My Creepy Stories

130 4 0
                                    


Shared by : GhostStories

Ako si Sharon. At ito ang ilan sa aking mga personal na karanasan.

1.) Galing kami sa isang bar sa Pasay ng 7 kong kaibigan. Ala-una na ng madaling araw non at nag-decide na kaming umuwi. Isa-isa na kaming sumakay sa loob ng van, sa harapan ako umupo katabi ni Gab na driver at owner nung van. Bago niya patakbuhin ang kotse sabi nya groufie daw kami so kinuha nya cellphone nya, itinaas at nagsiksikan naman kami para kumasya sa shot. Habang naka-timer yung camera nya may nakita akong babaeng nakaupo sa seat sa likod ko. Malapit sya sa pintuan ng van, katabi ng isang friend kong babae.

"Hoy Sha! Anong itsura mo dito para kang nakakita ng multo!" sigaw ng isang friend ko nung tignan nila yung picture namin saka sila nagtawanan, nakitawa nalang din ako.

Bumiyahe na kami, nararamdaman ko yung presence nung babae sa likuran ko. Lumingon ako sa likod at naglakas loob na tignan sya, maikli ang buhok nya na parang gupit pang-lalaki, hindi ko makita ang mukha dahil nakatungo sya. Ang tanging malinaw lang sakin ay yung mga braso nya na puro dugo, puro laslas!

"Gab, stopover tayo pag may 7/11 ah, nasusuka ko." sabi ko. Huminto nga muna kami sa isang 7/11 na nadaanan namin. Bumaba silang lahat. Nagpa-iwan ako saglit. Nung ako nalang mag-isa sa van, lumingon ako sa likod at hinarap ko yung babae. 

"Bababa tayong lahat. Pati ikaw." Sabi ko sa babae. Nakita ko syang umiling. Umiiling sya habang nakatungo pa rin. Bumaba na ako ng van. Nag-stay kami ng mga 30 minutes sa 7/11 at nung bumalik na kami sa van, wala na yung babae.

2.) Isinama ako ng kaibigan ko sa birthday party ng pinsan nya. First time kong makilala ang pinsan nyang si Janet na may 1 year old baby at ang mister ay isang seaman. Gabi na nung dumating kami sa bahay ni Janet galing sa work namin. May mga bisita rin syang iba, umupo kami sa sofa at nagkwentuhan ng friend ko. Napansin ko ang baby ni Janet sa stroller, ang cute, tawa sya nang tawa habang nilalaro ng isang matandang babae. Nilapitan ko yung baby.

"Ang cute po nya!" sabi ko.

"Naku oo, kaya proud lola ako hahaha!" sabi ng matanda.

"Ahh, nanay po kayo ni Janet?" tanong ko at um-oo naman ang matanda.

Maya-maya tumayo ako at kumuha ng tubig, nasa kusina din si Janet.

"Ang cute ng baby mo! Mabuti ok lang sa mama mo na mag-alaga." sabi ko kay Janet.

"Mama ko?!"

"Oo, nakausap ko nanay mo eh, proud daw sya kasi ang cute-cute ng baby mo hehehe"

"Pero patay na ang mama ko...."

3.) Pumunta ako sa bahay ng inaanak ko nung minsang nag-birthday siya. 4 years old si Cheska at college friend ko naman ang mama nyang si Elaine. 2 beses palang akong nakakapunta sa bahay nila noon at sa tuwing pupunta ako doon ay meron akong hindi magandang nararamdaman. Sinasabi ko naman ito kay Elaine pero dahil wala akong nakikita at wala rin naman silang masamang nararamdaman ay binabalewala na lang namin. At sa pangatlong beses kong pagpunta sa bahay nila ganun ulit ang naramdaman ko. Nilalaro ko si Cheska sa loob ng playroom, nag-puzzle kami, nag-bilang at kumanta ng ABC at kung anu-ano pa. In-open namin ang book nya na 'Sofia the First' at isa-isa naming pinangalanan yung mga characters. After naming makumpleto yung mga characters biglang nagsalita si Cheska.

"Ninang, ano name nya?" tanong sakin ni Cheska. Nakaturo sya sa likod ko, sa pinto. 

Lumingon ako sa likod at nagulat ako nang makitang may nakatayong black lady sa pinto! Nakatingin kay Cheska. Hindi ko kita ang mukha nya sa hindi ko malamang kadahilanan, hindi ko na matandaan kung dahil blurred ba o maitim ba o dahil natatakpan ng buhok. Hindi ko rin alam kung bakit nag-sinked in sa utak kong nakangiti sya gayung hindi ko naman nakita yung mukha nya. Kahit ang lakas ng tibok ng puso ko at nararamdaman kong naninikip ang dibdib ko dahil sa mabigat na aura nya ay nilakasan ko ang loob ko dahil may kasama akong bata.

"Hindi ka welcome dito. Umalis ka sa bahay na ito" Mahina pero may diin kong sinabi habang nakaharap sa black lady. Tapos humarap ulit ako kay Cheska na tumingin naman sakin at parang walang kaalam-alam, walang takot sa mata ng bata. "Huwag kang sasama dun ah, bad yun", sabi ko kay Cheska.

Lumingon ako ulit sa likod ko at wala na don ang black lady. Nagsalita pa ulit si Cheska ng "Wala na ninang, alis na sya"

Hindi ako isang exorcist. Maaring nakakakita at nakakarinig ako ng mga paranormal na bagay pero alam kong wala akong kakayahang magpalayas ng kung anumang nilalang. Kaya naman sinuggest ko kay Elaine na magpa-bless at magpa-cleanse ng bahay. Naaalala ko pang-apat na beses binalikan ng mga ni-refer kong paranormal investigator ang bahay nila. Ang sabi nila yung black lady daw ang kauna-unahang may-ari ng lupang yun at tila ayaw umalis ng babaeng itim sa bahay.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon