Shared by : pharmacokinetics
1) Isang hapon, pauwi na kami ng kaibigan ko. Dalawa lang kami nun, kaya nasa Pedro Gil Wing na kami ng UP Manila. Sakto naiihi ako. Since malayo pa sa college namin, at hindi na kaya ng pantog ko, napagtripan na namin ang isang building ng Medicine. Summer nun kaya wala masyadong tao, at hindi talaga for classes iyong building na iyon. Pagdating sa second floor, nag-cr na kami. Puro cubicle lang nandun, sakto lahat walang laman. Nauna akong lumabas at naghuhugas, tapos sumunod siya. Konting usap pa. After 2 minutes, may nag-flush. Tinanong ko iyong kaibigan ko, "Nag-flush ka ba?" Check agad kami ng mga cubicle, walang tao. Dahil wala naman kaming nakita at wala namang lumabas na tao ever since nandun kami, lumabas na kami.
2) Nag-audition kami nun para sa theater org ng college namin. Situated kami sa second floor. To visualize the area, isa siyang pahabang corridor. Sa buong kahabaan na iyon, dalawa lang ang area na may ilaw. on the other end, iyong closed room kung saan nagpapa-audition at kami sa gitna. Sa other end ay fire exit na walang ilaw. So saktong 8 to 9 pm na iyon, at hindi pa rin kami tapos, napagtripan namin pag-usapan ang aming mga personal ghost stories. Isa sa mga kasama ko ay nakakakita at ako ay nakakaramdam lang. Sa sobrang intense ng pag-uusap, nanahimik na ako, sumunod din iyong friend ko. Napansin ito ng mga iba naming kasama. Tapos tumakbo na kami pababa. Pagdating sa first floor, tinanong ako ng friend ko, "Nakita mo?" Um-oo na lang ako. Tapos lumingon kami sa half-floor at sinabi niya, "Sumunod siya sa atin."
3) Isa na ako sa mga nagpapa-audition sa theater org ng college namin. Dahil busy sa loob, wala akong kamalay-malay sa mga naghihintay sa labas, so nakwento lang nila ito. Kasama nila iyong friend ko na nakakakita sa second story. Mga 8 pm pa yata iyon. While having the usual chat, biglang tumunog ang cellphone ng isang babaeng friend namin. Weird daw kasi hindi naka-register iyong number, so sinagot pa rin niya. Sumambulat sa kanya ang boses ng isang babae na nagtatanong, "Nasaan ka na? Nandito na ako kanina pa" then biglang naputol iyong call. Syempre natakot na siya. Tumunog ulit ang phone niya, this time iyong mother na nya iyong tumatawag. Pagkasagot, tinanong siya, "May kilala ka bang Lanie? May tumawag sa akin kanina na matandang babae, hinahanap si Lanie." Sakto, tapos na iyong hinihintay nila kaya umuwi na sila. Unresolved pa rin kung sino si Lanie, kung kaya't tinatawag na naming "Lanie's Area" ang part na iyon ng college.
4) Eto naman ay isang kwento na naging hit sa college namin. Mahilig tumambay sa library si graduating kuya. Malapit din siya sa mga lower batch kung kaya madali siyang kausapin o makipagkwentuhan. One time, nakita siya ng isang lower batch na may kausap na ka-batch at isa pang babaeng nakaputi na hindi niya kilala (maliit lang college namin, kaya magkakakilala kami halos) sa isang table. Since lower batch siya, nahiya siyang mag-hi or makisama. After an hour or so, umalis na iyong mga kausap ni Kuya. Nilapitan siya nung lower batch at tinanong, "Wow Kuya, sino iyong kasama nyo ni ate? Ang ganda ah. Iyong nakaputi, grabe pa makatitig sa'yo." Ang naisagot lang ni graduating kuya, "Dalawa lang kami kanina sa table. Si <insert name> lang kausap ko."
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)