"Haah..." buntong-hininga ko.
Ang current year 2016, ang taon na kung saan nagsimula na ang lahat. Napabuntong-hininga ako dahil hindi ko alam kung ano ang mga gagawin ko once na pumasok na ako sa loob.
"Bilisan mo, pumasok ka na sa loob," sabi ng isang babae sabay tulak sakin papasok sa pinto ng classroom shutting everyone up.
"Long time no see, leader," sabi ni Sergio with a smug look.
"Leader, you did something amazing in these past days," sabi ni Kyle.
"So, ano kayo? First run?" tanong ko.
"Third run namin," sabi ni Maria "kami yung original na nakilala mo," sabi niya.
"Kaya pala hindi ko nakuha yung mga ulti niyo," sabi ko "sumunod kayo," sabi ko "but third time?" tanong ko.
"Yeah, actually nakuha mo na ang timeline na gusto mo, isang perfect peaceful [Seria], pero ayaw mong mag-sakripisyo ng mga piyesa, basically, yung mga taong nandito kaya pinadala mo kami ni Mimi dito to make it a true perfect, with zero general class casualty on our side," sabi ni Kevin.
"Haah... aasahan ko kayo," sabi ko sbay ngiti.
"By the way, ready na? Yung [Valhalla]?" tanong ni Czarina.
"Oo," sabi ko at naglakad na papunta sa isang bakanteng upuan at nilagay doon ang bag "nagsisimula na din ang giyera."
"Sino ang inuuna mong sakupin?" tanong ni Maria.
"Well, ang sinasakop ko ay ang mga nasa labas ng main continent, kaya wala pa akong kinakalaban na main country, pero dahil doon, nakuha ko na ang lahat ng kailangan ko," sabi ko.
"For the emergence of the fourth power country," sabi ni Kevin kaya napa-ngiti ako.
"Tara na, by the way-"
"Ang summoning? Mamaya na yun, after lunch break," sabi ni Maria "ang bansang tatawag satin ay isang bansang puno ng mga ganid na nilalang, at babalakin tayong gawing mga alipin."
"Hah! As if naman na kayanin nila," sabi ko kaya napatawa ang lahat ng mga andoon.
***
Nang matapos ang lunch break, lahat kami ay nasa may classroom namin, nag-aabang, lahat ay nakasuot sa kani-kanilang mga serious equipments na nakuha nila nung first run nila or better yet ang second run nina Mimi. While I on the other hand, suot din ang mga serious equipments ko, nakasandal sa may pader, nasa likod bewang ang [Cloudburst] at hawak sa parehong kamay ang [Suzaku] at [Quillin], nag-aantay na magsimula ang summoning. Minutes later, nabalutan na kami ng liwanag at nang mawala na ay nasa isang throne like room kami.
"Oohh... ang dami ng natawag natin," sabi ng isang bishop like na tao.
"... Okay, tara na," sabi ko at nagsimula ng maglakad palayo.
"Wha- kayo! Saan kayo pupunta!" sabi ng isang gaudy king like na taong nakatayo sa may tapat ng trono.
"Aalis na, wala kaming paki-alam sa sitwasyon niyo," sabi ko "pero kung balak niyo kaming pigilan, sisimulan na namin ang giyera sa bansa niyo."
"Anong pinagsasabi niyo..." sabi ng king like person.
"Hmph, [Four Heavenly Kings] pumarito kayo!" sigaw ko at biglang nagkaroon ng apat na magic circle sa paligid ko.
"Summoning?!" gulat na sabi ng bishop like person nang magliwanag ang mga magic circle.
Nang mawala na ay lumitaw ang apat na tao, isang [Human] na nakasuot ng isang full-body armor at sa mga kamay niya ay isang bastard sword na hinahawakan niya gamit ang isang kamy at sa kabila naman ay isang kite shield; ang isa naman ay isang [Dragonoid] na may nakasuot din ng armor pero more on mobility ang sa [Dragonoid] at sa kamay niya ay isang sibat; ang isa naman ay isang [Beastman] na isang [Tigerman], ngunit kumpara sa mga normal na [Tigerman], isa siyang antavism dahil isa siyang white-tiger, ang armor niya ay leather armor specialized in mobility and fast attacks, wala siyang mga sandatang madaling mapansin ngunit sa kanyang mga braso, makikita ang isang pares ng guwantelete; ang ika-apat naman ay isang lalaki from [Demon] race, isang taong maihahalintulad sa [Harpy] ngunit kumpara sa mga normal na harpy, ang bird parts lang niya ay sa may paa at ang pakpak niya sa likod at sa kamay niya, makikita ang isang longbow.
"Your majesty, I, Genbu, has arrived," sabi ng knight like person kasunod ng pagluhod niya siya sa isang tuhod, ang tinatawag na knightly kneel ng ibang tao, pero ang official term ay genuflect.
"I, Seiryuu, has arrived," sabi ng dragonoid sabay genuflect.
"I, Byakko, has arrived," sabi naman ng beastman sabay genuflect.
"I, Suzaku, has arrived," sabi ng demon sabay genuflect.
"We the four heavenly kings await your orders," sabi nilang sabay.
"Conquer this country in the name of [Valhalla]," sabi ko.
"As you wish," sabi nila sabay tayo at naghanda sa pakikipaglaban.
"Tara na," sabi ko at gumamit ng [Mass Teleportation] at dinala ang buong klase sa may [Valhalla].
"Welcome back, your majesty," sabi ng isang babaeng [Werebeast].
"Ah, na-miss ko siya, ang [Headmaid] at the same time [Combat Maid Captain], serving under [Sebastian] the steward of the [Valhalla] castle," sabi ni Czarina.
"Sakuya, sila ay ang iba pang mga [General-Class] na kinuha ko, kung mamaliitin niyo sila, magagawa nila kayong mapatay," sabi ko "after all, matatawag din silang [Supreme Being], specially, si Czarina, Kevin at Maria."
"Masusunod po," sabi ni Sakuya.
"Disperse," sabi ni Czarina at isa-isa ng umalis ang mga classmates ko, kasama ang mga ilang battle maids.
"By the way, baka hindi niyo alam, kung haharasin niyo sila sexually," sabi ko.
"Wag na, alam namin ang mangyayari," sabi ni Stephen.
***
Currently, nasa may conference room ako, sa conference room, andoon ang isang malaking bilugang mesa, ang nakakatuwa lang sa mesa ay hindi iyon normal, sa halip, pinapakita noon ang buong mapa ng [Valhalla], pinapakita din doon kung ano ang mga nangyayari like sa may ginagawang baryo two kilometers away from the castle town, pinapakita noon ang buong nangyayari sa bansa.
"Kukunin ko ang area na ito, sa last run, ito din yung kinuha ko," sabi ni Maria at kinuha ang western side ng [Valhalla].
"Sakin ang northern area," sabi ni Kevin.
"East is mine," sabi ni Czarina.
"Kanino yung south?" tanong ni Kevin.
"Open for grabs," sabi ko "kaso medyo mahirap paunlarin ang lugar."
"Considering na ang makikita mo sa south ay mga dungeon na naglalaman ng mga normal metals, of course, mahirap talaga, but once you did, magiging magandang lugar iyan," sabi ni Czarina.
"Hmm... may naiisip akong tao, kaso, ayaw niya sa management," sabi ko.
"Ahahahaha, tulad mo, kaya ka gumawa ng prime minister class unit para lang sa management ng lugar diba? Gumawa ka din ng strategist class units kasi tinatamad kang gumawa ng strategy," komento ni Kevin.
"Yeah, tulad ko," sabi ko kaya napatawa sila.
BINABASA MO ANG
Class Of Heroes
FantasyRafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to live a lazy life until its time for their deportation, but he got bored and made his move. The seco...