Ulong Pugot, Taong Anino at Babaeng Naka-angkas

124 4 0
                                    


Shared by : superlea

Share ko lang ito. this story happened a long long time ago. as in matagal na rin, kasi bata pa yung mom ko nun (syempre di pa ako ipinanganak), bunsong kapatid niya at kasama nila yung nakakatandang kapatid na babae (may she rest in peace) na may asawa na nung time na yun. pumunta silang magkakapatid sa lamay dahil susunduin sana ng ate nila yung asawa niya para umuwi na. nung time na yun, konti pa lang mga bahay sa lugar namin, wala pang masyadong street lights, naunang umuwi silang 3 dahil susunod lang daw yung asawa niya. on their way home, biglang napalingon yung ate nila at nakita niya na may sumusunod sa kanilang pari na pugot ang ulo, yung ulo hawak-hawak pa raw nito. para lang di matakot yung maliliit, sinabihan lang ng tiyahin ko na bilisan ang paglakad dahil daw umaambon, pero the truth is, yun na nga.

Eto naman yung nangyari sakin, elementary ako nun, pauwi na rin kami ng ate ko dahil 8pm na nun, considering nung time na yun 8pm was gabi na talaga, dahil nga rin siguro na nasa province kami at konti lang din mga tao sa lugar namin. papalapit na kami sa bahay ng biglang may tumawid na taong dilim mga 4-5 meters away from us, napatigil kami sa takot. kung titingnan mo para siyang shadow pero tao talaga ang hugis niya.

Eto naman nangyari sa kakilala namin, campaign period nung time na yun. gabi yun, pauwi na siya sakay ng motorsiklo niya galing sa isang barangay, may sumusunod na jeep sa likod niya. yung driver ng jeep nagtaka kung sino yung babae na sumakay sa likod niya, she was all white pa nga daw, nung napadpad sila sa daan na may maraming street lights bigla daw nawala yung babae at nang makarating sila sa destinasyon nila, tinanong nung driver ng jeep kung sino daw yung girl, biglang natakot yung kakilala namin dahil mag-isa lang daw siya sa motor niya, simula noon never siyang umaalis ng gabi ng naka-motor na mag-isa lang at lagi ng may kasama.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon