Pasaherong Pari

127 4 0
                                    

Shared by : jctheman

Noong hindi pa ako Technician, Sales Staff pa ako sa isang DS. wala pa akong motor nun kaya byahe to the max ako. jeep palagi. isang beses pauwi ako medyo maulan. pagod pati galing trabaho may nakita akong jeep pagtingin ko walang pasahero sa harapan ng jeep kaya sa tabi ako ng driver umupo. tapos traffic dahil sa dalawa na lang kaming pasahero ng jeep, ako sa harap at isa sa likod ng driver. nag-decide ang driver na mag-shortcut na lang daw kami tutal dalawa lang daw kami.

After magsabi ng "shortcut tayo mga boss." bumaba na lang yung isang pasahero kasi out of line sya mapapalayo. so dalawa na lang kami, ako at yung driver. shortcut na kami. ang dinaanan ng diver eh madilim na lugar dito sa amin sa Pasig Floodway to Taytay. madilim talaga pag walang ilaw ang sasakyan mo. maya-maya ng konti naidlip ako habang umaandar. nagising na lang ako ng huminto bigla yung jeep. nagsakay ng pasahero na pumara sa sinasakyan namin. dahil nga sa maulan ng oras iyon medyo malabo visibiliity.
Sabi ng driver sa sumakay "saan po kayo Father (Pari)?" hindi kumibo yung Pari tapos ung ilaw sa likurang upuan ng jeep di masyadong maliwanag kaya ang napansin lang ng driver e abito. so bumulong ung driver "bingi yata itong pari na 'to eh."

Diretso sa pag-andar ang jeep. tapos naidlip na naman ako. maya-maya ng konti nagising ako bigla. bigla kasing nagpreno ung driver kasi pagtingin nya sa salamin ng jeep sabay tingin sa likod, wala na ung Pari.

Ni hindi man lang pumara o nagbayad. sabi nung driver "boss ung pasahero sa likod biglang nawala" ako naman tumingin din sa likod. Kinabahan ako dun, pati ung driver nagkatinginan kami.

Sa takot ng driver binilisan nya na lang ang pagda-drive. ako naman ay hindi na naidlip dahil sa takot.

At iyan ang hindi ko makakalimutang karanasan. Believe it or not.

Sa totoo lang ayaw ko na ulit maalala eh.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon