Shared by : dylandarkk08I live sa isang place here na medyo hindi busy or fast paced. I live in a county so when I drive minsan we pass by some roads na puro gubat literally. There is this particular road na I take from my work on the way home kasi mas malapit siya kesa kung I take the one na daanan talaga ng mga sasakyan kasi mapapalayo ako ng route.
Ok my story goes like this. Every night I pass by this road. ilarawan ko muna sa inyo yung road na dinadaanan ko. It's I think 5 miles-7 miles long na puro puno on the sides and hindi siya straight road kasi nagai-zigzag siya na parang wavy road kaya minsan sa pagliko mo kita mo yung kagubatan on the side of the road.
Wala namang problem sakin since I've been taking this road pag uuwi ako. 7-11 shift ko meaning from 7am to 11pm 16 hours duty. One night, I went pass by this same road. It's always eerie to pass by this road kasi konti lang mga sasakyan na dumadaan dito minsan nga wala akong kasabayan pero nasanay na ako kaya pinapa-bright ko yung light ng car ko pag dumadaan sa lugar na yun at pinapatugtog yung radyo para di naman masyadong tahimik. Nagkataong that night wala akong kasabayang sasakyan o dumadaan man lang on the other side of the lane. As usual pina-bright ko yung head light and pinatugtog yung radyo, my regular routine when I pass by that road.
Mga ilang minutes na ako nagda-drivw at pagliko ko sa may bandang nagsi-zigzag na portion ng road may nakita akong tao na naglalakad sa daan. Maliwanag yung bright light ko so kita ko itsura ng guy na naglalakad. Black american siya naka-sweatshirt na grey. Hindi na unusual ang may ganung taong naglalakad sa parte ng road na yun kasi minsan mga drug addicts ang mga yun. Di na kasi unusual ang mga kaso ng drug addicts sa lugar namin kaya kahit gabing-gabi madaming naaaresto ng mga pulis sa daan. Di rin unusual sakin na may makitang naglalakad sa kalsada na yun pero usually by grupo sila hindi mag-isa, sa dilim ba naman ng lugar kahit may streetlights nakakatakot pa din. Baka mamaya may goons dun at mapano pa yung dumadaan.
Di ko na pinansin yung dinaanan kong lalaki na naglalakad pero in fairness bilib ako sa tapang niyang maglakad mag-isa sa lugar na yun na ang dilim-dilim at malayo sa mga kabahayan man lang.
Then nung pagliko ko sa another zigzag part ng road natamaan ng headlight ko yung taong naglalakad sa side ng road. sa isip ko 'uy, ok ito madami-dami din pala dumadaan sa lugar na ito kahit na 11:30pm na ng gabi'. Di na ako masyadong kinakabahan mag-isa na nagda-drive. Nung papalapit na yung car ko sa kanya napansin ko naka-grey siyang sweatshirt at medyo same height nung nadaanan ko kaninang guy. kaya napa-'hmmm' na ako, parang may something pero binalewala ko lang syempre inisip ko baka coincidence lang kasi tutal madami kaya ang may taong nagmamay-ari ng sweatshirt na ganung color at nasa part ako ng state na majority ay blacks so nothing unusual there.
Then hopefully nalampasan ko na yung guy na naglalakad balik na naman ako sa pag-focus sa pagda-drive sa kalasadang nakakatakot na yun. Then mga ilang minuto pa ang nagtagal may nakita ako ahead of me na nakatayo sa tabi ng kalsada na nakiki-hitch hike. Uso dito samin ang ganun marami akong nakikita na nakiki-hitch hike na mga tao pero heck no! di ako tanga para pasakayin ang isang tao na di ko kilala. so I decided na lampasan ko yung guy. Nang papalapit na ako sa kanya may napansin ako sa itsura niya. naka-grey sweatshirt siya at same build as kaninang nakita ko din na naglalakad sa side ng road. Medyo kinabahan na ako, this time makikita ko na mukha niya kasi nakaharap na siya sa direction ko. Nagulat ako ng tiningnan ko mukha niya. Nakangiti siya yung ngiting nakakatakot na abot tenga tapos nanlilisik na mata. Pero di ko inisip na may something na kababalaghan yun kundi inisip ko baka holdaper yun at may baril lalo na't nasa secluded kami na area. Mas pinairal ko yung matakot ka na sa buhay kesa sa patay mahirap na kaya tinapakan ko yung accelerator ng pagkalakas-lakas para kung sakali man may balak siyang masama e wala siya magagawa. Nung nalampasan ko na siya medyo na-relieve ako pero nandun pa din yung takot. Tiningnan ko uli sa rearview mirror at sa side mirror yung lalaki. Nandun pa din siya nakatitig sa direction ko pero yung way na pagtitig niya yung what bothers me, parang sinasabi "sige lang hindi ka makakatakas sakin". Kinilabutan ako sa lalaki na yun kaya minadali ko nang pinaharurot yung sasakyan ko, meron yatang stop sign nung isang crossing pero di na ako nag-stop bahala na kung may police mangmagsita sakin at least police yun, safe ako.
After ilang minutes pa nakarating na rin ako sa wakas sa isang crossing na kung saan liliko ako sa isang busy na kalsada na, 4-way lane siya pero hindi highway. On my way home medyo non-forgetting experience yun sakin to pass through that secluded road. Grabe lang yung takot ko at kung anu-anong imagination ang sumagi sa isip ko na baka binaril ako etc.
Nung nakauwi na ako, gabing-gabi na yun mga 12mn. medyo madilim yung kapaligiran aside sa normal street lights at porch lights ng neighbors namin. Pero ang luluwang ng lawn area ng neighborhood at may mangilan-ngilan na puno so kapag gabi medyo creepy yung neighborhood kasi walang tao sa labas, obviously lol pero hindi tulad sa Pinas na may mga tambay sa kanto o may bukas na tindahan. Nung nag-park na ako sa driveway namin at naglakad papunta sa porch area namin, medyo naka-feel ako ng di maganda, yung tipong parang may nagmamasid sayo. Dinalian ko yung paglakad papunta sa entrance door across the lawn area. Ang tahimik ng kapaligiran kaya mas lalo akong na-paranoid. Di rin nakatulong yung lamig ng panahon. When I was about to reach the door para ilabas yung susi ng bahay namin napalingon ako sa may puno ng neighbor namin. Guess what, tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan sa nakita ko. Yung lalaki nandun nakatitig sakin sa may madilim na banda ng puno and worse nakangiti siyang parang malademonyo. Nagmadali akong pumasok ng bahay, di ko na hinubad yung shoes ko nang pumasok sa sala at nagpray ng taimtim na wala sana masamang mangyari samin.
That night di ako nakatulog, all I did was pray. pero Thank God wala namang nangyari na kakaiba until morning.
Nag-facebook nalang ako. Then nanood ng vids sa youtube.
The END.
Btw, I still do pass by that road as I go home from work and yes I'm at work right now hopefully di ko ma-experience yun ulit. so far wala naman na.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)