Laboratory

110 6 0
                                    


Shared by : xxxixcii

Matagal na akong nagbabasa dito, pero this is my first story.

Nagwo-work ako as a Lab Coordinator sa isang school sa Pampanga, my shift starts at 1pm and ends at 9pm kasi I have classes scheduled during nights and ako na din ang nagsasara sa mga ibang laboratory after their class. Ang laboratory ko ay located sa end ng corridor, yung building kasi shape niya rectangular at magkabilaan ang stairs, and my lab is at the second floor. Here is the story.

First Encounter.

When I was at my seat located at the back of the laboratory (10 computers in 5 rows) yung location ko sa PC 41 na katabi mismo ng door (describe ko lang yung door, alam nyo yung aluminum door na may glass then yung glass window nya may blinds tapos with hydrolics para sumara kasi airconditioned yung room yung minsan e sobrang bigat buksan, ganun yung door ng laboratory), bigla bumukas yung door about 5 inches lang yung bukas at may nakasilip na lalaki, kailangan kasing buksan ang door para makita mo yung nasa loob kasi nga with the blinds, inches lang ang pagbukas so nung nakita ko yung lalaki nagtitigan pa kami, akala ko tao lang, (kasi yung mga friends namin sa housekeeping eh pinupuntahan kami minsan) pagkabitaw nung pinto agad kong hinabol para puntahan, paglabas ko wala namang tao, so imposible na tumakbo agad paalis yung nakasilip e ilang seconds ba para bumaba to the first floor and ilan bang seconds para umakyat papuntang third floor wthout making loud sound for running?sumigaw pa ako para tawagin yung friend namin, kaso walang tao. is it a ghost?.

Second Encounter.

Same laboratory, nasa loob kami ng laboratory kasama yung barkada ko na student, nag-PSP kami Ad Hoc para lang matapos naming buuin yung gamit nung character ko. Around 9pm na un so ok lang kami na maglaro kasi wala ng students nun at end of shift ko na rin. While having the game, at around 930pm kumalabog yung door ko as in yung parang tina-try lang na itulak ng minsan para malaman kung bukas ba yung pinto. Then tinignan ko uli kung sino at same, sumigaw ako calling the name of our friend and no answer, and I felt the eerie ambience of the night, (alam kong iba yung ambience kasi nga umuuwi ako ng late night at alam ko yung feeling sa labas ng laboratory ko at those time). I shrugged it off baka yung guard lang kasi late hours na. Then pumasok na ako uli para sabihin sa kasama ko na walang tao and then naikwento ko yung encounter 1 ko and as I sat at my chair na-realized ko after mga ilang seconds na ituloy nalang namin ang paglalaro namin sa dorm niya since malapit lang sa school. Kasi nga iba na feeling ko outside. Then he agreed, so we packed our things and off we go, the creepy part is paglabas namin ng building, napansin naming dalawa na patay na lahat ng ilaw and kami nalang pala yung tao dun and worst naka-locked lahat ng gates palabas, so who was that person who pushed the door. Pinatawag namin yung guard to unlock the doors sa mga cheerleaders na nagpa-practice outside the gates of the building and pagdating ni manong guard, we asked him bakit nya sinara yung gates e may tao pa and I asked him, ikaw ba yung nagtulak nung pinto ko kanina dun sa dulong lab? ang sabi niya "Sir, hindi na po ako umakyat ng ibang floors, sumilip lang po ako from this gate and nakita na patay na po yung ilaw sa corridor kaya nagsara na ako, akala ko wala ng tao."

Kaya sino kaya yun? Ang bait naman niya to scare us para umalis na. para malaman namin na nakulong na pala kami. If hindi siguro kami natakot wala na siguro kaming hihingan ng tulong para magbukas ng gate. Sobrang PSP kasi. ahahaha.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon