Iparamdam ang presence

117 6 0
                                    

Shared by : jeannie01

Eto isa pang kwento.

It happened back in 2003 with my then partner (now my ex)
Malakas ung extra sensory powers nya, ako nun di pa masyadong developed.

We were studying in a well known state university in Laguna. I'm originally from Manila at sya naman taga Laguna na talaga. that was before mag-christmas vacation. dahil christmas break, uuwi ako sa bahay namin. so before I left, we decided to have some quality time and spent some hours chatting sa ampitheatre, tamang tambay lang. kwentuhan ng mga plano sa buhay.

After a few hours, nakaramdam kami ng tawag ng kalikasan kaya umakyat kami sa CR sa loob ng building para mag-wiwi.

Common CR yon. una muna ako tas sya naman. habang nasa loob sya naririnig kong para syang may kausap sa loob. tinanong ko, wala lang daw. baba na ulit kami balik sa una naming tinambayan. ilang minuto pa lang kaming nakakaupo, balisa na si ex. para pang galit. may kung anu-anong binubulong! tinanong ko ulit kung bakit. alam nyang medyo matatakutin pa ako non pero wala syang choice kasi kinukulit ko sya na sabihin sakin kung anong nangyayari.

Yung kausap nya daw pala sa CR kanina eh isang babae. gustong makipag-usap sa kanya. hindi nya alam kung humihingi ng tulong o ano.
sinabi na nyang wala syang maitutulong pero sinundan pa din kami.

Bago pa man nya sabihin na sinundan kami pababa, tinanong ko sya kung yung babae ba eh nasa tabi ko? kasi nararamdaman kong may nagpapabalik-balik ng lakad sa right side ko (sa left side ko nakaupo si ex; magkatabi kami), sagot nya oo. natakot na ko kasi ramdam na ramdam ko yung presensya nung sinuman sa tabi ko. nagagalit na si ex kasi parang kinukulit ako nung babae. nagpapabalik-balik daw sa tabi ko tas dinidikit pa daw sa braso ko yung damit nya. ramdam ko yung may parang malambot na tela na dumadampi sa braso ko. takot na takot na ako kaya sumiksik na ako kay ex to seek refuge. pilit nang pinapaalis ni ex yung babae.
nakikipagbiruan naman yung babae. sinabi daw na aalis na pero hindi pa naman.

Sabi ni ex ipo-prove nya daw sakin na hindi pa umaalis yung babae.
hinamon nya ito na ipakita na nandun pa sya. may puno ng kalachuchi sa likod ng inuupuan namin. ung mga sanga nito ay umaabot sa harap namin at nagsisilbing shade.
maraming bulaklak yung kalachuchi. yung iba malapit nang bumagsak. merong natatanging bulaklak na nasa dulo ng isang sanga na alam mong bagong sibol pa lang. hinamon nya yung babae na ipakita sakin na nandun pa yung presensya nya.
inutusan nya yung babae na pabagsakin bigla ung bagong sibol na bulaklak sa harapan namin.
walang kahangin-hangin. imposibleng bumagsak ang bulaklak kung hindi pa ito na magwi-wither. wala rin namang dumapong insekto. bagong sibol pa lang ito eh. bigla-biglang bumagsak yung bulaklak sa lupa. hindi katulad ng ibang bulaklak na bumabagsak in a spiral manner. sya, isang patakan lang talaga. takot na takot na ako non kaya inaya na ako ni ex na umalis at ihatid sa bus station pa-Manila.
mahirap daw makipaghamunan sa nilalang na makulit.

Awa ng diyos, di naman na sumunod yung babae at di na din nakipagkulitan pa kay ex.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon