Madre sa kalsada

119 3 0
                                    

Shared by : DemonHunter

Ito na-post ko na ito pero long time ago pa.

This story eh personal experience ko. di pa ko nakakakita ng multo ever since. until that day.

Sa province namin, student ako nun, working student sa McDo. kahit medyo mahirap ang buhay kumuha ko ng hulugan na motor para makauwi ako ng tama sa oras. para makatulog ako ng kahit 3 hours bago pumasok sa school then work after. ganun ng ganun for 4 years.

One time walang masakyan ang manager ko. sabi ni manager "pwede mo ba akong ihatid sa amin?" yun eh somewhere na ng papuntang Quezon. By the way, Laguna ako, since malapit lang kung tutuusin eh pumayag na ako. sabi ni Ma'am huwag ko daw siya ihahatid ng walang kasamang iba kasi sikat yung lugar nila sa aksidente dahil sa mga nagpapakita sa kalsada na "basta" sabi ko "anong 'basta' ma'am?" sabi niya eh "alam ko di ka naniniwala sa mga multo pero if anuman ang makita mo, kahit ano or sino, businahan mo. huwag ang hindi" tumawa ako. sabi ko "sagasaan ko pa yun."

Sabi ni ma'am eh basta bubusina ka or else eh huwag nyo na ko ihatid. Eh since super bait naman si Ma'am sa amin eh inihatid ko na rin. On the back of my mind eh iniisip ko na di ako bubusina. hehehe. kasama na rin na hindi ako naniniwala so dedma lang.

So yung kapit-barangay ko na katrabaho ko eh sumama sa amin. girl din. so 1am, hinatid namin si ma'am papunta dun eh mahirap kasi paahon ng bundok at sobrang madilim. headlight lang ng motor ang ilaw. sabi ko "grabe talaga dilim dito". alam ko yung daan kasi madalas akong dumaan dun papuntang Lucena pag umaga para maglakwatsa paminsan-minsan.

Pagdating ko dun eh sinalubong kami ng asawa ni ma'am. tapos nag-thank you tapos non umalis na kami nung katrabaho kong crew.

Habang nabibiyahe, si girl eh kausap ko kwentuhan. tapos sabi niya "tulog muna ko huwag mo kong ilalaglag. dahan-dahan ka lang." sabi ko naman "okey lang." malamig kaya di ako pwede magpatakbo ng mabilis. sobrang bagal namin. ginawa ko tinali ko siya sa katawan ko gamit yung jacket ko. tapos nung tulog na siya ako naman eh drive lang. one hour ang biyahe kaya sobrang tahimik kasi tulog siya, ako naman nagda-drive.

Malapit na kami sa bayan tapos sa unahan eh may blind turn, yung tipong pagliko mo eh aahon pa yung kalsada tapos di mo na kita kung may tumatawid na tao kahit aso or what. all of a sudden may parang pumasok sa isip ko. ano kayang gagawin ko kung pag-angat namin sa ahon na ito eh may makita akong kakaiba. sabi ko "hehehe sagasaan ko kaya tapos sabay tingin sa kanan" sabi ko "lalim ng bangin dito. buti nalang walang masyadong sasakyan hindi masikip ang kalsada."

Pag-ahon na pag-ahon ng motor ko sa paahon na kalsada, mula sa malayo may nakita akong nakatayo. nakatayo eh parang matangkad na Madre tapos may hawak na kandila. hindi ko alam kung ano ang ginagawa nung madre ng 2am sa kalsada.

Napamura ako. this can't be it. di ako naniniwala sa multo. manakot ka pa. ang kaba ko noon eh hindi dahil may kung ano sa harapan ko. kundi baka dahil hindi ako natakot eh gawin nun nananakot kunwari na madreng multo eh itulak yung motor sa bangin eh yun pa ikaaksidente namin nung katrabaho ko.

Hindi ko ginising si girl. sabi ko sa sarili ko 'bahala na'. baka pag ginising ko ito eh magsisigaw pa ito at magtatalon eh mahulog pa kami sa bangin. habang papalapit kami ng dahan-dahan. buo pa rin ang loob ko na tao lang ito, hindi ito multo.

Habang lumalapit, nakita ko na na nasa pinakagitna ng kalsada yung madre. hindi ako makakaiwas kasi gitna siya. kahit saan ako dumaan eh hindi pwedeng di niya ako maabot para itulak. syempre iniisip ko pa rin na tao lang yun na nananakot.

Mga 20 feet away. tinitingnan ko hindi siya nakaharap. nakatalikod pala siya sa akin. sabi ko "ano ba ang plano ng taong ito?".

Papalapi ng papalapit nakita ko yung suot niya eh sobrang lumang puti. parang cream ba yun na lumang-luma tapos nakita ko yung kandila. kahit malamig ang ihip ng hangin eh hindi gumagalaw yung apoy. ni hindi nahihipan ng hangin, ni hindi gumagalaw. argh!

Mga 10 feet away. dun ko nalaman na hindi matangkad yung madre. mga isang dangkal sa kalsada eh nakalutang yung madre. hindi gumagalaw. kahit yung suot niya hindi gumagalaw. ang kandila eh may liwanag pero hindi gumagalaw yung apoy.

5 feet away. buong-buo na siya. for some reason. hindi ko makita ang kamay niya. natatakpan ng suot niyang mahaba.

3 feet away. sabi ko "siyet bahala na." instead na umiwas ako sa kanya, eh pinili ko na sa tabi niya dumaan. hindi pwede sa kanan kasi bangin.

1 feet away. dun na tumayo ang balahibo ko dahil ang pagitan ng kamay niya na may hawak na kandila at kamay ko na nakahawak na mahigpit sa manibela eh 1 feet difference nalang.

Habggang sa kalapit ko na siya. kitang-kita ko ang kamay ko at ang kamay niya na may kandila na parallel na sa akin. with only 1 inch space. di na ko halos humihinga. inaabangan ko ang susunod na mangyayari.

Tinibayan ko ang loob ko habang lumalampas ako na parang sobrang bagal ng oras eh tumingin ako sa side mirror ko sa kaliwa. pilit kong tinitingnan ang mukha niya pero itim lang na parang anino lang ang mukha niya. walang mukha kundi ang hugis ng ulo niya na may nakapatong na belo ng madre mulo noo na natatakpan ang tagiliran ng mukha. dun na ako nagsimulang kabahan.

Paglampas ko. 1 feet. 3 feet. eh nakatingin pa rin ako sa side mirror. mula ulo hanggang paa eh purong itim lang na parang anino. 5 feet away. 10 feet away. isang buo na niya ang nakikita ko. nakalutang sa hangin. buong itim mula ulo hanggang paa. di nahihipan ng hangin. di gumagalaw. hanggang sa di ko na siya makita dahil paliko na ko ulit dahil nga bundok yun.

Pagdating ko sa bayan. nagpagasolina ako. dun na nagising ang katrabaho ko. tapos kinuwento ko na. sabi niya buti di mo ako ginising kundi baka nasiraan ako ng ulo nun.

Kinaumagahan after ng school. balik sa work. kinuwento ko sa Manager ko tapos sabi niya "yung white lady ba or madre ba na may hawak na kandila na nakalutang sa hangin?" sabi ko "yun nga ma'am, yung madre" sabi ni ma'am. marami ng naaksidente dun sa tinutukoy mo na paliko. iba namatay, iba nakaligtas. lahat ng tinanong eh yun ang nakita nila. kaya sa lugar na yun may poste na ng ilaw dahil dun sa madreng nagpapakita.

Ngayon matagal na akong graduate. 20 yata ako nun, now 29 na ako pero hindi ko makakalimutan yung night na yun. up to now kinikilabutan pa rin ako. hindi ko makalimutan yung mukha niyan purong blanko lang na itim na parang nakatitig sa akin na hindi maintindihan.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon