Short Stories 2

25 0 0
                                    



Story #1

Shared by jepoy


Lahat nang naging maids namin (lima) may nakita sa house namin. I don't believe it dati na merong mumu sa house namin kasi kami ang unang tumira dito. My sisters saw it November 1 or 2 1993 habang nagkukuwentuhan kami sa dining table about the Magandang Gabi Bayan ghost stories. Two of my sisters napatingin sa bintana (sa tabi ng table) tapos nagkatinginan sila. They saw a shadow (black apparition) walking.

Sa room ko naman palagi akong nagigising pag 1:30 ng madaling araw. Gumagalaw ang bed ko, e ako lang ang tao sa room. Almost every day ganun ang nangyayari. Tinutulugan ko lang. One night, hindi ako natulog ng maaga hinintay kong mag-1:30am baka kasi naaalimpungatan lang ako nun e. Mga 1:20am e umupo na ako sa kama, abang-abang. Pagpatak ng 1:30am umaalog na ang kama ko. After a minute or so titigil naman. Hindi ko nalang sinabi sa mga kapatid at parents ko. Nalaman din nila first hand nung nag-ojt ako at hindi ako natulog sa bahay for two months. My older sis and my younger sis palitan sila matulog sa bed ko. Nung nagkwento ako na inaalog yung kama ko every 1:30am nakita ko ang reaction nila, sabay lumaki ang mata at sabay silang nagkwento na nagigising daw sila tuwing ganong oras at nararamdamang inuuga ang bed.Yung katulong namin nag-aayos ng damit sa aparador ko. May kumalabit sa kanya minura nya akala nya yung isang katulong namin at kinukulit sya. Kinabukasan paggising nya ang dami nyang kalmot sa katawan.

Minsan naman yung platito umiikot mag-isa sa kusina.

I often see a shadow walking around the house pag gabi. Adolescent, siguro mga 4 ft in height. Prominent sya sa room ko at sa bintana sa labas ng room ko. Napanaginipan ng nanay ko and she said na Enteng daw yung name ng bata.Napa-bless na namin ang house namin a year after it was made mga 1990. So ang ginawa nalang namin we offer a candle and prayers. Nawala naman yung mga kababalaghan na nangyayari. Sa ngayon wala na kaming nakikita na extra ordinary. Ewan ko lang kung inaalog pa rin ang kama ko. Lumipat na ako ng room e. Youngest brother ko na ang natutulog dun ngayon. Ayokong ikwento sa kanya baka matakot at makitulog sa akin hehehehe.Haba ng kwento ko pero prayers lang ang katapat niyan. Offer a prayer for "it". Prayers ko nga medyo malakas e (may tunog hindi yung sa isip lang) para alam nya na sa kanya yung prayers na yun hehehe. Gumana naman e.

Story #2

Shared by IceColdBeer

Wife ko may mga mumu experiences sa dorm nila dati, nakakakita din kasi un. Nangyari noon, estudyante pa lang kami at hinatid ko siya sa dorm after our date. Nung pumasok na siya at malapit na siya sa room nya nakita nyang may pumasok dun sa kalapit kwarto nya, so pinuntahan nya kasi akala nya dumating na yung dormmate nya at kukumustahin sana nya ang bakasyon nung friend nya. Nung nasa tapat na sya ng room nung friend nya, nakita nya nakapadlock ung door hehehehe. Takbo si esmi!

Story #3

Shared by yssa

Nung bata pa ako naalala ko na meron akong naging yaya, aside from dun sa matagal kong naging yaya. Itong yaya na sinasabi ko, naaalala ko sya ang nagpapatulog sa akin sa gabi. She will lead me to my bed and she's gonna ask me what kind of stories would she tell before I sleep. Ang galing nyang magkwento at mabait sya sakin pero she does not look attractive, maliit sya parang konti lang ang difference sa height namin nun e elementary pa ako nun, shoulder length ang buhok, medyo luwa ang mata at medyo may pagkakuba sya. Last year lang, just last December when we got to my parent's house for a reunion was I able to ask of that yaya and described her but my parents said na wala akong naging yayang ganun at wala rin kaming naging maid na ganun sa description ko then in my mind, I asked "who could she be?"...

May third eye din kya ako?

When I was in high school naman, merong kwarto sa bahay namin noon na ayaw kong pasukin. It was my eldest brother's room. Ni ayaw kong magtagal sa loob, especially, ayaw kong tumingin sa likod ng pinto kasi I feel uneasy, basta natatakot na ko nun. Hanggang may lagi na akong napapanaginipan, parehong eksena at nandun ako sa panaginip ko at pinapanood ko yung incident pero hindi nila ako nakikita. May live-in partners daw dun sa bahay at nag-away, naghabulan at dun sa kwarto na yn kitang-kita ko na pinatay nung lalaki yung babae, yung babae duguan sa likod ng pinto. Hindi ko sinasbi sa parents ko hanggang sa may narinig kaming kwento na may dating tumira na live-in partners at tragic nga ang nangyari sa kanila.

Sa parehong house, sa kabilang room (my bedrooom), I always dreamed of myself dreaming ulit, tapos always yun, hirap na hirap akong gumising feeling ko talaga struggle akong makapunta lagi ng door para makalabas sa room. Paggising ko, hingal na hingal ako pero binalewala ko naman yun.

Meron din, high school din ako. Napaniginipan ko rin, somebody showed kung ano ang nagyari sa kanya sa Baguio City, pero hindi ko kilala.

Then I had this experience in an old house, spanish style. I was alone sa salas doing my assignments, hanggang feeling ko may nakatingin sakin at dumami na sila, dumami ng dumami na parang may gathering. Yung tipong gathering ng mga espanyol at siksikan na sila. Nagkukuwentuhan na sila na para ngang party ng mga unang panahon. Feeling ko hindi ako makalabas sa sobrang dami nila na hindi na nila ako napansin. Talagang takot na ko, takbo talaga ako sa baba, sabay sigaw.

Tapos we moved to another house. Again I was alone. I locked the door and stayed at the sala. Tapos napapikit lang ako pero gising pa ako nun. I actually saw a lady, mga around 20s na yun siguro, naligo pa sya e, alam ko na naliligo pa sya nun, tapos nung alam kong tapos na, nakapikit ako nun pero nakikita ko ang nagyayari (ewan ko ba) lumabas na sya ng bathroom, nakatapis sya ng towel yung hair nya na basa naka-cover sa face at nakayuko sya na pumunta ng kwarto namin ng sister ko. So alam ko na may kasama na ako nun (yun nga yung multo) pero binalewala ko (pero todo dasal na ko nito) hindi na kasi ako makatayo sa pagkakahiga ko, so hindi ako makalabas para buksan ang pinto. Tapos ramdam ko dumaan sya sa side ko at umupo sa ulunan ko. I kept praying na sana may dumating na and thankful talaga ako na wala pang 5 minutes na nakaupo sa ulunan ko, dumating ang mother ko at kumatok, dun lang yung time na I was able to get up and open my eyes.

Ngayon, nung may binenta na bahay near that house, lumipat kami pero hanggang ngayon, wala pa ring nagkukuwento sa mga kapitbahay kung ano nga ang story dun sa bahay na yun.

Story #4

Shared by non-vtec

This happened around 3 years ago, around 2am, we were on our way to my ex-gf's house around the dark streets in San Juan. At first there was a cat in the middle of the road na ayaw tumabi, I have to stop and honk my horn, dun lang sya umalis. Nagtatawanan pa kami 'coz ang tanga nung cat, gustong magpasagasa. Then drive na ulit ako, pero after a few seconds, I saw a really weird creature passed infront from left to right then disappeard just before the pavement. I just ignored it dahil baka namamalikmata lang ako, pero when my ex-gf asked me if I saw that too, ayun dun na kami natakot. Whew! When we got to her house, ayaw maniwala ng mom niya pero yung maids sabi marami raw talagang ganyan. Anyway, I forgot the name of the street pero yun yung malapit sa public elementary school sa may Addition Hills.

Story #5

Shared by yuichi

Heard about Balete Drive and some famous streets in Baguio City?Naalala ko lang kasi malapit na ang holy week, madalas kasi kaming mamasyal sa Pampanga noon. Minsan paliko kami sa isang daan na may riles ng tren, na balita na may mga nagpaparamdam. Dapat daw pagdaan mo bumusina ka as sign or respect kuno. Hindi ako naniniwala pagdaan ko minsan hindi ko ma-control yung manibela parang matigas at didiretso sa katabing bukurin. Tapos bumusina ako thrice at biglang bumalik sa dati pero iniisip ko nagkataon lang at ayaw ko pa ring maniwala.

Kuwento din ng brother ko na nagda-drive sya sa NLEX, Southbound around 2am, pagdating sa mahabang via duct bandang Apalit, yung may bukid paglagpas ng ilog, ay may nakita syang "white lady" na nakalutang sa bandang kaliwa nya. Nung una akala raw niya may nasiraan lang at medyo naglakad yung babae. Nung nakatapat daw nya lumulutang nga tapos nung may nakita syang patrol car ay kinuwento nya. Sabi raw ng mga patrolmen na may nagpapakita raw talaga don sa lugar na yon at saka sya kinilabutan.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon