Compiled Stories 13

145 4 0
                                    


Shared by officeboy24

Sa UST College of Education Building just beside Faculty of Engineering Building, February 2, 2005 around 8pm. (First year College ako in my 2nd sem).

While sitting in one of the benches in front of their College, napatingin ako sa may 3rd floor and nakita ko na may isang tao na hindi ma-recognized yung mukha kasi dark pero medyo long hair at nakaharap sa akin. so akala ko student lang na nagmumuni-muni then biglang nag-apparition/gumalaw siya from left to right akala ko naman naka-skateboard then nag-sideview ng ilang beses bago gumalaw pa right side ng mabilis then biglang nawala mga 3 to 5 minutes din yung apparition niya.

I approached yung guard sa Ground floor and I told him kung ano ang nakita ko. Then the guard asked me if nakabukas yung third eye ko, since first time ko makakita ng ganun sabi ko hindi ko alam kung open. Then sabi ni mamang guard, resident ghost siya sa building na yun, may isang guard daw na nakakita na nagpi-piano sa College of Music sa Education Building pa yung ghost na yun around 1am or 2am habang nag-rounds sa building yung guard.

Ayun yung umpisa na nag-open ang third eye ko at open pa rin hanggang ngayon.

Marami pa actually pero mas memorable itong sa UST kasi yun yung first time ko kaya talagang tinandaan ko yung date and time.

Tapos parang coincidence kasi nung nagpunta kami sa Pagudpud nung April 2005 may naikwento yung isang staff ng beach resort na tinuluyan namin na same year na yun may nalunod na isang UST Engineering Student sa beach na yun habang nasa outing sila. I'm not sure kung siya yung nagpakita sa akin since yung educ building ay katabi lang ng engineering building.

Shared by NeoDyn

May ise-share ako sa inyo, ngayon lang nangyari.

Birthday ko ngayon at nag-iisa ako sa bahay dahil ang mister ko ay may business trip at 3 days ng wala.

Kanina pagkagising ko ng 3am para jumingle, pagpasok ko sa cr ay amoy kandila, medyo inaantok pa ako kaya hindi ko binigyan ng pansin. patuloy pa rin ako sa pag-jingle.Nung papasok na muli ako sa bedroom, kumalantog yung cooking utensils ko at tiningnan ko, wala namang bumagsak or naiba ng position sa lalagyanan ng kaldero ko. Sa isip ko lang, baka hindi pa ako talagang gising at nanaginip ako.

Balik ulit ako ng bedroom at nung magkukumot na ako, bigla akong napabalikwas at dun na ako talagang nagising ng husto dahil may narinig akong sobrang laking boses na parang hirap bigkasin ang pangalan ko "Nee neee", mahaba ang pagkakabigkas nya at garalgal. Nangilabot talaga ako at mabuting hindi ako naunahan ng takot at pumunta ako sa may altar ko kung saan yung bote ng tubig na bininditahan ang kinuha ko at saka ako lumabas ng bedroom at habang nagpe-pray ako ng 'Ama Namin', sabay kong binabasbasan ang kabuuan ng bahay ko at paulit-ulit akong nagdarasal. mga 30 minutes akong umupo sa sofa at naghintay ng pagbabago, pero wala na.

Kaya hindi na rin ako makatulog at nag-coffee na lang ako until na pumasok na ako sa work ko.

Iniisip ko baka ang tatay ko yun dahil halos magkaboses sila, baka gusto lang nya akong batiin sa birthday ko.

Shared by wisteriapoison

Ako naman ang scary experience ko nung 1st year high school ako sa LCHS (at that time exclusive for girls pa ang school). hapon noon, kakatapos ko lang mag-lunch outside the school, nag-washroom ako sa 1st floor, left side near the principal office. at that time my isang girl from the other class na nag-washroom din.
pag-enter mo ng washroom makikita mo agad ang sink tapos sa side tatlong partition stall doors. pag nag-turn right ka may malaking rectangular na mirror facing sa dalawang stall doors and if you go straight makikita mo na ang last stall door. at that time yung schoolmate ko at ako nag-urinate sa dalawang stall doors facing the mirror.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon