Ghost Town

113 5 0
                                    


Hi ako po si Zac (hindi ko totoong pangalan) 28 taong gulang po ako at kasalukuyang nagtatrabaho dito sa America kung saan ako permanenteng nakatira. Matagal na po akong nagbabasa dito sa website na ito, simula pa ng 2016 pero ngayon lang nagkaoras na magkwento.

Simula talaga ng pagkabata ko eh marami na akong nakikita, minsan sinasadya or minsan kapag nasa peak lang po ng matinding emosyon. Pinasara po kasi ng nanay ko yung third eye ko kasi open po talaga masyado, kaso niloko lang pala kami ng manggagamot peke pala. So pinag-aralan ko nalang kontrolin at successful naman kasi nako-control ko po, pero minsan talaga hindi maiwasan. Nurse po ako by profession so "Oo nakikita ko rin ang mga nakikita ng iba at minsan sobra pa". Marami po akong kwento pero simulan ko muna dito.

Noong 2015 nang pumunta na po ako dito upang manirahan. Sa unang 6 na buwan ay wala naman akong naramdamang kakaiba. Siguro kasi nasa bahay lang ako and wala namang ginawa kundi magpataba kasama ang Mom at Grands ko. Nasa ibang bansa po kasi ang trabaho ng tatay ko. Kaya inantay ko muna siya na makauwi bago maghanap ng tabaho. Sanay po akong mag-isa at minsan gusto ko talagang mamuhay malayo sa magulang. Alam nyo na walang magbabantay ng pwet mo araw-araw at higit sa lahat may freedom at privacy.

So yun 2 weeks after dumating ang Dad ko nakahanap ako agad ng trabaho bilang isang Seafood Processor sa Alaska. Maliban sa malayo na eh adventure pa. So yun na nasa Alaska na ako, sa unang mga buwan bilang isang Processor ay wala naman akong naramdaman na kakaiba. Tone-toneladang isda po kasi ang makikita mo sa 16 hours na trabaho.

Hindi nagtagal ay may nagbukas na posisyon at talagang gusto ko. Una kasi 12 hours lang yung trabaho pangalawa eh libre pa ang bahay at pagkain, hindi binabawas sa sahod. Pero ang kundisyon eh kailangan akong maiwan kasi magbabakasyon ang buong crew nila. Dahil sa kagustuhan ko na makuha ang posisyon eh pumayag nalang ako.
So nang patapos na ang season kinuha na ako at sinimulang i-train ng kasama kong panggabi na papangalanan nating Porky. Si Porky ay matagal na ring nagtatrabaho doon. Gabi kasi kaya walang boss so walang tumitingin sa amin. Ang trabaho lang namin eh libutin ang planta at mga bunkhouses nito. Malaki ang lugar ng kompanya parang kalahati nga MOA kaya pudpod tuhod talaga ang lakad. Kasi gabi nga ang trabaho at walang process eh pinapatay ang mga ilaw pati sa mga bunkhouse na walang nakatira kasi umuwi na ang mga empleyado sa kani-kanilang pamilya. Kaya yun ang dilim grabe, pudpod tuhod pa ang lakad at sa pinakatuktok nga burol eh my dini-drain pa kaming tubig mula sa tangke.

Bago kami umakyat doon at mag-drain ay my chini-check pa kami na isang building kung saan ang mga reject na isda at mga parte nitong hindi napakinabangan sa planta ay niluluto para kunin ang mantika nito. Ang lugar na yun ay single storey lang pero malaki ang mga makina na nasa loob at nagtataasan pa. At maraming catwalk sa taas para sa maintenance crew nila para maabot ang mga parte ng makinarya. Sabi ni Porky eh marami daw multo doon at huwag kang titingala kasi baka my makita ka. Nung pumunta kami don eh naglalakad kami, sa loob ng gusaling ito eh may nakita akong mga bata na nagtatakbuhan. Nakasuot sila ng puti and blonde ang buhok na naghahabulan.

Alam ko na na multo yun pero hindi po pinansin ng matapos na ako sa paglalakad at palabas na ay bigla akong tumingala at laking gulat ko nang nasa taas na ang mga ito nakatayo sa catwalk na 50 ft ang taas. Pero ang nakakatakot doon ay ang dami nila more or less 20 katao ang nakita ko doon at lahat sila nakatingin pababa sa akin. Bumalik ako sa opisina namin para magpahinga ng konti at si Porky naman ay masarap na ang tulog. Pagkatapos ng 2 oras na pag-wifi eh nainip na ako at niyaya si Porky na mag-ikot ulit pagkatapos eh didiretso kami sa taas ng burol para mag-drain ng tangke na puno ng tubig ulan. Dahil nga mataba ayaw ni Porky maglakad kaya ginamit nya yung van. So nung dumaan kaming 2 sa gusali na yun pagpasok ko palang eh lahat ng nasa itaas na mga multo ay nasa baba na at nasa paligid lang sila nakatayo at hindi gumagalaw, alam ko na ako lang ang nakakakita kasi si Porky kain ng kain ng chips habang naglalakad at umiikot sa paligid. Pero my nakaagaw ng pansin ko at ito ay yung matangkad na anino na itim na parang usok na pula ang mata. Nasa pinakadulo sya malapit sa dingding, nakatingin at nagmamasid lang sa amin. Ang kakaiba lang eh lahat ng multo don hindi gumagalaw pwera sa kanya. Nang lumabas na kami ng gusali pumasok kami sa van at nagkwentuhan ng nakakatakot, laking gulat ko ng my ulong biglang sumulpot sa gitna ng upuan namin. Si Porky ang nasa driver seat ako naman ay nasa passenger seat sa harap. Habang nagkukwentuhan kami nandon lang ang ulo ng anino para talaga syang itim na usok. Nakikinig lang sya sa amin at tinitignan kami isa-isa paulit-ulit. Nang marating namin ang tangke eh bumaba kami at inikot ito, at sa di kalayuan nandon din ang anino nag-iikot palapit ng palapit sa amin at nang lingunin ko eh biglang nawala. Nang humarap ako kay Porky nandon yung anino sa harapan ko at sa likod ni Poky. Tiniis ko na lamang ang takot at tinapos ang trabaho namin sa tangke.

Nung papabalik na kami ng opisina sinabihan ko si Poky na daan kami ng gusali na yun. Kunwari may naiwan ako pero ang totoo eh para ihatid-balik yung anino at ginawa naman namin ni Porky.

Dito na po muna masyado na kasing mahaba. Sorry po sa wrong grammar at spelling kayo na po bahalang umintindi. Lol.

- Shared by Irefusetobenamed

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon