Putik-putik na papel at Itlog

118 2 0
                                    


Shared by : Jengskie

Nangyari ito nung first year high school pa lang ako. nagkaroon ng sakit si mama sa lalamunan na umabot ng almost 3 months na despite na nagpa-checkup na siya at may reseta na ng gamot, nag-suggest ang isang housemaid namin na subukang magpatingin sa albularyo kasi may kilala daw siya na magaling sa probinsya nila. sinubukan nga ni ermat kasi wala naman daw masama, nakilala namin ang matanda sa tawag ng mga taga-doon na "Babo Manot" at napayagan na sumama pumunta sa amin. pagdating namin sa bahay umikot-ikot ang matanda sa tapat ng bahay namin kasi may kakaiba raw, so hinayaan muna namin siya at naghanda kami ng panghapunan. nagsimula ang gamutan 9pm ng gabi, pinaliguan ng matanda ang mama ko at may binabasang orasyon, may pinainom na tubig at kelangan daw ng itlog na hilaw, so bumili ako at binigay sa matanda. may sinulat ang matanda sa itlog na parang symbols na di ko maintindihan at ipinahid ng 3x sa lalamunan ng mama ko at maghintay daw ng isang oras. pagkalipas ng isang oras at binasag nung matanda ang itlog sa bowl. nanlaki ang mata ko sa nakita ko, nagkaroon ng laman ang itlog na di dapat na pwedeng laman nito.

1.) tatlong kinakalawang na pako at karayom
2.) mga buhok
3.) balat ng lansones

Imposibleng trick yun kasi ako mismo ang bumili sa itlog. yun daw ang dahilan ng pagsakit ng lalamunan ng mama ko, kinulam daw siya, may kinuha din ang matanda sa kanyang bulsa na isang papel na putik-putik na at binuksan, nakita namin may naka-drawing na hugis tao, symbol at pangalan ng mama ko, alam nyo kung saan galing? nahukay ng matanda sa labas ng gate namin. kayang i-divert ng matanda yung kulam sa may kagagawan pero di nya alam kung sino ang may gawa. umayaw na lang mama ko kasi makakarma din daw ang may gawa nun, kinabukasan inihatid na uli namin ang matanda sa kanilang probinsya.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon