Compiled Stories 8

125 2 0
                                    


Shared by ministopper

Nangyari ito sa isang province down south, um-attend kaming tatlong magkakaibigan sa debut party ng isa pang kaibigan, natapos yung party ng 12mn then uwian na rin nun after, sumabay kami sa tricycle ng nag-birthday since madadaanan nila yung way papunta sa amin, ibinaba nila kami sa likod ng barangay hall since dun yung way, sa likod ng barangay hall na yun ay may malaking puno ng acacia at sa ilalim nun ay isang vulcanizing shop, mga 50 meters ang layo nun sa sementeryo, maliwanag naman dun pero wala ng mga taong naglalakad or nasa labas pa since ganun naman talaga dun, mga 30 meters away na kami mula sa pinagbabaan sa amin ng makarinig kami ng malakas na sitsit mula sa likuran namin, lahat kami ay napatingin sa likod pero wala naman kaming nakita, binalewala na lang namin yun at naglakad muli pero ilang hakbang pa lang eh may sumitsit na naman uli, napatingin ako sa dako ng acacia at may nakita akong black figure na kulay red ang mata, tinanong ko sila kung may nakita sila dun sa puno at sabi nila eh wala daw, dun na ako kinabahan at nagtakbuhan na kami papunta sa bahay namin habang palingon-lingon sa likuran kung may sumusunod ba, hindi na nun nakauwi yung isang friend ko kahit walking distance lang bahay nila sa amin dahil sa takot.

Shared by Crazy_Piggy

Dito naman sa office ang usual na experience namin kapag dumadayo sa IT department is yung bubukas na yung pinto kahit walang tao.

Once sinamahan ko yung utility namin na ihatid yung share ng IT dept na pizzas and beers na treat ng manager namin, di pa nga ako nakaka-wave sa tapat ng CCTV para mapansin ako ng people sa loob at pagbuksan kami ng pinto. Di kasi pwede yung fingerprints ko or ng utility since di kami programmed to have access sa IT department nag-open na yung pinto.

Nagulat pa nga mga IT peeps namin na bigla na lang daw kaming sumulpot sa kaharian nila lol pero nung maikwento ko na kusang nag-open yung pinto namutla silang lahat. Apparently may something na mahilig magbukas/sara ng pinto nila or minsan naman nila-lock silang lahat sa loob na para bang napagti-trip-an sila especially yung mga graveyard shift na IT staff.

Shared by tuyen

Kwento ng father ko nung pinanganak ang kuya ko.

Pinanganak yung kuya ko sa isang old private clinic (parang malaking spanish house) sa Manila (na wala na ngayon) that was 1979.

Isang madaling araw, lumabas father ko from the clinic to buy some water and food. naiwan lang mother ko na nagtutulog na.

Pagbalik nya, naabutan nya na nagra-rounds yung isang nurse at chine-check blood pressure ng mother ko. tulog na tulog si mother that time. so nothing unusual.

Nagulat lang sya kasi nung lumapit na sya para tignan ang ginagawa eh nakita nya yung nurse na duguan yung mukha. literally parang yung napapanood natin sa horror movies.

So na-shock si father pero pinagmasdan pa rin nya ang ginagawa nung nurse. normal naman daw. check BP etc. then after nun umalis na lang yung nurse at lumabas ng kwarto.

Kinabukasan sinabi nya yun sa mga nurse na naka-duty. nalaman nya na meron palang isang nurse dun na ni-rape at pinatay dun mismo sa clinic na yun.

Shared by Crazy_Piggy

On topic, kwento lang ng officemate ko. Back in the days na every week pa siya umuuwi sa Bulacan from boarding house sa may UST several times daw na nagkataon na may sumakay na magandang girl sa bus na sinakyan niya tapos parati daw lumilipat sa tabi niya once mabakante na yung seats sa lugar niya. Torpe pa daw siya nung una pangiti-ngiti lang tapos di niya kinakausap.

Pagdating nung time na naglakas loob daw siya itanong ang pangalan saka saan umuuwi at kung nagka-college din ba sa Manila area, Kinalabit daw siya nung konduktor sabay sabi "Hijo, sino kausap mo dyan? Lasing ka ba?" tingin niya daw ghost lang yung girl na nakikita niya at mukhang trip lang siyang sundan for whatever reason.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon