Arm Chair

141 4 0
                                    

Shared by : jctheman

2 days after namin na mabalitaan ang pangyayari, these series of events happened sa school.

Una sa janitor, ang batch namin 4th yr high ay umuuwi ng 3pm ng Friday pag walang CAT. so 6pm wala ng tao sa High School Building. nag-start na ng rounds yung janitor at napadaan sa classroom nung namatay na student. the janitor wasn't aware na yun yung classroom nung namatay na student. na itago ko na lang sa name na "Ica". pero pagdaan nya daw dun, may nakita daw syang student na nakaupo pa sa silya na tipong nagsusulat sa notebook. hindi makita yung mukha kasi sa haba ng buhok. so tinawag nung janitor pero hindi daw lumingon. so hindi na rin nya pinansin at tumuloy na siya sa kabilang room at naglinis. after nya dun. lumipat na sya sa kabilang room kung saan niya nakita yung student kanina. wala na doon, so inisip nya na baka umuwi na. so dedma lang sya. nagulat na lang sya ng nakakita sya mga bakas ng paa, hindi sapatos, na gawa sa chalk dust sa tapat ng mismong upuan nang nakitang student kanina. natakot sya dahil common sense lang. kung may bakat ng foot print dun, bakit isang pares lang. walang sign na umalis tong may ari ng foot print. at bakit nakayapak? so sa takot, umalis na lang after nya walisin ang sahig. kinuwento sa mga guard at wala naman daw na umuwing high school after 6pm. naging usapin ito sa campus.

2 days after that incident, estudyante naman. classmate namin. we were practicing ng dance number namin, so ginabi kami sa school at sa classroom kami nag-practice. iginilid namin lahat ng "arm chairs" para may space kami sa gitna. we decided na magpahinga muna, so nag-CR yung iba naming kasama at dalawa lang kaming natira sa room, at nag-soundtrip kami habang naglalaro ng magic cards, nang biglang tumalon ang CD player at nagpaulit-ulit na parang remix. biglang napalingon yung kasama ko sa gitna ng room at sumigaw ng "Hoy!" ako naman napalingon din sa direksyon na yun. what did we see? yung upuan ni "Ica" nasa gitna ng room. sa takot namin. tumakbo kami palabas, hinila ko lang yung CD player sa outlet, tapos dun na kami sa bahay nagtuloy ng practice. habang ikinukwento namin bakit sa bahay kami nagtuloy ng practice. kumalat ang istorya hanggang sa mga principal namin na pari. pero hindi ininda dahil baka daw rummors lang.

At ito na nga, 3 days after our incident, tanghaling tapat, teacher naman namin ng Araling Panlipunan, she ask us a question that most of us eh alam ang sagot, so maraming nakataas ang kamay at may mga nakatayo para na-excite matawag ng teacher namin. habang namimili ng tatawagin si teacher, eh biglang napasigaw at humagulgol sa iyak, nang tanungin namin bakit, ikinuwento nya na sa likod ni "Bryan" nakita daw nya ang kamay ni "Ica" na nakataas din, habang si "Bryan" ay nakatayo at nakataas ang kamay, hindi daw nya makita ng buo si "Ica" pero alam nyang kamay nya yun sa likod ni "Bryan" so si Bryan takbo at lipat ng pwesto. nahinto ang klase at nagdasal na lang kami. Na-cut ang klase ng 2pm dahil nakarating na ang balita sa principal and he's making his move na.

In-assemble nya ang iba pang mga pari at deacons na available sa school namin at that time at nag-prayer session sila dun sa classroom. ipinabaklas ng principal namin yung Armchair ni "Ica" at pinatago sa store room sa dulo ng oval/soccer field.

After nun, wala nang nangyari. and there was even a mass na inalay sa kanya.

Pero rumors still spread, na tuwing exam days daw, tuwing gabi, may maririnig kang kaluskos ng isang arm chair na parang hinihila-hila sa store room. sa takot ng mga janitor, they just avoid going there tuwing exam days.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon