---------------------------------------------
Shared by yours truly : iamestee
---------------------------------------------Office Scare
Ang istoryang ito ay nangyari sa
pinagtrabahuhan ko noong 2003, mga 8AM siguro yun ng umaga.Yung office kasi namin noon, may
hagdanan na kasalungat lang ng
table na ginagamit ko. One day, nagka-iringan kami ng kasamahan
ko over small things (di ko na maalala kung ano yung reason ng away), so, ayun na nga. sa inis nya sakin bumaba siya, ako naman nagpakabusy na sa ginagawa ko. after a couple of minutes, may naramdaman akong tao sa pinakapuno ng hagdan. kita ko yun mula sa peripheral vision ko. naka-short na hanggang tuhod yung tao na yun, gaya ng suot ng kasamahan ko. so ako syempre bad mood noong oras na yon dahil sa away na naganap, dinedma ko ang presence nya. maya-maya naramdaman kong lumakad sya papunta sa opisina ng mga boss namin na nasa likod lang table ko. pumasok sya sa pintuan noon na may lagusan naman sa kabilang table, kahit naiinis ako nung
panahon na yon, pinakiramdaman
ko pa rin siya at hinintay na lumabas sa kabilang pintuan. gawain niya kasi ang maglabas-masok sa kwarto ng mga amo namin - pasok sa unang pintuan at labas naman sa kabila. mga ilang minuto ko na yatang hinihintay na lumabas siya dun sa kwarto (particular sa kabilang side nga) pero napagod na ako sa
kakahintay ay wala pa din. maya-maya pa, nakarinig ako ng nagsalita, sabi niya "may tumawag ba sakin?" so napalingon ako ngayon, namutla ako ng makita kong siya ung nagtatanong sakin at sa itsura niya ay galing lang siya sa ibaba pero dahil gusto kong makasiguro, tinanong ko pa din siya "diba kanina ka pa dito?" kita mo sa mukha niya ang gulat sabay sabing "kapapanik ko lang eh" kita mo na ang takot sa mga mata ko "kung sa baba ka galing, eh sino yung nakita kong pumasok sa kwarto kanina?"-----
Footsteps
Itong 3rd story ko ay nangyari naman nung sa Cainta pa kami nakatira. Nangyari ito either year 2001 or 2002, basta alam ko buhay pa Tatay ko nung time na iyon. Nagsimula ang lahat nung gabing patulog na kami. Nung time na iyon may inampong
kapitbahay ang magulang ko at sa
kwarto ko siya natutulog. Yung kwarto na yon ay nasa bandang
kaliwa pagkaakyat na pagkaakyat mo ng hagdanan at ang pintuan non ay nakaharap naman sa Altar kaya para masilip mo kung sino yung taong aakyat, kailangan mo pang lumabas ng pintuan. Bale nakahiga na kami noon pareho pero gising pa kami kasi nagkukwentuhan pa kami noon.
Sila Nanay at Tatay naman sa kwarto sa ibaba natutulog at kadalasan 8PM pa lang eh tulog na sila. Tapos yung pintuan ng kwarto nakabukas para yung liwanag mula sa altar eh pumasok sa kwarto namin. llang minuto na kaming nagkukwentuhan nang makarinig kami nang mararahang yabag ng mga paa na paakyat sa taas eh yung hagdanan namin gawa sa kahoy so dinig na dinig mo talaga lalo na yung naakyat eh nakatsinelas pa. Matapos naming marinig yon, nagkatinginan kaming dalawa at wala ni isa man sa amin ang nangahas na silipin kung sino yon sa takot na baka kung sino o ano pa ang makita namin that time. So what we did is we shut up, close our eyes, pull our blankets up to cover our whole body and pray. Awa naman ng Diyos natulog kami after non.Kinabukasan, tinanong namin sina Tatay at Nanay kung may umakyat ba sa kanila sa itaas nung gabi, umiling sila pareho. Kaya nagkatinginan na naman kami nung kasama ko na parang nagtatanungan kami kung sino iyon. Yan na po muna. Sa sunod nalang ulit. Isipin ko pa kung anu-ano pa ang mga nakakatakot kong experience.
-----
Office Ghosts
May isang office sa ortigas na
kung saan may mag-inang multo na very active kapag weekends
lalo na't wala halos empleyado...1.) Isang Sabado, nagulat nalang ang mga taong nagtatrabaho sa
16th floor ng building/office na
iyon dahil bigla nalang nilang narinig ang tagaktak ng keyboard sa isa sa mga bay na malapit sa pantry na kung saan ng mga oras na iyon ay wala namang nagtatrabaho. Nagkatinginan sila nung isang ka-team niya at nanindig ang mga balahibo nila.2.) Isang Sabado na naman, natoka na naman silang magtrabaho ng weekend na iyon. Galing siya noon sa pantry kumuha siya ng kape (malamig kasi sa opisina kahit wala halos tao kaya para hindi masyadong lamigin ay nagkakape sila habang nagtatrabaho) nang walang anu-ano'y may narinig siyang mararahang katok sa fire exit kung saan madadaanan niya bago makarating sa pwesto niya. Oo nga't madalas nilang dinadaanan ang fire exit na iyon lalo na kung isang floor lang naman ang pupuntahan nila pero weekend iyon at wala ni isa man sa kanila ang dumadaan doon kapag ganung weekend. Hindi na siya nag-abalang alamin kung sino o ano ba ang nakatok na iyon, kumaripas na siya ng takbo pabalik sa pwesto niya.
3.) Isang araw ng Sabado, dumaan
lang ang isang ka-team niya para may asikasuhin lang. Nang walang anu-ano'y may napansin siyang
bata sa ilalim ng lamesa na malapit sa xerox machine. Dali-dali siyang nagpunta sa lobby upang ipaalam sa guard ang nakita. Nagulat pa ang guard sa ibinalita niya dahil alam nito na wala ni isang empleyado ang may dalang anak nang araw na iyon. Sinigurado pa nito kung bata ba talaga ang nakita niya. Nang balikan nila ang sinasabi niyang lugar ay wala na ang bata doon. Kaya nagtanong siya sa mangilan-ngilang empleyado doon kung may nakita din ba silang bata puro iling lang ang isinagot nito sa kanya.4.) Isang Sabado na naupo siya sa computer na malapit sa entrance
door. Yung entrance door ng office nila ay salamin na tanaw ang magkatapatang elevator. Matapos
i-send ang report napatingin siya sa isa sa dalawang elevator at nagulat pa siya ng makitang may
lumabas na nakaitim na babae
doon, nakabelo din itong itim kaya hindi niya maaninag ang mukha nito.
Namutla siya sa nakita kaya lumipat nalang siya ng ibang pwesto na malayo sa entrance door. Ayaw na niyang makakita ng kung ano pa na lalabas mula sa elevator na iyon.Ayan po muna ang kwento ko. Sana ay nagustuhan niya. Base lang po iyan sa experience ng dati kong kasamahan.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)