapastangan!" sabi ng prime minister.

"Haah... Lapastangan? Kayo itong lapastangan," sabi ko "dudukutin niyo kami tapos aasahan niyo na papayag na lang kami sa mga gusto niyo? Tanga ba kayo? Anong mapapala namin kung gagawin nga namin iyan ha? Babae? Pera? Kapangyarihan? Sorry, pero babae? With my powers I can attain that easily, pera? With my own powers, I can do that so very easy, power? I have my own special power, who needs a political power; see what I mean, wala akong mapapala dito, so aalis na ko, yung mga sasama sakin, tara na," sabi ko at naglakad na palayo under the watchful eyes of the soldiers at tulad ng inaasahan, ang mga naglakad lang ay sina Wilmark, Carlo, Marcel at Mimi.

"May sumusunod satin diba?" sabi ko.

"Yup, well then, shall we?" tanong ko at tumango si Mimi kaya ginamit ko na ang mass teleportation at umalis na sa capital.

Ang pinagbagsakan namin ay isang gubat, in fact, ayon sa [Map] ko, nasa gitna kami ng isang masukal na gubat na puno ng mga level 300 monster in the least.

"Okay, malayo na tayo sa palasyo," sabi ko.

"W-wow... anyare?" gulat na tanong ni Carlo.

"Mimi," sabi ko.

"Bakit ako," sabi niya pero pinaliwanag pa rin na napunta na kami sa ibang mundo noon at nagkaroon ng mga special powers known as [Skills], etc.

"Kami? Meron din bang skills?" tanong ni Carlo, halata sa boses ang excitement.

"Wala, pero tumaas ang basic status niyo such as ATK, DEF, ACC, SPD, MGC at MGD," sagot ko cooling down his excitement "pero si Marcel meron," sabi ko "[White Magic] X," sabi ko.

"White magic X?" tanong ni Marcel.

"Basically, isang max level white magic AKA recovery magic," sagot ko.

"Oh~ healer!" sabi ni Carlo.

"Tapos si Rafael ang [Crafter] natin," sabi ni Mimi.

"Hoy! Ilalagay mo nanaman ako sa loob ng workshop!" sabi ko na tinawanan niya.

"Haah... anyway, first of all, kailangan muna nating gumawa ng HQ," sabi ko.

"Well, 500 leagues away from here ay isang bayan," sabi ko "doon tayo pupunta."

"Gusto ko din ng [Map]," sabi ni Wilmark.

"Yeah, pero bago iyon," sabi ko at gumawa ng isang [Gate] at nang pumasok kami doon ay nakita namin ang isang batang babae, around five years old, meron siyang suot na circlet at ang damit niya ay katulad ng sa mga suot ng mga greek goddess na madalas na nakikita sa portrait.

"Hoy, stupid bitch," tawag ko sa bata na napahiyaw.

"A-anong kailangan mo?" natatakot niyang tanong.

"Annoyance fee," sabi ko at pinalagitik ang kamay at bigla na lang siyang nakadena sa may inuupuan niya.

"Hii!! Anong gagawin niyo sa isang goddess na katulad ko?!" sabi niya.

"Nothing much, sisiguraduhin ko lang na hindi mo na magagawang paki-alaman pa ang mundo sa ibaba," sabi ko at ginamitan siya ng [Infinite Prison] bago alisin ang kadena.

"Ano ito! Anong ginawa mo! Hindi ko na magamit ang kapangyarihan ko!" sabi niya.

"Well, kasi sealed ka na," sabi ko "as long as buhay pa ako, then mananatili kang sealed, unfortunately, hindi ako basta-basta mamatay," sabi ko "at kabayaran iyan sa biglang pagdukot mo samin without doing proper procedures," sabi ko.

"Okay, okay, kami na ng bahala," sabi ni Ventus na biglang sumulpot kasama sina Flamma at ang iba pa.

"Ventus, favor naman, bigyan mo sila ng blessings kahit isa lang," sabi ko at tinuro ang tatlong kaibigan.

"Haah... okay, fine," sabi ni Ventus "ayan lahat na sila may [Magic Manipulation], magagawa na nilang ma-control ang magic power nila, now ano na gagawin niyo?" sabi ni Ventus.

"Andito na rin naman kami, maglalaro na rin kami, at the same time, ililigtas na ang mundong ito hanggang sa mabagot ako."

"Okay, ingat kayo," sabi ni Ventus "by the way, ginawa kong makikita nila ang mga status nila at skills katulad ng sa nakikita niyo ni Mimi, but I think iba ang paraan ng measurement nila, tignan niyo na lang," pahabol niya nang bumalik na kami sa lupa.

Class Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon